Nagagalit ako! Sobrang nagagalit ako, pinayagan ko na nga siyang hiramin ang boyfriend ko tapos hinalikan niya pa in public place si Aeron, sumusobra naman yata siya. Nakakainis! Hindi ako ito eh, kahit kelan hindi pa ako nagalit sa bestfriend ko, may tiwala naman ako sa kanilang dalawa, kaya lang ang sakit! Ang sakit kasi, ako na girlfriend ni Aeron hindi siya mahalikan in public places, kahit gaano ko kagusto hindi ko magawa kasi baka may magsumbong kila mommy.
Parang gusto ko na tuloy sisihin sila mommy dahil sa pagbabawal nila sa aking magboyfreind,
HAYS! Nakakainis talaga!
Alam ko namang ayaw lang nila mommy na mapariwara ako or magaya sa mga babaeng maagang magbuntis kaya nila ako pinagbabawalan, pero kasi naman eh! Dahil sa nangyayari ngayon parang nagiging makitid na ang utak ko.
Sa sobrang inis ko binuksan ko ang zipper ng bag ko at binuhos ko lahat ng gamit na laban ng bag ko.
Gagawa na lang ako ng assignment sa Business Math
Huling-huli na bumagsak ang libro ni Aeron na hiniram ko kanina, nainis na naman ako, ang usapan namin tutulungan niya ako sa assignment ko, pero hindi natuloy kasi nga tumulong siya sa problema ng bestfriend ko.
Pasalampak akong dumapa sa kama ko, binuksan ko yong book, at dahil sa sobrang badtrip hindi ko matandaan kong anong page ba yong assignment ko. Nahagis ko yong book, at may mga papel na lumabas mula doon sa book, agad akong bumangon sa kama at kinuha yong book ng boyfriend ko.
But what I’ve seen almost break my heart may picture nang Bessie ko sa book ni Aeron, at ang nakalagay “This is Sandy, the one that I adore since grade school”
OUCH!
Pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa mga mata ko,
Nakakainis naman eh T_____________T
Kaya pala, kaya pala pumayag siya kaagad na magpanggap namaging boyfriend ni Sandy kasi may gusto pala siya sa bestfriend ko.
Siguro sobrang masaya siya habang hinahalikan siya ni Sandy, habang ako ang sakit sa dibdib na makita sila sa sitwasyon na ganun. Walang kasalanan dito si Sandy, siya lang talaga, kasi may reason sa pagpayag niya.
AYOKO NA MUNANG MAKITA SIYA T_____T
Iiyak lang ako, sana pagkatapos nito, wala na yong sama ng loob ko sa kanya.
------------------------------------------------------------------------------------------------
i dedicate this sa kanya kasi ntutuwa ako :)
noisy reader siya ! xD
THANKS FOR READiNG po <3
BINABASA MO ANG
BORROWED BOYFRiEND *short story*
Romancepag hiniram ng bestfriend mo, ang boyfriend mo .. ipapahiram mo ba?? --- ang sagot po ninyo ay hihintayin ko sa prologue :) kung hindi sa prologue, aasahan ko yan sa last chapter .. ang hindi sumagot, aagawan ng bestfriend nila ng boyfriend :P