CHAPTER 32:Third?

53 1 0
                                    

Dear diary,
Pagkagising ko at siyempre nag stretching muna ako. Pagtapos ay ganon parin naman, masasabi ng  goodmorning kay nanay at kila Liana at tatay. Oy! Baka  akalain mo at magtaka ka kung paano ko sasabihan ng good morning si nanay, siyempre sasabihan ko siya sa langit nun.Pati na din sa nakadisplay niyang picture malapit sa sala.

 Saka hindi lang naman ako ang nasasabi o gumagawa non noh, pati din sila Liana at Tatay kaya ginagawa yun.So yun na nga, pagbaba ko ay sasabihin ko "Good morning nanay😊"!Sabi naman ni Liana "Ay! Sorry nay, nakalimutan ko mag good morning sayo pagkababa ko". Sabi ko "Tay oh, si Liana nakalimutan mag good morning kay Nanay". Sabi ni Tatay "tsk,tsk,tsk kalimutan niyo  na kung sino ako o sabihan ako ng good morning, wag lang ang nanay niyo. Malinawag ba😐"? 

Sabi namin ni Liana "opo tay☺". Sabi ni Liana "good morning nay😅". Maya-maya ay tanong ni LIana kay Tatay "oh bakit ikaw tay😕? Hindi ka ng good morning kay Nanay". Sabi ni tatay "ha?! Ako? Hindi nagkapag good morning? Kailan pa nangyari yun?! Ano ka ba? Lagi ko binabati ang nanay niyo noh. Hindi niyo ako nakikita nagsasabi ng good morning sa nanay niyo dahil pagkagising ko pa lang ay nagu good morning ako. Eh sino ba unang nagigising? Eh diba ako".

 Hindi na kami kumibo ni Liana dahil tama na si tatay. Kumain na kami ni Liana ng almusal. Pagkakain at paglipit ay naligo kaming dalawa. pagligo ay nagbihis siyempre, pagligo ay nag-ayos ng konti at pagtapos ay nagpaalam at gumora na. Nang makarating na kami sa bakery ay nakita namin si Lucas ay naghihintay sa bakery. Tanong ko kay Lucas "Kanina ka pa😕"?

 Hindi siya kumibo at bigla na lang niyang ibinigay yung mabigat niyang bag sakin at nauna ng maglakad. Tanong ko "ano meron dun😑? Hindi maganda gising"? Sabi ni Liana "siguro,hindi ka rin daw kasi maganda ate eh". Tumingin ako ng masama kay Liana sabi ko "gusto mo ibagsak ko tong bag na'to sa mukha mo"? Sabi ni Liana "Ayoko nga😄"!

 Biglang naglakad ng mabilis. Sabi ko "bakit ba may kasama ako lagi sa umaga ng dalawang mga unggoy na'to. Ay, hindi pala isang unggoy na feeling maganda at isang supladong toro". Nang makarating na kami sa school ay nakita ako ni Jake, sabi niya "hi cathy". Sabi ko "ha-ha-HI". Sabi ni Liana "hi kuya Jake🙂"! 

Sabi ni Jake "hi🙂". BIgla na lang kinuha ni Lucas yung bag niya at ang sabi niya "akin na nga yan". At nauna ng pumasok sa classroom. Sabi ni Liana "una na ako te". Sabi "Ha? oh sige". Sabi ni jake "so...tutal na nauna na silang dalawa...ibig sabihin tayong dalawa na lang🙂"? Sabi ko "ah...ah..um..ha"?

 Sabi ni Jake "what i mean is that tayong dalawa na lang ang pupunta sa classroom because nauna na sila diba"? Sabi ko "ahh..oo tama is😅". Sabi ni Jake "so..halika kana". Tanong ko "ha-ha-halikan na"? Sabi ni Jake "yeah! Halika na. Let's go"?

 Sabi ko "ahhhh...Let's go😅". Tanong ni Jake "yeah let's go, why"? Sabi ko "ah wala! wala yun😅". At sabay na nga kami pumunta sa classroom. Pagpasok ay biglang lapit sila bestie at beshie. Tanong ni beshie "oy bakit ngayon ka lang"? Sabi ko "ha"?

 Sabi ni bestie "oo nga, diba usually sabay kayo ni Lucas pumasok ng school at ng classroom. Tapos maaga pa, ngayon 5 minutes nang after pumasok si Lucas wala ka pa". Tanong ko "5 minutes na ba yun😕? parang hindi naman". Tanong ni bestie "Ah basta! Bakit nga"? Bigla na lang pumasok si sir  kaya bumalik na sila sa upuan nila.

 Matapos ang ilang oras, nagrecess na. Hinila ako bigla ni bestie at beshie at umupo na kami sa pwesto namin. Tanong ko "Bakit ba kailangan niyo pa ako hilahin😑"? Sabi ni beshie "kasi marami ka kailangan sabihin". Tanong ko " sabihin? Ano naman ang sasabihin". 

Sabi ni bestie "eh diba dapat sasabihin mo kung bakit hindi kayo sabay ni Lucas pumasok at kung bakit sabay at ang tagal niyo ni Jake pumasok ng classroom". Sabi ko "Teka nga, pansin ko lang ha. Bakit ba madalas tungkol sakin ang topic tuwing nag-uusap tayo😕"? Sabi ni bestie "dahil cute niyo kasi eh, nababasa o napapanood ko lang yang mga pangyayari na yan". Sabi ni beshie "may kilala ako na mas cute pa diyan". Tanong namin ni Nina "sino😕"? 

Sabi ni beshie "ako😊". Hindi na kami na kakibo ni Nina. Sabi ni beshie "hindi lang basta cute kundi maganda at sexy pa". Sabi ni bestie "so ikaw ang bagay kay cathy"? Sabi ni beshie "ha?! Hindi ah! Ewww".

 Sabi ni beshie "kasi ang tinutukoy dito si Jake, yung cute para kay Cathy". Sabi ko "siguro kaya ayaw sakin ni miko dahil gusto niya sayo". Sabi nilang dalawa "ewwwww🤢". Sabi ko "kunyari pa kayo". Sabi ni beshie "oy! Iniiba mo yung topic eh. So ano na nga"?

 Sabi ko "sabay kami pumasok ni Lucas noh. Ganon pa din, sabay pumasok dahil may kasunduan. Nang makarating kami sa school nakita ako ni Jake kaya lumpit siya. binati niya ako at binati ko din siya. Tapos bigla na lang kinuha sakin ni Lucas yung bag niya at dumiretso na siya sa classroom. Kaya kaming dalawa ni Jake ay sabay pumasok sa classroom. Tapos yun lang".

 Tanong ni bestie "yun lang😕? Eh bakit ang tagal niyo😕"? Sabi ko "Oo yun lang, wala lang,hindi naman kami matagal eh. Kay nga ako nagtataka kung bakit o paano niyo na sabing matagal kami eh". Sabi ni beshie "oh yun lang naman pala eh". Sabi ko "tulungan niyo na lang ako mag-isip ng third advice ko para kay Jake". 

Tanong ni bestie "Third😕"? Sabi ko "oo, third". Tanongni Beshie "ha? Eh diba hindi mo pa nasasabi kung ano yung 2nd advice mo😕"? Sabi ko "oo". Tanong ni beshie "eh bakit may pang third agad"? Sabi ko "para hindi na ako mag-isip ng pang 3rd sa susunod na linggo".

 Sabi ni beshie  "siguro ang ipa advice mo ay gumawa siya ng gesture sa crush niya". Sabi ni bestie "oo nga! Isang sweet, small, gesture😊". Sabi ni beshie "ang sabi ko lang ay gesture may pa sweet, small pa😑". Sabi ni bestie "eh mas cute pakinggan eh pag may sweet and small". Sabi ko "oo nga noh, pwede maging pang thrid advice ko yan kay Jake para sa crush niya". 

Sabi ni bestie "ehem! Crush niya na ikaw". Bigla na lang tumgin ng masama kay Bestie. Ang tanong niya "bakit"?! Tanong ni beshie "so yun na yung sasabihin mong advice kay Jake"? Sabi ko "oo, yun lang". Sabi ni beshie "oh diba sabi na, hindi lang pretty,cute and sexy itong beshie mo. Kundi brainy pa. You're welcome dear😌".

 Sabi ko "sige na po, thank you😊". Tanong ni bestie "hellllooo...ako din kaya tumulong. Dinagdag ko yung sweet,small na describing word". Sabi ni beshie "wow! Very helpful ha". Sabi ni bestie "oo kaya helpful talaga, at di lang yun..sinsuport ko yan si Cathy sa pag advice kay Jake". 

Sabi ko "oh sige na po, thank you bes Nina". Sabi bestie "you're welcome😊". Bigla na lang nag ring yung bell. Kaya nasibalikan na lahat ng student sa classroom nila including us. After a few hours, ay siyempre UWIAN NA! 

Habang naglalakad sa palabas ng hallway ay wala pa si Lucas. Kaya as usual, nag antay uli si ako. Nagpaalam na sila beshie at bestie. Sabi ni beshie "paano ba yan andiyan na yung sundo ko, oh ingat kayo ha? Mga bakla ingat  ha? okay"? Sabi ni bestie "uwi na din ako bes, kung pereho lang tayong dadaanan pauwi eh dapat sabay na tayo. Oh sige na, ingat kayo ha? Sige bye😄".

 Sabi ko "sige bye! Ingat kayong dalawa. Thank you uli😊". So sakto naman nang pagkaalis nila beshie at bestie ay inabot na sakin ni Lucas ang mahiwagang mabigat niyang bag. Pag-abot niya ng bag ay nauna na si supladong toro sa paglalakad pauwi. Habang kami ay pauwi ay medyo sumasakit na yung balikat ko,sa kakabuhat ko ng bag ng toro na nasa harapan ko.To be honest ha? Gusto kong ihampas yung bag niya sa pagmumukha niya, ngunit hindi ko lamang magawa noh, dahil isa akong mabait na tao.

 Nang makarating na kami sa kalye ay ibinigay ko na sa kanya yung bag niya at hindi na ako ay kumibo pa. Pagbigay ko ng bag ay umalis na ako patungo sa palasyo, char sa bahay yun siyempre. Nang makarating na ako sa bahay ay nagbihis na ako at nanood na kami ng palabas sa telibisiyon. matapos nun ay naglipit kami sa karenderya at na-ahin sa lamesa ng aming hapunan. Okay stop na nga ako, masyado ng oa eh. so...san na ba? Ayun! 

Pagkatapos namin kumain ay nag wash-up kami at nag-dasal at natulog na. Wala kasi akong mga gagawin katulad ng assignments o projects dahil na tapos lahat ng yung sa mga ibang subjects kaya review-review na lang po tayo ngayong mga weeks. Kaya din naman ako nakatulog ng maaga.

MY HIGHSCHOOL DIARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon