-------------------------Wendy's POV
"Uy Wendy, anong sagot mo sa number 47?" bulong ng kaklase ko na na sa harapan ko. Tinignan ko naman ang teacher namin na busy sa ginagawa nya sa unahan. Tinignan ko muna si Pam-yung kaklase ko. Bago tumingin sa test paper ko sa math.
"C." maikling saad ko. Ngumiti naman sya at umayos na ng upo. Nagpa salamat din sya akin kaya tumango na lang ako. Huminga ako ng malalim at tinignan ang sagot ko sa number 47. Letter B, pero iba ang sinabi ko sa kanya. Palagi kasi syang nakaasa sa kopya o sa sagot ng iba. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pag sagot ng mga tanong sa papel ko.
Mabilis ko namang natapos sagutan ang madudugong mga tanong sa test na ito, kaya tumayo na ako at pinasa na sa teacher na nagbabantay sa amin ngayon. Inayos ko na ang gamit ko at tinignan muna si Grace and mouthed 'Park' naintindihan nya naman ang ibig kong iparating kaya tumango sya.
Lumabas na ako ng classroom at pumunta sa may school park namin. Masarap tumambay dito dahil sa napaka tahimik at mga puno sa paligid.
Ngayon nga pala ang huling araw ng finals namin. Natapos ko na ang lahat ng exam kaya pa chill chill na lang ako dito habang hinihintay matapos si Grace.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang sigaw ng kaibigan ko. "Bess!" humarap ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Napatakip naman sya sa bibig nya at tumabi sa akin.
"Huwag ka nga'ng sisigaw ng ganun. Nakakahiya eh." ngumuso naman sya at nag sorry sa akin. Mukha naman syang matamlay kaya tinanong ko sya kung ayos lang ba sya.
"Hindi ako okey Bess." mahina nyang sabi. "Kasi hindi ako sure sa mga sinagot ko kanina." natawa naman ako at tinapik yung likod nya.
"Huwag ka ng malungkot. Parang hindi ka na nasanay." napahagikgik ako ng sinamaan nya ako ng tingin. Nag peace sign naman ako at humarap sa kanya. "Ipagluluto na lang kita! Para hindi ka na ma-sad dyan. Gusto mo yun?" Tanong ko sa kanya. Mabilis naman syang tumango at ngumiti.
"Game ako dyan!" hyper na sabi nya. Parang kanina lang ay ang lungkot lungkot nya ah. "Pero, wala ka bang trabaho ngayon?" this time ay ako naman ang umiling at ngumiti.
"Wala, mamaya pang hapon." tumango naman sya at umalis na kami. Sumakay kami sa kotse niya at pumunta sa bahay namin. Pagpasok namin sa bahay ay sinimulan ko ng mag ayos ng lulutuin ko para sa kanya. Napansin ko naman na may hinahanap sya kaya nag salita ako. "Wala pa si Mama, may pasok." napatango sya at lumapit sa akin para tumulong sa akin. Tumanggi ako dahil baka masunog nya pa ang bahay namin.
"Grabe ka naman. Ang OA nung masusunog yung buong bahay. Buong kusina lang." sabay kaming natawa dahil sa sinabi nya. Nanood na lang sya ng tv at hinayaan akong mag luto ng lunch namin. I decided na tinola na lang ang lutuin. Paborito kasi yun ni Grace.
Tapos na akong mag luto at mag hain kaya tinawag ko na sya. "Coming!" narinig kong sigaw nya. "Wow, mukhang masarap yan Bess ah." umupo naman sya sa harap ko at nag simula ng sumandok ng pagkain. Nang matapos kaming kumain ay nag presinta syang mag hugas ng pinag kainan namin. Hinayaan ko na sya dahil kahit papaano ay marunong naman yan mag hugas ng plato.
May nakita naman kaming CD sa may kabinet sa Sala namin kaya napag pasyahan naming manood ng movie. Na sa kalagitnaan kami ng panood ng movie ng mag ring ang phone ko. Mabilis ko naman itong sinagot ng makitang si Miss Lily ang na sa caller's ID.
"Hello po Miss Lily? Bakit po kayo tumawag? May problema po ba?" sunod sunod na tanong ko.
"Wala namang problema." nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko iyon.
BINABASA MO ANG
Until the End
RomanceAng istorya'ng ito ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao na nagkabungguan sa unang araw ng pasukan. O di kaya ng dalawang tao na pinilit lamang magpa kasal dahil sa negosyo. Hindi din ito tungkol sa pagtataksil ng isang lalaki sa kanya...