You've got that charm.
.
ROSE
♫ po~nyo po~nyo ponyo saka na no koㅡ ♫
Pinindot ko ang kulay pulang bilog sa screen ng cellphone sa pangatlong pagkakataon.
♫ po~nyo po~nyo ponyo saka na noㅡ ♫
Master calling...
"You calling from hell?" Iritado kong sagot sa tawag.
"Giving you a hella morning. You've got the guts to ignore my calls huh. Read my text."
"Alin? Yung "urgent. four coffee, three cream bread, four cigarette."? Para lang sa kaalaman mo, hindi ako tindahan at pwede ba, sa tingin mo may tindang sigarilyo sa loob ng academy?!""
"IT'S URGENT. May PANDAK na uminom ng mga kape ko at naglakas loob na kainin ang cream bread nangㅡ"
Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng cellphone at pupusta ako na kasabay nitong bumagsak si Gin dahil sa sipa ni Denver.
"Hello, Rosy? 'Di mo kailangan magmadali. Take your time and remember, no peanuts." Pinatay ni Harvey ang tawag dahil nagwawala na naman ang mga alaga n'ya.
Lumabas ako ng banyo at tinanggal ang tuwalyang nakabalot sa ulo ko. Kahit saan at kahit ano'ng ginagawa ko laging sumusulpot na parang kabute ang epal na lalaking si Gin. 'Di ko man lang na-enjoy ang pagligo ko dahil napuputol ang pakikinig ko ng mga kanta sa kakatawag n'ya.
"Ang aga mo naman? Dry your hair baka magkasakit ka."
Kakagising lang nito dahil mamaya pang alas otso ang unang klase namin ngayong araw at ala sais pa lang ng umaga.
"I'm fine, Stella. Sisihin mo ang bwisit na gagong si Gin dahil sinira na agad n'ya ang umaga ko."
Sinuot ko ang paborito kong jacket na gawa ni Hailynn. Kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa C.U. Tumunog ang maliit na kampanang nakasabit sa pinto pagbukas ko.
Kinuha ko ang paborito n'yang cream bread at canned coffee na pinapabili n'ya maliban sa sigarilyo dahil wala rito at gago s'ya. Kumuha rin ako ng dalawang cheeseburger dahil nagugutom na ako. Inilabas ko ang card na binigay n'ya nang nag-umpisa ang pagiging "alipin" ko. Hindi naman daw kasi s'ya mababang lebel para ako ang pagbayarin ng mga ipapabili n'ya at para mas madali raw akong utusan. Isa lang naman s'yang malaking pakshet na gagong Master.
Maliban sa naayos ang lumang pond, may mga nakatanim na ring halaman at mga bulaklak sa paligid nito at ng Vesta (pinangalanan nila ang na-renovate na security office na ngayon ay bahay na nila).
Normal na ang madatnan ko silang nagkakagulo habang si Ren ay tahimik na nagbabasa at si Harvey ang natatanging normal na sasalubong sa akin.
"Naghain ako ng almusal, kumuha ka na baka maubusan ka ni Denver." Kinuha nito ang dala kong burger at pinasok sa microwave.
"You're late, Otter! You dare to make your master wait. How ungrateful."
"Shut up and drop dead, Master."
BINABASA MO ANG
Regaining of Something: Extant
Teen FictionEverything seems okay. Having good laugh when you're sad. Getting mad at something you don't know.Being scared at something you can't remember. Forgetting bad and sad memories. And having nightmares every night. Getting back what you lost. Losing yo...