PROLOGUE
"Okay po! Nice! One more shot and we're done!"
Hindi maiwasang mapangiti ni Matthew habang pinagmamasdan niya ang mag-asawang kinukuhanan niya ng litrato para sa ika-limampung anibersaryo ng mga ito. Hindi niya maiwasang maalala ang isang taong nagturo sa kaniya kung paano magmahal. Ang nag-iisang taong nagpahalaga sa kaniya. Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Kinuhanan niyang muli ng isang beses ang mag-asawa bago nakangiting nilapitan ang mga ito.
"Mr. and Mrs. Dela Cruz. Congratulations po sa inyo."
"Hijo, Thank you at pinaunlakan mo kami sa aming request kahit na busy ka. Ikaw lang kasi ang gustong photographer nitong misis ko eh." Nakangiting nakipagkamay ito sa kaniya.
"Walang ano man po iyon Mr. Dela Cruz. Alam niyo naman pong malakas kayo sakin."
Bahagyang nagtaka siya ng makita ang lungkot sa mga mata ng matandang babae. Marahang itinapik nito ang kaniyang pisngi. "Magiging masaya ka din hijo."
Nauunawaang niyakap niya ito, pagkaraa'y nagpaalam na upang puntahan ang isa pang sadya niya sa lugar na iyon. Pagkatapos ilagay sa compartment ang kaniyang mga gamit ay sumakay na siya sa kaniyang Toyota Corolla. Binuhay niya ang makina at isinalang ang CD sa CD Player. Agad na pumailanlang ang malamyos na musika. Pachelbel's Canon.
Pinatakbo niya ang sasakyan. Matagal tagal na rin ng huli siyang makatuntong sa lugar na iyon. Binuksan niya ang bintana sa tabi niya at inilabas ang kaliwang braso mula doon. Dinama niya ang hangin ng Davao. Sinamyo niya ang hangin na nakapagpapaalala sa kaniya sa kaniyang matamis na nakaraan. Isa isang tila nagsibalikan sa kaniyang alaala ang lahat ng nangyari ng mga araw na iyon. Nang mga araw na kasama pa niya si Hannah.

BINABASA MO ANG
The Story of My Girl
Romance"Mahal na kita Hannah." Malakas na sampal ang isinagot nito sa kaniya. Naglahong parang bula ang ngiti sa kaniyang mga labi. Para bang nabingi siya hindi dahil sa lakas ng sampal nito, kundi dahil sa nagsusumigaw na pag-tanggi nito sa nararamdaman...