In a cage.
.Inipit ko nang mabuti ang mahaba kong buhok. Napabuga ako ng hangin dahil sa pagkabagot. Hindi ba nagsasawa ang pasaway na 'to sa paghahanap ng away?
"You're as dull as fuck, getting save by her." Mapagmataas na sabi ng lalaking si Mike sa lalaking itinatago ko sa aking likuran, upang hindi nya na madagdagan pa ang pasa nito sa mukha.
Nagbubulungan na ang mga nanunuod na estudyante sa amin dito sa likod ng building.
"Tutal mahilig ka namang makialam, ikaw na lang ang pumalit bilang punching bag ko." Sinenyasan nya ang dalawang kasama na hawakan ako pero nagdadalawang isip ang mga ito kung susunod.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Mike?" Ngumisi ako. "Hindi ba dapat ay alam mo na, na hindi mo ako kaya."
Para bang nag usok ang ilong at tainga nito sa inis. Sinigawan nya ang dalawang kasama at sumugod sa akin.
Sumugod ng suntok ang isa pero yumuko ako at tinadyakan ang tuhod nya. Namalipit sya sa sakit. Dumampot ng kahoy ang pangalawa at nang ihahampas na nya ay lumapit ako sa kanya at sinuntok ang tiyan nya. Bumagsak ito sa lupa.
"Sa likod mo!"
Lumingon ako at nakitang may hawak na malaking bato si Mike at akmang ihahampas sa akin. Mabilis kong sinipa ang kayamanan nya sa pagitan ng kanyang mga hita. Ewan ko lang kung makatayo pa sya.
Pinagpagan ko ang suot na uniporme at inilibot ang mga mata ko sa mga estudyanteng nanunuod ng eksena "The show is over, now go back to your rooms." Mabilis naman silang nagsi-sunod.
Bumaling ako sa tatlong lalaki na namamaluktot sa lupa "Detention room after class."
"And you, come with me." Inalalayan ko ito sa braso patayo.
Ang pagiging mabait at sobrang tahimik yata nito ang charm nya sa mga bully. Isama pa na may kaliitan ito. Naiinis ako sa kanya dahil hinahayaan nya lang ang mga ito pero hindi ko rin sya mahayaang apihin lang.
"She's really a monster isang sabi lang nya napapasunod agad lahat, kahit nakakainis sya di ko mapigilang matakot."
"Shh! Baka marinig ka."
"OMG! Ang cool nya talaga!"
"Still can't believe she became our SC President."
Hindi ko ginusto ang posisyong ito, basta isang araw habang kumakain ng binili kong masarap na sandwich ay nabilaukan ako dahil sa rinig sa lahat ng speaker sa buong academy ang pangalan ko bilang bagong Student Council President.
Sinubukan kong tanggihan pero pinagtulungan ako ng apat na matang SC President at ng mala-dyosa naming Principal. Ginamit pa nila ang mahabang listahan ng mga violations ko simula nang mag aral ako rito! I feel so threatened and used! Pero inalok nila ako ng tatlong kahilingan kaya naman tinanggap ko na.
Ang sabi nila ay kailangan ng academy na ito ng taong kayang kontrolin ang mga estudyante especially those headstrong gangsters and mafias child. Yes, this school is full of different students coming from different kinds of families, be it a powerful or not.
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ni Nico.
"Clinic." Sagot ko pero tinawanan ako nito at dinala sa kabilang direksyon.
"Clinic is this way."
Nang makarating sa clinic ay iniwan ko na si Nico sa nurse at sinabing ipapaalam na lang sa prof ang nangyari.
Being the Student Council President doesn't sound appealing much, you get to babysit all those unruly students and have yourself some haters. Being on the top means being alone with lots of swords pointing at you. Lucky if it's a flower.
BINABASA MO ANG
Regaining of Something: Extant
Teen FictionEverything seems okay. Having good laugh when you're sad. Getting mad at something you don't know.Being scared at something you can't remember. Forgetting bad and sad memories. And having nightmares every night. Getting back what you lost. Losing yo...