Siyete

226 28 27
                                    

Nagmamadali akong umakyat ng third floor kasi alam kong last day na nang pagpapanggap nila, and sobrang excitement ang nararamdaman ko habang umaakyat ng hagdan. Pero pagtingin ko sa room nila walang klase,

“Miss, nasaan ang klase ng handle ni sir Castro?”

“Wala kasi si sir ngayon,”

“Ganun ba, sige salamat” Aalis na sana ako pero nagsalita pa siya, “Friend mo sila Sandy at Aeron diba? Nasa court sila, nagtawag ng practice kanina eh.”

Ngumiti ako sa kanya at nag-thank you tapos halos takbuhin ko na pababa yong hagdan.

Nakarating ako sa court na nakahawak sa dibdib ko at umiikot ang mata ko sa paligid ng court. Ang layo pa ng tingin ko, halos nasa tapat ko lang pala yong dalawa.

Nakatingin lang ako sa kanila, nakamasid mula sa malayo,

nakita ko nang ilagay ni Aeron sa likod ng tenga ni Sandy ang buhok na kumawala sa tali niya,

nakita ko din nang hawakan ni Aeron ang kamay ni Sandy,

at ang pinakamasakit sa lahat….

Nakita ko din ng magyakapan silang dalawa at parehas silang nakangiti, mukhang saling-pusa na lang yata ako dito sa relasyon naming dalawa.

Tumalikod ako palabas ng court pero may nakabunggo ako at sa lakas ng impact napabagsak ako sa sahig. At yong luhang kanina ko pa pinipigilan, kusa na lang lumabas sa mga mata ko.

“Miss, I’m sorry” inalok niya pa sa akin yong panyo niya,

“Ayos lang,” sabi ko habang pinupunsan ang luha ko, “Sa akin na lang tong panyo mo,” nang tumango siya ay agad na akong tumayo at lumabas ng court.

Umiiyak pa din akong naglalakad habang palabas ng campus, wala na akong pakialam sa sabihin ng iba,

Eh sa masakit! Wala naman akong ibang mapagsabihan kasi yong dalawang pinagsasabihan ko kapag may problema ako, sila pa yong problema ko ngayon.

“Bessie!” nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso at pinaharap sa kanya.

Pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa mata ko bago ako nagsalita

"BAKIT MAY HIHIRAMIN KA PA BA? "

-------------------------------------

Thanks sa pag-add sa RL mo ng BB @read_deletegurl25 :D

 ---- THANKS FOR READING <3

tingin ko isang update.an na lang, tapos na ito :))

BORROWED BOYFRiEND *short story*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon