A/N: This part is Caspian's point of view. (Wendy and Carl's son.)
-------------------------
Caspian's POV
“Balita ko, may bagong student daw ngayong school year. Babae, tapos maganda!” mabilis akong napatingin sa kaibigan ko na si Jason, dahil sa sinabi nya.
“Someone is interested...” mapanuksong saad ni Rehan, kaibigan ko din.
“Tss.” tipid na sambit ko bago silang dalawa irapan.
“You know what, you really need to move on. Bro, tandaan mo hindi lang sa kanya umiikot ang boring mong buhay.” Rehan said, using his serious voice.
“My what? Boring life?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Mabilis naman syang napa iling habang si Jason naman ay natatawang lumapit sa akin.
“Oo bro. Ngayon mo lang ba nalaman?” Tinignan ko na muna sila ng masama bago ako tumayo at dire-diretsong naglakad palayo sa kanila. Medyo malayo na ako sa kanila pero, naririnig ko pa din ang tawanan nila at pagtawag sa pangalan ko.
‘I can't believe that they're my friends!’
I just sighed, before entering the boys' locker room. Kumuha lang ako ng mga libro ko para sa susunod kong klase.
Paglabas ko ng locker room ay naglakad naman ako papunta sa kabilang building. Habang naglalakad ako, ay napansin ko ang nagkukumpulan na isang grupo ng mga estudyante sa labas ng classroom na papasukan ko.
Masaya ako na hindi ko kaklase ang dalawa kong kaibigan, sa oras na toh. Dahil sobrang ingay nila. Pero, kahit wala sila may pumalit naman sa pagiging maingay at madaldal nila. At mas madami pa, toh.
“Grabe ang ganda nya talaga.”
“Go get her number, then!”
“Ano nga ulit ang pangalan nya?”
“Ang sabi ng iba nating ka blockmate, Harmony daw.”
“Saan naman nila nakuha yan?”
“Anak ng prof yung isang nagsabi sakin. Malamang tama yun.”
“Grabe talaga, pangalan pa lang bigatin na!”
“You're blocking my way.” mabilis naman silang humarap sa akin at sabay-sabay na gumilid. Tss. They're wasting their time, just to peek in this room?
Uupo na sana ako sa usual spot ko. Ng mapansin ko ang isang babae na naka upo sa pwesto kong iyon. Mahina akong tumikhim para makuha ang atensyon nya.
“Do you need something?” she softly asked. Medyo napatitig pa ako saglit sa itsura, pero natigil din iyon ng pumasok na ang prof namin. Umupo na lamang ako sa bakanteng upuan na na sa tabi nya, at bored na nakinig sa naglelesson na prof sa harap.
Ng na sa kalagitnaan kami ng klase, ay naramdaman ko ang pagtapik ng kung sino sa gilid ko. Bumaling naman ako dun sa babaeng umagaw ng upuan ko, at kunot noo syang hinarap.
“Do you need something?” panggagaya ko pa sa tanong nya sa akin kanina. Ngumuso naman sya atsaka umirap.
‘Cute.’
Mablis naman akong napailing dahil sa naisip kong iyon, at naramdaman ko din ang pag init ng dalawa kong pisngi.
“I just wanna ask you, if pwede po akong mang hiram ng ruler?” bumuntong hininga na lang ako at binigay sa kanya ang ruler ko. “Thank you po.” napakahinhin nyang sabi.
“Po? Don't po me. Hindi naman ako matanda.” napatungo naman sya at mahinang nag sorry. Ang tanging nasabi ko na lang ay, “Tss.” bago ako umayos ng upo at humarap na sa board.
Habang nagkaklase, ay hindi ko mapigilang hindi sulyapan ang babaeng katabi ko ngayon.
‘Why does she have to be that beautiful and at the same time cute? Hindi ba kasalanan yun?’ tanong ng kapiraso ng utak ko. Pero iba ang tumatakbo sa ibang piraso ng utak ko...
What the fvck is happening with me?! I didn't even care kung ano man o sino man sya!
—End of Special Chapter—
-------------------------
A/N: Special chapter para sa anak nila Carl and Wendy! Sana po nagustuhan nyo!
By the way, magkakaroon din pala po silang dalawa ng story. Very soon. Ang title po ay, Rhythm of my Heart. Sana po basahin nyo din yan.
Tatapusin ko pa muna siguro yung Trapped in the Past at yung isa ko pang sinusulat sa draft ko. Bago ko po ipublish yang story ni Caspian.
Hope you are all glad to meet, Caspian Wells Natividad and Harmony Belle Collins!! Love lots po and stay safe din~
BINABASA MO ANG
Until the End
RomanceAng istorya'ng ito ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao na nagkabungguan sa unang araw ng pasukan. O di kaya ng dalawang tao na pinilit lamang magpa kasal dahil sa negosyo. Hindi din ito tungkol sa pagtataksil ng isang lalaki sa kanya...