CHAPTER 50:Confess

38 1 1
                                    

Dear diary,
Ito na yun,  eto na yung araw na magcoconfess si Jake. Bumaba na ako at binati si Nanay, tatay at Liaana. Nakapaligo na si liana at nakaayos na. Ako naman ay sunod na naligo at nagbihis at nagayos na. Bago pa man na bumaba ay  naglagay ako ng kaunting lipgloss. 

Bumaba na ako at nagbless na agad ako at nagpaalam na kay tatay at lumbas na ng bahay para hindi niya mapansin o makita na mayroong akong lipgloss, dahil paniguradi magtataka iyon at tatanungin ako kung bakit ako may lip gloss. Paglabas ko ay nakita ako ni Liana at napansin niya  na may lipgloss ako. Habang naglalakad ay bigla siyang nagtanong. Sabi niya "Lipgloss ba yan ate🤨"?  Sabi ko 'A-ano ba pinagsasabi mo diyan?" 

Ngumiti si Liana at nagtangkang tawagin si tatay ngunit natakpan ko naman agad ang kanyang bibiga at binuhat ito palayo sa bahay. Nang makalayo ay ibinaba ko na ito. Habang hinihingal ako ay ang sabi sa akin ni Liana "siguro nagpapaganda ka para kay kuya Lucas noh?" Sabi ko "HA?! Hindi noh! Bakit naman ako magpapaganda dun." Sabi ni Liana "Ah kasi, gusto mo siya."

Ang sabi ko "Hindi ah! Wala akong gusto dun noh." Pagkasabi ko nun ay nauna na ako maglakad sa kanya.  Nang makita ko si Lucas ay agad naman na kami Lumapit ni Liana sa Kanya. Itanaas ko ang aking kanang kamay na nakabukas ang pala upang maghintay na lamang na ibigay o ibato niysa akin ang bag niyang may laman na puro bato. Tumingin ito sa akin at napakunot ng noo. Tanong ko "b-bakit?"

Tanong niya "Kumain kaba ng mamantikang pagkain?" Sabi ko "h-huh?" Nilapit niya ang mukha niya ng kaunti. Tanong niya  "Ano yang nasa labi mo?  Wala ba kayong tissue o panyo man lang?Punasan mo nga yan. Nakakahiya ka." Pagkasabi niya nun ay nilayo niya ang mukha niya malapit sa akin at narinig ko naman na tumatawa ng mahina si Liana. 

Nilingon ko at tinignan ng masama si Liana. Pagkatapos ay lumingon uli ako kay Lucas at pagkalingon ko ay bigla niya namang ibinigay sa akin ang bag niyang may puro bato ang laman.Hay kung alam mo lang kung gaano kabigat yung bag niya. Ano bang klaseng mga libro o notebook ang meron siya? Pagkatapos ay nauna na itong naglakad. Pagkarating sa school ay nauna na si Liana sa klase niya. Habang naglalkad ay napansin ko na malagkit sa labi yung lipgloss. 

Well, hindi naman kasi ako sanay na maglagay ng kahit anong make-up. Pag-karating ko sa klase ay nakaupo na si Lucas at inaatay na lang ako naiabot sa kanya ang bag niya. Ibinato ko ang bag sa mukha niya  at umupo na ako sa pwesto ko.  Makalipas ang ilang saglit ay nagulat naman ako nang magsalita at nasa tabi ko sila bestie at beshie. Sabi ni bestie "This is it! Ito na ang pinakakaantay nating araw Bes-". Hindi natuloy ang kanyang sasabihin ng may napansin ito. Ang sabi niya "wow naman! Ang ganda naman ng Cathy namin ah". 

Napatingin si Beshie at ang sabi niya "Hu Wow! Sino ka? Asan si Cathy"? Sabi ko "mga baliw kayo. Shhhhh huwag kayong maingay". Sabi ni Bestie "ikaw ah, may pa ganyan kana." Sabi ko "parang lipgloss lang." Nagtinginan silang dalawa at humarap sa akin, ang sabi ni beshie "kahit na, hindi ka naman naglilipgloss eh." 

Sabi ko "hay, wag na nga." Binura ko ang lipgloss mula sa labi ko at ang sabi naman ni bestie "oh bakit?!" Ang sabi ko "tama kayo, di naman ako naglilipgloss eh. Bakit naisipan ko pa kasi mag lipgloss eh". Ang sabi ni bestie "bagay nga sa iyo eh. Para naman mas lalong kabahan si ano. Yie! Alam mo na yun diba kung sino?" Pumasok  Si Ms.Korin -(isa ding mahigpit na teacher namin). Nakasimangot itong pumasok at ang sabi niya "Go back to your proper seats!"

 Nagsibalikan naman ang mga classmates ko pati na si bestie at beshie. Pagkaupo nilaay ang sabi ni Ms. Korin "Hay naku! There was a student who wears make-up I just saw a while ago. Alam niyo namang pinagbabawal ang mag make-up sa school right"? Hindi kami kumibo at nanatiling lang tahimik. Ang sabi ni Ms. Korin "Buti na lang itanong sa akin ni Lucas if ipinagbabawal ang maglagay ng make-up. I wonder why kaya nang makita ko ang babaeng mayroong make-up on her face, it makes sense now why Lucas ask me about that." 

MY HIGHSCHOOL DIARY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon