cuatro

358 31 34
                                    

Napakamot ako sa noo, “Ano ulit yong sinabi mo?” pangdalawamput-walong tanong ko na yata yan sa kanya.

“Tol, naiwan ko nga yong picture ni Sandy doon sa libro mo, wag mong masamain tol, crush ko lang naman si Sandy eh.”

Sinasabi sa akin ng ka-blockmate ko sa business math na naipit niya yong picture ni Sandy doon sa book, todo paliwanag pa siya sa akin kasi akala niya talaga girlfriend ko si Sandy. Ang hindi niya alam iniisip ko si Claire, iniisip ko kung nabuksan niya nab a yong libro at kung ano yong mararamdaman niya pag nakita niya iyon. Panigurado iisipin non may gusto ako kay Sandy.

“Tsk!”napasipa ako sa hangin, nakita ko yong takot na rumehistro sa mukha ng blockmate ko ng ginawa ko yon. Tumingin lang ako sa kanya na makikita niya sa mata ko na naiintindihan ko siya. “Ayos lang sa akin tol, natural lang naman na magkagusto sa isang tao eh.” tinapik ko pa ang balikat niya. “Uwi na ako tol.”

Naglakad na ako, pero hindi pauwi papunta sa bahay namin, pupunta ako sa park kung san ang tagpuan namin ni Claire, naupo ako sa upuan doon habang dinidial ko ang number ni Claire.

Problemado talaga ako, hindi ako mapakali, saglit lang akong umupo, pero tumayo din ako at naglakad ng paroo’t-parito. May iba talaga akong nararamdaman eh,hindi maganda ang kutob ko.

Ilang beses ko na siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot.

>>>> BOO, nandito ako ngayon sa park, meet me please.

I press the ok button… and message sent

** boo

>>>> bukas na lang tayo magkita, I’m not feeling well :/

Hays! Mas lalo akong kinakabahan sa kanya ah, dati kahit sobrang dami ng assignments niya lalabas pa siya para lang makipagkita sa akin, o kahit sobrang lala na nang sakit niya, pupuntahan niya pa din ako, pero bakit ngayon?

Mabigat ang mga hakbang ko habang pauwi sa bahay, wala akong ibang choice kung hindi ang hintayin ang bukas.

*NEXT MORNING*

4am na ako nakatulog, tapos ngayon 8:30 na, 10 am ang pasok namin ni Claire.

Agad akong nag-asikaso dahil ayokong malate ako, hindi na ako pinatulog ng nangyari kahapon, ayokong magkagulo na naman kami ngayong araw.

Pagkadating ko sa park, nandoon na si Claire.

Nang makita niya ako, tumayo na siya at naglakad palapit sa akin.

“Good morning Boo,” hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha. “Maayos na ba ang pakiramdam mo.”

Tumango lang siya.

Hindi ako sanay na ganyan siya, sanay ako na madaldal siya at hindi nawawalan ng kwento, siguro nga masama lang ang pakiramdam niya, o baka naman PMS?

Habang naglalakad kami papunta sa campus, may mga ino-open akong topic para maging masigla siya, pero wala pa rin talagang epekto.

Napahinto ako sa paglalakad ng bigla siyang huminto.

“Oh bakit?”

“Wag mo na akong ihatid sa room ko, baka may makakita sayo na ako ang kasama mo at baka masira ang pagpapanggap niyong lovers ni Sandy.”

Hinakawan ko siya sa braso at pinaharap ko siya sa akin. “Boo, ano ka ba naman… masama ang pakiramdam mo, hayaan mo na akong ihatid na kita sa room mo.”

Inalis niya ang kamay ko na nakalagay sa braso niya. “Mag cool-off na muna tayo Boo, saka na lang tayo ulit mag-usap kapag tapos na yong usapan niyo ni Sandy.”

Ano daw?

COOL-OFF?

Ako na nga ang tumulong, tapos ngayon ako pa yong lumalabas na may kasalanan.

*Breathe in, breathe out*

“Boo, pag-usapan natin to ng maayos, wag yong ganito.”

“Bigyan mo lang ako ng ilang araw, wag ka na munang magpakita sa akin.”

Napasabunot na ako sa buhok ko, “Yong tungkol ba yon dun sa picture?” yumuko lang siya lalo,

“Let me explain.”

“Saka ko na papakinggan yang paliwanag mo, sa ngayon kasi sarado pa ang utak ko, kahit magpaliwanag ka pa ng ilang ulit, hindi din kita maiintindihan,”

Naglakad na siya palayo sa akin, nakita ko pa ang pagpunas niya ng luha sa kanyang mga mata.

Anong nangyari? Ito ba yong consequences ng pagtulong ko?

Ni hindi niya man lang pinakinggan yong side ko, tapos gusto niya magCool-off kami…

Hays!

Tinanggap ko lang naman iyon kasi sabi ni Sandy pumayag naman si Claire, dapat nga ako ang sumasama ang loob ngayon, sino ba kasing girlfriend ang papayag na hiramin ang boyfriend niya, ang sakit non, pero binalewala ko kasi mahal ko siya, tapos ganito lang?

“Mga babae talaga…”

 ***************************************************************

i dedicate this to my SENYORA :)

kumokota ka na saken ng dedication SENYORA xD

sana wag kang magsawang basahin mga gawa ko ..

THANKS FOR READING THIS <3

BORROWED BOYFRiEND *short story*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon