CHAPTER 3
"TALAGA bang lagi mong daya yan? Hindi ka ba nabibigatan?",tanong ni Hannah na ang tinutukoy ay ang kaniyang DSLR camera.
Papunta sila ng mall sakay ng shuttle ng araw na iyon. Tinupad niya ang sinabi niyang sasamahan niya ito sa pagbili ng libro.
"Oo, nasanay na kasi ako na lagi kong dala 'to dahil na din sa nature ng trabaho ko sa isang modelling agency sa Manila. At isa pa, magaganda nag tanawin dito sa Davao. I couldn''t afford to miss it." Kinindatan niya ito. Napakunot naman ang noo nito.
"Are you flirting with me?", she said with a smile on her face. Ngumiti lamang siya dito.
"Ma'am, Sir, nandito na po tayo." Pukaw sa kanila ni Mang Kanor. Ito angdriver ng sinasakyan nilang shuttle.
"Maraming salamat Mang Kanor."
"Walang anuman po senyorita."
"Si Mang Kanor talaga. Ang hilig niyong magbiro." Nakita niya ang pagkabalisa sa mukha ni Hannah. Gusto niya sanang tanungin kung anong problema ngunit hindi na niya naisatinig pa iyon ng hilahin siya nito papasok ng mall. Agad silang pumasok sa isang bookstore at hinanap ang sinadyang libro ngunit wala silang makita ni isang kopya niyon.
"Miss, meron pa ba kayong librong The Secret Garden ni Frances Hodgson Burnett?" ,tanong niya sa isang dumaang saleslady.
"Check ko lang po sa computer namin Sir."
"Okay, Please."
Ilang minuto lang ay nakabalik na ang saleslady. "Pasensya na sir, out of stock na po. By next week pa po ang delivery."
"Ganun ba? Sige,maraming salamat."
Sinulyapan niya si Hannah na tahimik lamang sa kaniyang tabi. Halata ang lungkot sa mga mata nito. Kinuha niya ang kamay nito at marahang pinisil iyon. Nagtaas ito ng mukha at bahagyang ngumiti. Inaya niya itong kumain muna bago bumalik sa resort. Hangang sa makabalik sila ay nanatiling tahimik ito.
Kasalukuyan silang nakaupo sa malaking bato sa loob ng Butterfly Garden. Itinutok niya ang camera dito at kinuhanan ito. Napalingon ito sa kaniya.
"Bakit ang hilig mong kuhanan ako ng picture?"
"My cam loves you. Lalo na kung nakangiti ka." Sumimangot ito. "O, bakit?"
"Sira ulo ka talaga. Sa lahat ng lalaking nakilala ko, ikaw na yata ang pinaka malandi."
"Malandi?" Napabulalas siya ng tawa.
"Oo malandi bakit? Anong nakakatawa?"
"Wala naman, kaso, ngayon ko lang naranasang tawaging malandi." Natawa siya ulit ng malakas. Napaliyad siya kakatawa na nagingdahilan para mahulog siya sa kinauupuang bato. Hinimas niya ang nasaktang pang-upo.
"Ayan kasi." ,anito na may ngiti na din sa mga labi. Namumula din ang mga pisngi nito.
Kumunot ang kaniyang noo."PInagtatawanan mo ba ako?"
Nag-iwas ito ng tingin. Binigyan namanniya ito ng mapanuring tingin. Nang sumulyap ulit ito sa kaniya ay hindi na nito naiwasan ang mapahalakhak. Pulang pula ang pisngi nito kakatawa at mangiyak ngiyak pa ito. Mabilis siyang tumayo mula sa kinasadlakang damuhan at sinugod ito para kilitiin. Mabilis na nahulaan nito ang kaniyang gagawin kung kaya't mabilis din itong tumayo at tumakbo papalayo sa kaniya. At parang mga bata silang naghabulan. Kasama ang mga paro parong naglilipana sa paligid. Hindi iilang beses na nasubsob siya kakahabol dito, na kung minsan ay sinasadya na niya. Dahil sa tuwing susubsob siya sa damuhan ay lalong lumalakas ang pagtawa nito. Ang marinig ang mabining pagtawa na nanggagaling dito ay tila isang musika sa kaniyang pandinig.

BINABASA MO ANG
The Story of My Girl
Romance"Mahal na kita Hannah." Malakas na sampal ang isinagot nito sa kaniya. Naglahong parang bula ang ngiti sa kaniyang mga labi. Para bang nabingi siya hindi dahil sa lakas ng sampal nito, kundi dahil sa nagsusumigaw na pag-tanggi nito sa nararamdaman...