Two : The Eyes

37 2 0
                                    

Changing the colors

.

ROSE

"Good morning Miss Principal."

"Good morning din Miss President." Balik na bati ng dalagang nasa harap ko.

Sa murang edad na twenty five ay sya na ang Principal ng academy na ito. Iisiping isa lang din syang estudyante rito. With her face screaming gorgeous, her long silky hair and towering height, even girls would be head over heels on her. Nakasuot sya ng white long sleeve at pants na parehong loose para sa payat nyang katawan at binagayan nya rin ito ng high heeled shoes.

"Hahaha, uy masyado kang seryoso, smile ka naman it's too early to frown, love."

She handed me a chocolate bar and sipped her coffee.

"Thank you."

"I don't need your thank you, just give me a little smile, like this."

Ngumiti sya nang malapad.

"Hay nako, you should show your smile more often to everyone."

"But that would make me less scary, and you need me because I am scary." Nakangisi kong sabi na ikinatawa nya.

Napakahilig ng Principal sa matamis kaya kada papasok dito sa office nya ay lalabas na may hawak na kahit anong sweets. Parehas sila ng awra ni Maman kaya naman komportable ako sa kanya sa kabila ng puwersahan nitong pagtalaga sa akin bilang SC President.

"Anyways, do me a favor, there would be one transferee later from Korea and I need you to tell him things that he need to know."

Umalis ako na may dalang isang balot ng chocolate. Mamaya pa namang after break ang dating nung transferee, ipapatawag na lang daw ako kapag parating na.

Matapos ang tatlong subject ay lumabas na kami para maglunch break. Naisipang kumain ng dalawa sa likod ng school kung saan mayroong lumang pond na kahit papaano ay naaalagaan pa. Bumili kami ng dalawang box ng pizza at lasagna pati na rin coke. Nakakalahati pa lang namin ang pagkain peroㅡ

"Oh my gosh Rose! I can see love birds trying to make another bird."

Napakunot ang noo ko at napalingon sa tinuturo ni Stella na agad ko ring pinagsisihan.

These brats are kissing each other full of lust. It's like watching a live porn. Shit. Tumikhim kaming tatlo pero hindi man lang sila natinag. No choice kaya lumapit na kami, una ay pinipigilan kami ni Winter pero dahil hindi nya kami kaya ay hinayaan na lang kami nito.

"Hoy!" Sigaw ni Stella.

"Mangiistorbo lang, pwede lumipat kayo ng lugar."

Nagulat sila at agad na naghiwalay. Ibinutones pa ng babae ang damit nito.

"Oh! I have a suggestion, detention room." I said grinning, then they ran away.

Tss. Mahaharot na mga estudyante, akala siguro nila ay safe ang lugar na ito para sa mga kalokohan. Tago itong lugar dahilan para rito umakyat ng langit ang mga magkasintahan. Malas lang nila at dito naisipang kumain ng dalawa.

Regaining of Something: ExtantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon