CHAPTER 43:Irap

29 1 0
                                    

Dear diary,
Pagkagising ko ay bumaba ako at binati ko si nanay at si tatay. Nakita ko ay aga ni Liana nagising dahil kumakain na siya. si tatay naman ay nagplaplantsa ng unform namin ni Liana. Sabi ni tatay "kumain na kayo diyan". Tanong ko kay tatay "kayo po"? Sabi ni tatay "nauna na ako sa inyong dalawa kumain, sige kumain ka na".

 Nagdasal ako at kumain na ako. Habang kumakain ako ay si Liana ay tapos na,kaya nauna na siya naligo. Maya-maya ay natapos nang maligo si Liana at magplantsa si tatay. Pagkataos ay ako naman ang naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at si Liana naman ay nagaantay na sa baba.

 Sabi ni Liana "ate bilisan mo"! Pagkababa ko ay nagpaalam na kami kay tatay at nanay. Pagkapaalam ay naglakad na kami papuntang bakery. Nakita namin si Lucas doon na nag-aantay. Sabi niya "oh".

 Inabot bag niya, pagkaabot ay nauna nang maglakad. Sabi ko "You're welcome ha? You're welcome😑". Sabi ni Liana "ayan na naman siya oh, nagpapansin". Sabi ko "hindi ako nagpapansin noh. Naiinis lang ako dahil hindi meron mag thank you dahil na binibit ko yung bag niya". Sabi ni Liana "bahala ka na ate, iniistress mo lang sarili mo". Nauna na din siyang maglakad. Ako naman ay sumunod na din maglakad.

 Pagkarating sa school, ay may lumapit na babae kay Liana. Ang sabi "Liana! Buti nandito ka na, may ipapakita ako sayo doon sa classroom". Sabi ni Liana "sige ate una na ako". Sabi ng classmate ni Liana "ate mo pala yan. Ang ganda naman ng ate mo". Sabi ko "thank you. Ikaw naman ay cute😁".

 Sabi ng classmate niya "thank you po☺". Sabi ni Liana "sige na ate, pasok na kami". Sabi ko "sige🙂". Tinignan ko sila na naglalakad papuntang classroom nila, grabe ang cu-cute. Maya-maya ay nakita ko na lang si Lucas na nauna nang naglalakad kaya sumunod na agad ako kasi baka magalit na namn yun eh. 

Nang makarating na kami sa classroom ay ibinigay ko ang bag niya at ikinuha naman niya at umupo na siya sa pwesto niya.  Ako din ay umupo na sa upuan ko. Nakita ko na nagbabasa sila beshie at bestie kaya hindi na ako'y nagtaka pa kung bakit walang lumalapit sakin. Tinawag ko sila "Nina! MIko"! Pagtawag ko ay tumingin sila at kinawayan ko sila. 

Silang dalawa naman ay kumaway din. Ako din ay nagbasa dahil, ano pa nga ba ang dapat ko gawin? Nakikita ko si Jake ay nakaupo lang doon habang kausap ang mga barkada niya. KAya nagbasa na lang ako. Mlipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang klase nang pumasok ang teacher namin.

 Makalipas ang ilang oras ay nagrecess na. Umupo kami ni beshie at bestie sa pwesto namin. Tanong ko "nahirapan ba kayo kanina sa recitation"? Sabi ni Nina "hindi naman". Sabi ko " wow! Aba! Ngayon lang ata na hindi ko narinig na nagreklamo ka about sa mga subjects". Sabi ni beshie "ako din".

 Sabi ni Bestie "oy hindi lang kaya ako ngayon ang hindi nagreklamo noh". Sabi ni beshie "ako? Ayos lang naman yung recitation. Ikaw Cathy"? Sabi ko "ayos lang din medyo napaisip talaga ako sa taong pero keri lang". Tanong ni bestie "teka! kamusta nga pala yung meet-up niyo ni J"? Sabi ko "ayun, pumunta siya sa bahay ko"? 

 Tanong ni beshie "Pumunta siya sa bahay mo"?! Sabi ko "oo, eh nakatulog kasi ako kaya nakalimutan ko may meet-up pala kami ni Jake. Kaya din siguro pumunta na siya sa bahay ko". Tanong ni beshie "so hindi mo alam na pupunta siya😕"? Sabi ko "oo". Tanong ni beshie "paano niya na laman kung saan ka nakatira😕"? 

Sabi ko "di ko alam kung bakit eh? Hindi ko kasi natanong eh". Sabi ni bestie "ako kasi ang nagsabi kung saan siya nakatira. Hihi sorry Cathy". Sabi ko "Kaya naman pala nalaman niya kung saan ako nakatira dahil sinabi mo eh. Teka,  paano mo nalaman kung saan ako nakatira😕"? Sabi ni bestie "hellooo, remember😕? Nung nag ge-getting to know each other tayong tatlo ni miko sinabi mo samin kung saan ka nakatira". Tanong ko "sinabi ko sa inyo yun😕"?

 Sabi ni beshie "oo, bes, sinabi mo samin yun". Sabi ni bestie "pati nga address ng karenderya niyo sinabi mo samin eh". Tanong ko "Malaga😕? Hindi ko kasi matandaan eh". Tanong ni beshie "so nasabi mo yung third advice mo kay Jake"? Sabi ko "oo, pero sa messenger ko sinabi yun. Kasi nung mga ilang saglit ay kailangan niy nang umalis dahil may training pa sila".

 Sabi nila "ahhh...okay". Sabi ni bestie "naku excited na ako sa gagawin niyang sweet gesture niya sa'yo". Sabi ko "Nina, hindi nga ako yung crush niya". Sabi ni Nina "basta, makikia mo. Pagnagawa niya yung third na advice mo sayo. Ibig sabihin ikaw na nga yung gusto niya😏". Maya-maya ay nagring na ang bell kaya bumalik na kami sa classroom namin. 

Makalipas ang ilang oras sa school ay naguwian na. Habang naglalakad palabas ng hallway ay may sumangga samin. Sabi ni beshie "ay! Ano ba yan"? Pagtingin namin ay si Janelle pala kasama ng mga kaibigan niya ang bumanga samin. Sabi ko "ano ba?! Tumigin ka nga sa dinadaanan mo"?!

 Inirapan lang ako at tumatawa sila na habang naglalakad palabas ng gate. Paglabas ng gate ay pumasok na sila sa kotseng sinasakyan nila. Sabi ni bestie "mga epal". Sabi ni beshie "sasabihin din naman natin sa guidance kung ano-ano ang pinagagawa ng babaeng un eh. Diba Cathy"? Sabi ko "oo, sasabihin natin,kailangan ko lang kausapin sila Sia at Cera para sabihin lahat-lahat".

 Pagrating sa gate ay nagpaalaman na kami. Pagpaalam ay si Lucas naman ay kakarating lang ng gate. Ako na ang nag kusa na kunin ang bag ni toro. Nauna na naman siyang mag lakad na parang may sariling mundo. Gusto ko siyang batukan dahil akala mo naman parang may katulong. 

Nang makarating sa kalye ay kinuha niya na ang bag niya at umalis na siya. Alam mo, nasasanay na ako sa mga gawain namin pero hindi ako nasasanay sa makitang araw-araw ang pagmumukha ng lalaking yun. Hayaan ko na nga lang yun, naglakad na ako pauwi ng bahay. Pag-uwi ko ay  ang sabi ko "nandito na ang isang pinaka magandang ate". Sabi ni Liana "maganda daw"?

 Sabi ko "oh bakit😕? Sinabihan ako ng maganda ng classmates mo ah". Sabi ni Liana "at naniwala ka naman ate". Nilapitan ko siya at ginulo ko na lang ang buhok niya. Sabi ni Liana "ate naman ehhhhh". Lumapit ako kay tatay para magmano at binati ko anamn si nanay. Umkyat ako sa taas para magbihis at bumaba din agad para manood ng k-drama.

 May dala-dala akong libro dahil may kailangan sagutin pero kilala mo naman ako. Isa akong multi-tasker. Hindi ko man alam kung may ganon na tawag pero yun na lang ang tawag ko sa sarili ko. Isang mabait,maganda,masipag, at maunawaan na multi-tasker. Oh diba.......wala ka...panis ka pala. 

So yun nga, pagkatapos manood at sumagot ay naghain na kami ng niluto ni tatay. Paghain ay nagdasal at kumain na. Pagligpit ng wash-up at natulog na.

MY HIGHSCHOOL DIARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon