Four : Key. N.ote P.ad

17 2 1
                                    

Amongst the crowd.

.

ROSE

Hindi pa man sumisikat ang araw ay dilat na dilat na ang mga mata ko. Kinapa ko ang cellphone ko sa may ulunan at pinindot upang makita ang oras.

4:47a.m

Nice.

As usual, I wasn't able to sleep properly.

Who would anyway, after what I witnessed last night.

Inalis ko ang nakayakap na kamay ni Jade at kinumutan ko ito. Ibinaba ko naman ang damit ni Mirae, sanay kasi itong matulog na hawak ang tiyan mabuti nga at hindi ito kinakabag.

Pagkatapos maligo ay nagligpit ako ng mga kalat kagabi. Dahil paniguradong magwawala si Hailynn kapag bumungad sa kanya ang mga kalat. Inilagay ko sa hiwalay na trash bag ang mga bote ng alak na wala ng laman. Bahala na sila kung paano itatapon ang mga bote nang walang makakahuli.

The morning air was cold so I wore my jacket and it's still five in the morning. Nilapitan ko ang nakaduty na guard.

"Kayo ho ba ang nakaduty simula kagabi?" Tumango ito bago humigop ng kape sa tasa "Na-i-report nyo ho ba yung sinabi namin?"

Nangunot ang noo nito.

"Wala akong na-report dahil wala ring nag-report na estudyante, Miss President."

"Are you sure kuya? Sa tingin ko, ala una ng madaling araw yun"

"Sigurado ako dahil mag-isa akong naka-duty rito sa ground floor dahil sumama ang pakiramdam ng kasama ko at may dalawang pumasok para mag-rounds."

I was dumbfounded sa sinabi nya. Kung ganoon, sino ang nakausap namin ni Eric kagabi?

Nanaginip lang ba ako?

Tumakbo ako papunta sa Arlenwoods para maghanap ng ebidensya. Katunayan na nangyari nga ang eksenang nakita namin. 'Di naman siguro ako nalasing nang sobra kagabi para malito kung panaginip lang ang nangyari.

Hindi ko matandaan ang eksaktong daan kaya naman para akong nasa maze at paikut-ikot lang. Direction have always been my weakness, so goodluck to me. Matapos kong magpaikut-ikot ay nahanap ko rin ang lugar. Nasigurado ko ito nang makita na may iilang hiwa ang mga puno sa paligid. Lumapit ako sa isang puno na may dark red na mantsa. Tinitigan ko muna ng ilang segundo at saka napagtantong dugo ito.

Hindi pa ito gaanong tuyo kaya malaki ang posibilidad na galing ito sa isa sa dalawang nakamaskara. Naalala ko na isa sa kanila ang nasugatan pero hindi ko maalala kung saang parte. Sinubukan kong balikan ang nangyari sa isip.

Natatandaan ko na nangyari 'yun malapit sa pinagtataguan ko. Nagpapalitan sila ng atake at...

Nakaramdam ako ng kirot sa ulo at sinapo ito saka napaluhod. Napakalakas ng pagpintig nito na tanging naririnig ko. Shit. Why?

I took deep breaths...

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Exhale...

I hugged myself then alternately tap my shoulders. I did it for three minutes before completely calming myself. I guess I should give up on remembering, for now.

Regaining of Something: ExtantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon