NUEVE

272 33 30
                                    

Nakakainis! Bakit kasi kailangan pa akong ipatawag ng captain namin, hindi ko tuloy nahabol si Claire kahit gusto ko na siyang makausap, baka kasi mamaya kung anong isipin niya dahil nakita niyang magkayakap kami ni Sandy.

Naglalakad na ako palabas ng court ng makasalubong ko si Sandy na umiiyak.

“Bakit, anong nangyari, bakit ka umiiyak?”

“Kasi si Bessie, sabi niya ayaw niya na daw muna tayong makita,” hinawakan niya ang braso ko, “Please kausapin mo si Bessie, sabihin mo sa kanya wag niyang gawin to sa atin.”

“Nasaan na siya?”

“Naglalakad pauwi sa kanila, habulin mo siya, tingin ko aabot ka pa sa park kapag hinabol mo siya”

Nagmamadali akong naglakad para maabutan ko si Claire. Ito minsan yong mahirap sa kanya, kung ano yong pinaniniwalaan niya, yon na iyon. Lalo na kapag nasasaktan siya, hindi na siya nakikinig sa sasabihin ng ibang tao.

Nakita ko na siya!

Naglalakad na parang walang lakas, binilisan ko pa ang lakad ko para maabutan ko na siya ng tuluyan, hinawakan ko ang braso niya at iniharap ko siya sa akin.

“Claire,”

“Sabi ko diba, wag muna kayong magpakita sa aking dalawa,”

“Mag-usap muna tayo, kapag natapos ko na sabihin yong gusto kong sabihin saka ka magdecide kung ayaw mo na akong makita.”

Hindi siya sumagot pero alam kung kailangan nga naming mag-usap ang sagot niya, inakay ko siya papunta sa paborito naming upuan kapag nandito kami sa park, buti na lang at 11am ngayon, wala masyadong tao.

“Boo, ano yong sinasabi ni Sandy na ayaw mo na kaming makita? Ano bang kasalanan nagawa ko sayo?”

“Wala,” hays! Tinotopak na naman siya =__________=

“Boo, alam ko meron, kahit sabihin mong wala,”

“Alam mo na pala, bakit nagtatanong ka pa,”

“Gusto ko sayo mismong bibig manggaling kung anong problema, kapag nasabi mo na sasabihin ko kung problema ba talaga iyon o hindi.”

“Maghiwalay na tayong dalawa, mas bagay kayo ni Sandy, si Sandy mapagmamalaki ka sa lahat, kaya ka niyang ipakilala sa kanila,pwede ka niyang halikan kahit nasa public place kayo, pwede niyang punasan yong pawis mo after mo magpractice ng basketball, pwede mo siyang yakapin kahit nakikita kayo ng maraming tao, ako… HINDi” mahabang litanya niya,

“Tingin mo ba pakikipaghiwalay ang solusyon sa problema nating yan?” dumako sa ibang doreksyon ang mga mata niya, pero hinawakan ko siya sa baba at pinaharap ulit sa akin. “Diba, ikaw ang nagsabi dati na kahit anong tampuhan o pagtatalo ang mangyari sa relasyon nating dalawa, hinding-hindi natin pag-uusapan ang tungkol sa paghihiwalay? Nasan na ang Boo ko? Nasaan na yong Boo ko, na kahit hindi pa siya pwedeng magboyfriend dahil magagalit ang parents niya, still willing pa ding i-continue ang relationship namin kasi mahal niya ako, na kahit hindi namin kayang ipakita sa ibang tao na kami talagang dalawa, naghihintay kaming dumating yong right time na pwede na? Claire, nasan ka na?”

Naiiyak ako, pero pinipigillan ko, mahal ko talaga tong babaeng to, kahit ganyang may topak siya,

“Ako pa din naman to eh,” sabi niya na nagpupunas ng luha.

“Bakit hinahayaan mong lamunin ka ng insecurities mo?”

“Sinong hindi ma-iinsecure? Yong bestfriend mo nakakayang halikan, yakapin, punasan ang pawis ng boyfriend mo in public place na hindi mo magawa, tapos…” kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang luha niyang kanina pa hindi tumitigil sa kakadaloy “malalaman mo pang crush siya ng boyfriend mo since grade school…”

Napakamot ako sa noo dahil sa sinabi niya, muntik nang mawala sa isip ko ang tungkol sa libro. “Hay naku! Iyon ba? Yong picture na nakita mo sa libro ko, hindi iyon sa akin, hiniram ng classmate ko yong libro at pagkasauli niya sa akin yon din yong araw na binigay ko sayo yong libro, kaya hindi ko na na-check yong book kong may nakaipit bang kung ano sa loob,”

“Talaga?” ngayon niya lang ako ulit tinitigan sa mata,

“Oo nga po,” pinisil ko ang tungki ng ilong niya na paborito kong gawin, “Hindi ko alam na sobrang selosa ka pala, to think na pati bestfriend mo pinagseselosan mo,”

“May dapat naman kasi akong pagselosan,”

“Wala kang dapat pagselosan kay Sandy,”

“Meron… kasi mahal ka niya,”

“Para tong sira, wag ka ngang ganyan,” ang kulit talaga ng girlfriend ko na to,

“SInabi niya sa akin kanina, kaya nga ako umiyak eh, mas bagay kayong dalawa. At tsaka siya, kaya ka niyang ipakilala sa parents niya,”

“Napakalaki ng insecurities mo Boo, kung alam ko lang na magiging ganyan ka, edi sana hindi na ko pumayag na magpanggap bilang boyfriend ng bestfriend mo,”

“Bakit ka ba kasi pumayag?” nakaismid na tanong niya sa akin,

“Kasi po, alam kong bestfriend mo iyon, at gusto mong makatulong sa kanya, at dahil mahal na mahal kita, willing akong gawin iyon kahit napaka under the belt na,”

“Under the belt ka dyan!” nakangiti na siya ngayon, parang kanina lang iyak to ng iyak eh,

“Sino ba naman kasing lalaki ang papayag ng ipahiram siya para sa bestfriend ng girlfriend niya, walang ganung lalaki, kung meron man yong mg playboy lang. Masakit kaya para sa akin yon, kasi hindi naman ako bagay kaya bakit ako ipapahiram. Pero dahil mahal kita ginawa ko para sayo…”

“Mahal din kita boo, I’m sorry if naging napakachildish ko at hindi ko naisip yong mararamdaman mo,”

“You’re forgiven, pero sa susunod hindi ko na hahayaang ipahiram mo ako kahit sa kapatid mo pa. Pasalamat ka mahal kita,”

“Thank you hihi” at namilosopo pa talaga siya.

Pero okay lang kasi niyakap niya ako, at hinalikan ko siya sa noo, pero saglit lang baka kasi may makakita ^___^

____________________

THANK YOU FOR READING <3

BORROWED BOYFRiEND *short story*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon