CHAPTER 42:Bumisita

44 1 0
                                    

Dear diary, 
Ginising ako ni Liana ang sabi niya "ate gising magsisimba tayo"! Sabi ko "oo na tatayo na ako😣". Pagkatapos ko sabihin yun ay lumabas na ng kwarto si Liana. Bumalik siya at ang sabi niya "pag hindi ka pa tumayo diyan ate isusumbong kita kay tatay". Tumayo na nga ako at kinuha ko na agad ang tawalya ko. Nag-inat ng konti at bumaba na.

 Pagbaba ko ay binati ko si nanay at si tatay. Sabi ni tatay "oh bilisan niyo kumain at maligo ah,dahil baka mahuli tayo sa simbahan". Sabi amin "okay po". Pagdasal namin ay kumain na kami. Sabi ni tatay "pagkasimba natin ay bibisitahin natin ang nanay niyo,maliwanag ba".

 Sagot namin "opo". Sabi ni tatay "at paguwi ay kumain ng tanghalian,pagkakain ay magpahinga. Pagkatapos,tayo. Cathy,anak, maglalaba tayo. Okay"? Sagot ko "okay po". Makalipas ang ilang minuto ay tapos na kami kumain.

 Pagkakain ay nagligpit na kami, pagkaligpit ay naligo na si Liana. Si tatay naman ay naghuhugas ng pinggan at ako naman ay naglilinis ng lamesa. Mataos magligo ni Liana at matapos akong maglinis ng lamesa ay ako na ang sumunod na maligo. Pagligo ko ay umakyat na ako at si tatay naman ang maliligo. Pagbihis ko ay nakita ko si Liana na nagsusuklay.

 Lumapit ako, sabi ko "pahiram ako ng suklay". Sabi ni Liana "diba meron ka😕"? Sabi ko "oo, eh nakalimutan kong kunin sa taas eh. Peram na". Inabot niya ang suklay at ang sabi ni Liana "oh sandali lang ha"? Sabi ko "opo, sandali lang". 

Maya-maya ay bumba na si tatay at biglang hiniram ni tatay ang suklay sakin at ang sabi niya "oh lika na mahuhuli tayo". Kaya kami ni Liana ay dali-daling lumabas ng bahay. Pag labas namin ng bahay ay ang tanong ni tatay "wala na ba kayong dalawa naiwan😕"? Sagot namin "opo". Tanong ko "ikaw po? cellphone? susi?Wallet po😕"?

 Sabi ni tatay  "ay oo nga pala yung cellphone at wallet nasa lamesa". Pumasok si tatay at kinuha ang wallet niya at ang cellphone niya. Pagkakuha niya ng cellphone at wallet niya ay lumabas na siya. Tanong niya uli "eh yung mga saksakan? Nahugot niyo na😕"? Sabi namin "opo tay". Tanong ko "eh yung sa kwarto mo po tay😕"?

 Sabi ni tatay "ay oo naman sure na ako dun. Alam mo naman pagdating sa mga safety, hindi ako nakakalimot". Tanong ni tatay "eh mga bintana😕"? Sabi namin "okay na po nasara na po". Inilock niya na ang pinto at paglock niya ay ang sabi niya "oh, lika alis na tayo". Naglakad na nga kami papuntang kanto. 

Nagtawag si tatay ng tricycle. Pagtawag ni tatay ng tricycle ay sumakay na kami agad at sinabi ni tatay ang simbahan na pupuntahan namin at umandar naq ang tricycle papuntang simbahan. Nang makarating na kami ng simbahan ay umupo kami sa upuan at nagsimba na. Makalipas ang 2 oras sa simbahan ay lumapit kami kay father para magpabless at pagkatapos ay  yumuko muna kami malapit sa pinto ng simbahan. Ginagawa kasi namin yun bago kami lumabas ng simbahan. 

Pagkatapos nun ay umalis na kami ng simbahan. Paglabas ng simbahan ay bumili kami ng sampaguita para kay nanay at sa bahay. Sampaguita ang binibigay namin kay nanay dahil yun daw ang paboritong bulaklak ni nanay. Naglakad na kami papuntang sementeryo, pagkarating ng sementeryo ay pinuntahan na namin ang puntod ni nanay. Pagkarating namin sa puntod ni nanay  ay inilagay namin ang sampaguita sa puntod at pagkatapos ay pinag dasal namin siya. 

Matapos siya ipag dasal ay kinusap ko si nanay. Sabi ko "Nay, kamusta ka na po diyan? Miss na miss ka na po namin. Alam mo nay, ang daming nangyayari sa school namin. May naging kaibigan akong mababait at may nakilala naman akong hindi naman gaano kabait. Siguro nay, kung nabubuhay ka pa matutuwa ka sa kanila pagnakilala mo po sila. Sana okay lang po diyan, wag mo po kaming alalahin. Okay lang po kami dito, we love you po. ingat ka diyan nay, ingat ka po". 

Paluha na ako perro pinipigilan ko lang. Dahil ayokong makita ako nila Liana at ni tatay na umiiyak. Alam mo naman kasi na kahit na matagal ng patay ang nanay mo, hindi pa rin talaga madaling tanggapin yun sa isipan mo. Kaya saludo ako sa mga taong nagpapatuloy pa din maging masaya kahit na, ang kanilang mga mahal sa buhay ay wala na. Pero alam kong kakayanin ko'to o kakayanin namin ito. Ayaw naming maging malungkot si nanay kapag nakita niya kaming malungkot din.

 Mga ilang saglit ay natapos na din kaming madasal at kausapin si nanay. Sabi ni tatay "pano ba yan nay, alis na kami. Maglalaba pa kami ng mga ank mo eh, wag kang mag-alala dadalawin ka uli namin. Oh mga anak, mag paalam na kayo sa nanay niyo". Sabi ni Liana "bye nay, i miss you po". Sabi ko "bye nay, we love you😊". At maya-maya ay umalis na kami. 

Habang naglalakad ay may nakasalubong kaming matanda. Sabi ni tatay "oh lola Pia, kamusta po😃"? Sabi ni loa Pia "Oh kayo pala! Eto, okay lang naman, Kayo kamusta kayo☺"? Sabi ni tatay "okay lang naman po. Eto nga pala po sila Liana at si Cathy po, mga anak ko po. Oh anak magbless kayo". Lumapit kami at nagbless.

 Sabi ni lola Pia "aba! ang lalaki na ng mga ito ah, parang kailan lang nung huli ko kayong nakita". Tanong ni tatay "oh pauwi na ho kayo"? Sabi ni lola Pia "ah,oo, eh dinalaw ko lang naman ang asawa ko. Kayo? Pauwi na kayo😕"? Sabi ni tatay "oho, pauwi na ho kami, eh kami po ay maglalaba pa eh". Sabi ni lola Pia "ah yung anak ko nandoon sa bahay nagpaiwan, dahil siya daw ang bahala mag laba". 

Sabi ni tatay "naku po, masipag po". Sabi ni lola Pia "hindi lang masipag, napakamabait pa. Oh siya, ako ay uuwi na ha☺"? Sabi ni tatay "sige ho, ingat ho kayo sa paguwi". Sabi namin ni Liana "sige po,ingat". At nauna na nga siyang umuwi. 

Kami din ay umuwi na pero sa iba kasi kaming kalye kaya hindi kmi sqbay. Maya-maya ay dumaan muna kami sa karenderya, pagkadating namin ay doon na kami kumain. Pagkatapos namin kumain ay sila ate cris at ate mik na ang nagligpit. Tutulungan na nga dapat sila ngunit sabi nila wag na daw. Pagkatapos magpahinga ng ilang saglit ay umuwi na kami. 

Pag-uwi ay nagpalit ng damit at ibinaba ang mga damit na lalabahin at maya-may pa ay nagsimula na kami. Si tatay kasi ang bahala sa pag alis ng mga mantsa at pag dryer ng mga damit. ako naman ay bahala sa pagbanlaw at pagsampay. Habang kami ni tatay ay naglalaba ay si Liana naman ay nakatulog sa kwarto dahil alam mo na maaga kami nagising kanina diba? Makalipas ang apat at kalahating oras ay tapos na kami sa lahat-lahat ni tatay.

 Makalipas ang ilang oras ay nagpahinga kami ni tatay. Matapos kaming magpahinga ng mga dalawang oras ay nagluto na si tatay ng hapuna. Pagkaluto ay naghain na kami. Ginising ko si Liana at nagdasal na kami at kumain na ng hapunan. Pagkakain ng hapunan ay nagligpit na kami, pagkaligpit ay nag wash-up.

 Pagkawash-up ay nag good night at nagdasal. Pagkadasal ay natulog na kami.

MY HIGHSCHOOL DIARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon