A mixed of emotions.
.
ROSE
"Did you saw the announcement?""Yeah. Another match."
"I'll bet for the Monster!"
"I'll go for Quin Kid!"
"How 'bout you Miss President, Sino sa tingin mo ang mananalo? Ikaw o si Quin Kid?"
"haaAH?! Of course it's ME! Ilayo mo nga 'yang camera mo Wilfredo." Itinulak ko palayo sa mukha ko ang pagkalapit-lapit nitong camera.
"Bakit? It's an event na dapat mailagay sa history ng student council. I'm your historian after all." Nakangising sabi nito na dinaig pa ang microscope sa lapit kung makakuha ng pictures.
"Isusulat mo ba talaga lahat ng sinasabi ko, Clarissa?"
"Ahahaha! I'm actually writing how gorgeous and fiery you are." A bubbly and high-spirited member of newspaper club.
Nakaipon ang mga estudyante sa harap ng malaking bulletin board dahil sa bagong dikit na poster. Bakit ba ang hilig pangunahan ng student council Secretary at Treasurer ang botohan slash pustahan nito?
"Siguraduhin n'yo na nakaboto kayo sa manok n'yo!"
Sabong ba 'to? At bakit maraming boto si Quin? Iniisip ba nila na matatalo ako?!
"Remember, ang bumoto sa mananalo ay may makukuhang malaking premyo."
Mahinahong sigaw ng lalaking may hawak na poster. Ang SC Treasurer na si Joshua Canlas. Iwinagayway nito sa harap ko ang poster na pasok na pasok sa taste ni Quin.
"Isn't it cute? Anna's idea by the way."
"Ang dami n'yong free time para mag-abala pa d'yan ha. Magtago na kayo kay Eric."
"But you two are fun to watch." Humalakhak si Anna saka ipinagpatuloy ang pagkuha sa mga boto. Walang kadala-dala na masermonan tungkol sa pagpapasimuno ng pustahan.
Pagdating ng PE subject ay pumunta kami sa Gymnasium-1 at kasabay naming Class-1 ang Class-2 kung saan nabibilang sina Quin, Jade, Mirae, Winter, Harvey, Ren at Denver. Matapos naming magpalit ng P.E. uniform ay pumwesto kami sa court nang naaayon sa class number.
Lumapit ang P.E. instructor namin na si Sir Ethan Ventura. A tall, dark and athletic man, but we all gasp on his new look. His clean face has now short stubble. His medium length soft hair has been curled and he's also wearing a thin round glasses while making an effort for a poker face.
"Ano'ng espiritu na naman ang sumapi sa'yo Sir Ethan?"
Nagtawanan ang iba sa sinabi ni Ian na kaklase ko.
"Huuuh? Can't you tell? I'm dressed as Alvis Venzon!" Naka-pose ito ng sideview na nasa beywang ang kaliwang kamay at nasa bridge ng salamin ang kanang hintuturo. May pagka-abnoy rin 'to si Sir Ethan e, lakas maka-joke time.
"Mas cool si Sir Alvis!"
"You look like a lame version of Alvis Venzon."
BINABASA MO ANG
Regaining of Something: Extant
Roman pour AdolescentsEverything seems okay. Having good laugh when you're sad. Getting mad at something you don't know.Being scared at something you can't remember. Forgetting bad and sad memories. And having nightmares every night. Getting back what you lost. Losing yo...