Three : Witnessing Cats

30 2 0
                                    

Ready to Engage on it.

.

ROSE

Three days. That guy's been messing with my mind for three damn days! Ang akala ko ay magiging usapan na sa buong academy ang part-time ko pagkatapos nilang malaman. Pero laking gulat ko na tatlong araw na ang nakalilipas ay wala pa ring nangyayari.

It's true na hindi nga nila ikinalat ang tungkol sa part-time ko, but heck with that guy! He's been torturing me mentally for the past three days. He would always speak the word "maid" or "made" at lagi akong natataranta kada maririnig ito. Binawi ko rin ang resignation letter dahil wala namang silbi, nakita na nila ako.

Niyakap ko nang mabuti ang mga test paper na hawak ko. Dadalhin ko ito sa SC office para i-check tutal mahaba naman ang bakanteng oras namin ngayon dahil sa meeting ng mga guro.

Madalas akong mautusan sa pagche-check ng mga test paper kada may quiz kami. Hindi ba sila natatakot na doktorin ko ang mga sagot nito? Masyado na akong ginagamit ng mga guro sa eskuwelahang 'to ha. Apat na subject din ang hawak kong mga papel ngayon kaya medyo hirap akong magbitbit.

"So why did you try to quit your job?"

Muntik na akong madapa dahil sa nagsalita. It was Gin, the devil. Yung totoo, kabute ba sya at lagi na lang bigalan kung sumusulpot. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Kausapin nya ang hangin kung gusto nya.

"Did you enjoy wearing that maid costume?"

He lit up his cigarette. Feeling nya ba cool sya sa paninigarilyo nya?

He never follows any rule from this academy. Kahit nga ang pagsuot ng uniporme nang maayos ay hindi nya magawa. Madalas nakasabit lang ang blazer nito sa sling bag at nakaloose naman lagi ang necktie. Malakas ang loob nya na sumuway sa mga patakaran dahil pinsan nya ang principal.

"Don't you miss wearing that maidㅡ shit! What the fuck was that for?!"

Tinapakan ko ang paa nya. Ang daldal kasi, paano kung marinig sya ng estudyante na kasalubong namin?

"Ooops. Sowwy, akala ko ipis."

Napatingin ang estudyante pero agad din itong umalis at nagpatuloy ako sa paglalakad.

"I see, you're really hiding it."

Binilisan ko ang lakad pero hindi ito nagpahuli at para lang buntot kung makasunod. Wala ba syang magawa kaya ako ang pinipeste nya?

"Pwede ba Gin, wala akong maiaambag na ikatutuwa mo kaya tigilan mo ang pagsunod sa akin."

"Why? I'm just making your job easier."

Oh yeah. Dakilang tagabantay nga pala ako.

It took me lots of effort bago mabuksan ang pinto dahil sa mga dala ko kaya naman laking inis ko nang sipain nya ito pasara.

"Don't you get bored in this school? Why don't we put some fun on it."

"Oh why, the devil wants to have fun with this bitch. Sorry but I'm a busy person." Sinubukan kong alisin ang pagkakaharang ng paa nya sa pinto pero hindi sya nagpatinag.

Meron syang kinalkal sa cellphone nya. Iniharap nya sa akin ang isang video at pinindot ang play button.

"Woo-hoo!"

"Go Rose! Go Stephanie Rose!"

"One more shoOOOT!"

"Sayaw laaAAang!"

Regaining of Something: ExtantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon