CHAPTER 4
NAPABALIKWAS ng bangon si Matt nang marinig ang boses ni Ellie at Eric. Dali dali siyang pumunta sa kwarto ni Ellie. Naabutan niyang pinupunasan ni Eric ng basang bimpo ang kapatid nito.
"Anong nangyari?" ,nag-aalalang tanong niya.
"Naalimpungatan ako nang marinig ko si Ellie. Nang pumunta ako sa kwarto niya, nakita ko na lang siyang inaapoy ng lagnat."
Lumapit siya at sinalat ang noo nito. Kumuha siya ng biogesic sa kwarto nila ni Eric at muling bumalik sa kwarto ng dalaga para ipainom iyon dito. Kinuha niya mula kay Eric ang basang bimpo upang ipagpatuloy ang ginagawa nito. Lumabas ito ng kwarto upang gumawang lugaw.
"Kuya...Kuya...Kuya Matt..."
Hinawakan niya ito sa kamay. "Andito ako Ellie. Magpahinga ka lang. Andito lang si kuya."
Nakita niyang bahagyang kumalma ito hanggang sa tuluyang makatulog. Buong magdamag na inalagaan nila si Ellie. Taas, baba ang lagnat nito. Nang humupaang lagnat nito ay di na niya namalayang nakatulog siya sa tabi ng kama nito. Ganun din si Eric.
Nangalay na yata siya sa pagkakayukyok sa kama nito kaya napilitan siyang gumising. Sinulyapan niya ang si Ellie na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa din. Mataas pa din ang lagnat nito ng salatin niya ang noo nito. Nang lumingon siya sa paligid ng kwarto ay hindi na niya nakita si Eric. Kung kaya naman lumabas siya para hanapin ito. Nakita niya itong iniinit ang lugaw na niluto nito kagabi para sa kapatid. Handa na din ang kanilang almusal. Umupo siya sa isa sa mga silya sa kusina at hinilot ang kaniyang sentido.
"Ang mabuti pa kumain ka na muna pare. Hindi ba may usapan pa kayo ni Hannah na magkikita ngayon?"
"Oo nga pala. Maliligo na muna ako bago kumain."
Pumasok siya ng banyo at mabilis na naligo at nagbihis. Pagkalabas niya ng kanilang kwarto ay muli niyang narinig ang boses ni Ellie. Napatakbo silang pareho ni Eric sa kwarto nito. Bahagyang namumula pa din ang mukha nito dahil sa taas ng lagnat nito.
"Ellie, anong masakit sa'yo?" ,tanong ng kaniyang kaibigan.
"Masakit ang ulo ko kuya."
"Mabuti pa kumain ka muna. Tapos uminom ka ng gamot. Kukunin ko lang yung niluto kong lugaw."
Lumabas si Eric ng kwarto. Lumapit naman siya dito para palitan ang bimpong nakalagay sa noo nito. Nanlalambot na hinawakan nito ang kaniyang braso.
"Kuya Matt, aalis ka? Saan ka pupunta? Iiwan mo 'ko?" Mahina ang boses nito. "Wag ka nang umalis kuya..."
"Aalis lang ako saglit bunso. Babalik din ako kagad."
Tumalikod ito sa kaniya. Pumasok naman si Eric dala ang niluto nito.
"Ellie kumain ka na."
"Ayokong kumain."
"Pero kailangan mong kumain. Sige na Ellie." Pilit ng kapatid nito. Ngunit hindi ito pinansin ni Ellie. Napabuntong hinga na lamang siya.
"Sige na, hindi na ako aalis."
Mabilis na humarap ito sa kaniya pagkarinig sa sinabi niya. Nakangiti na din ito. Pinigilan niyang paikutin ang kaniyang mga mata. Kahit kailan talaga spoiled ito. Ngunit mabuti na din na sinabi niya iyon dahil kumain na ito at uminom ng gamot. Humiga ito sa kama at hinawakan siya sa laylayan ng kaniyang polo. Wala talag siyang takas dito.
Nag-aalala siyang baka maghintay sa wala si Hannah kung kaya't pinakiusapan niya ang kaibigan para pumunta bilang kapalit niya. Pinasabi niya na hindi siya makakapunta ng araw na iyon dahil sa nangyari. May kaunting inis siyang naramdaman sa kaniyang sarili. Parang masgusto niyang makipagkita kay Hannah kesapagbigayan si Ellie. Alam niyang mali iyon pero yun ang totoong nararamdaman niya.

BINABASA MO ANG
The Story of My Girl
Romance"Mahal na kita Hannah." Malakas na sampal ang isinagot nito sa kaniya. Naglahong parang bula ang ngiti sa kaniyang mga labi. Para bang nabingi siya hindi dahil sa lakas ng sampal nito, kundi dahil sa nagsusumigaw na pag-tanggi nito sa nararamdaman...