----------- at dahil ako ay isang nagpapanggap na diyosa :)
mag AN ako ;) pagbigyan niyo na ako,xD
hmm .. gusto ko lang sabihin na ang nauna kong natype ay hindi nasave kaya kumbaga pangalawa ko nang tyoe ito, buti na lang may nagbabasa nito kasi kung hindi, hindi ko na talaga ito tatapusin .. i just want to say THANK YOU! lalo na sa kasama ko sa tropang watty, I LOVE YOU GUYS and GALS :)))
ito na po ang continuation :)
-----------------------------------------
Last day na ngayon ng pagpapanggap namin ni Aeron, at katulad nga ng kumakalat na tsismis sa school, lagi nga kaming magkasama ni Aeron this fast few days. At some point nagu-guilty ako, alam ko kasing ako yong dahilan kung bakit nagcool-off silang dalawa ni Claire.
At meron pa akong isang kinaka-guilty…
Tulungan niyo naman ako,
Paano ba sabihin sa bestfriend mo, na naiinlove ka na sa boyfriend na pinahiram niya lang sayo? T___________T
Bakit kasi sobrang bait ni Aeron?
Bakit kasi caring siya?
Bakit kasi ang sweet niya?
WAAAAAAAAAAAAAH!
Alam ko marami nang nagagalit sa akin dahil sa mga pinaggagawa ko, pero ikaw ba naman hindi tantanan ng ex-boyfriend mong ubod ng yabang, buti na nga lang ngayon tinantanan niya na ako kasi nakita niyang lagi kaming magkasama ni Aeron.
“Haaaaaaaaaaay” isang malalim na buntong-hininga na lang ng kaya kong gawin, hindi ko alam kung paano ako lalabas sa sitwasyon na kinasusuungan ko.
“Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah,” si Aeron
Kinuha ko naman kaagad sa backpack niya, yong towel niya at pinunasan ko ang mukha niya. Nandito kami ngayon sa basketball court ng campus, nagpractice kasi sila Aeron, at ako bilang kilalang girlfriend niya KUNO, syempre kailangang ipakita ko na supportive ako sa kanya.
“Salamat,” sabi ni Aeron, ngumiti lang ako at patuloy na pinupunasan ang pawis sa mukha niya.
Last day na to, last day na nang pagiging girlfriend ko sa kanya, bukas kay Claire na siya ulit, hindi ko na siya pwedeng hawakan ng ganito.
Aeron, bakit ba kasi minahal kita?
Dati okay na ko sa crush lang kita, pero bakit kailangang ma-inlove ako sayo?
Pahihirapan ko lang ang sarili ko, magiging komplikado lang ang lahat, dahil sa nararamdaman ko.
Nagpakawala na naman ako ng isang buntong-hininga.
“Grabe, kanina pa yang bunting-hininga mo ah. Anong problema mo? Wag kang mahiyang magsabi sa akin, parang bestfriend mo na din ako.”
Yon nga yong problema ko, para sayo bestfriend mo ako, pero ikaw mahal kita…
“Natatakot lang ako, baka kasi bukas guluhin na naman ako ni Daryll,” sabi ko na lang, hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanya tong nararamdaman ko eh,
“Naku, wag mo nang isipin yong si Daryll, akong bahala sa kanya, kapag di ka pa rin tinigilan ako na makakaaway niya.” inayos niya yong buhok ko na kumawala mula sa pagkakatali, nilagay niya iyon sa likod ng tenga ko. “Dahil bestfriend ka ng mahal ko, bestfriend na din kita, at ayokong nakikitang nasasaktan ang kaibigan ko.”
Aeron, bakit ganyan ka? Sa sinasabi mo, hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan eh. Concern ka nga sa akin pero alam ko naman na ganyan ka kasi kaibigan lang ako para sayo.
“Aeron, bukas hindi na kita boyfriend. Maraming salamat sa lahat ng nagawa mo para sa akin, at maraming salamat sa pagtanggap sa request kong maging boyfriend ka ng isang linggo, and gusto ko na ding magsorry kasi ako yong naging dahilan kung bakit kayo nagcool-off ng bestfriend ko.”
“Sus, ito naman, wala iyon…” hinawakan niya ang kamay ko, “Para sa ikasasaya ng girlfriend ko at para sa kaibigan kong nangangailangan ng tulong, lahat gagawin ko,”
Napakabait talaga ni Aeron, and I know my bestfriend is so lucky to have him.
“Can I request a hug?”
After ng hug na to Aeron, susubukan ko nang kalimutan yong nararamdaman ko, alam kong mahirap kasi bestfriend ko ang girlfriend mo, pero susubukan ko.
Without answering… he just pull me, and naramdaman ko na lang na yakap niya na ako.
“Thank you Aeron,”
“You’re always welcome,”
---------------------------------------------------------------------------------
-- i dedicate this chapter to her kasi sabi niya LOVE niya daw ang NAME ko, :)
at name ko lang talaga ha? xD baka naman pwedeng pati ako na din ? CHoss :P
THANKS FOR READING :))) <3
BINABASA MO ANG
BORROWED BOYFRiEND *short story*
Romancepag hiniram ng bestfriend mo, ang boyfriend mo .. ipapahiram mo ba?? --- ang sagot po ninyo ay hihintayin ko sa prologue :) kung hindi sa prologue, aasahan ko yan sa last chapter .. ang hindi sumagot, aagawan ng bestfriend nila ng boyfriend :P