A/N: Sobrang ikli lang po nito pero may magaganap na panibagong revelation na naman!!!! Skl Hahaha.
-------------------------
Wendy's POV
"Iniinom mo ba yung mga gamot mo sa tamang oras?" tanong ni doktora. Tumango naman ako. "Eh yung mga reminders ko sayo. Sinusunod mo naman ba yung mga bilin ko?"
"Opo. Pero dok, bakit po parang bigla na lang akong pumayat ng ganto? Pinipilit ko naman pong kumain ng madami." takhang tanong ko.
"That's normal if you have a leukemia, Miss Agoncillio. You will loose your weight and sometimes your appetite as well. Huwag mo lang kakalimutan ang pag inom ng gamot at pagkain ng mga healthy foods. Okey?" tumango ulit ako. "By the way, kailan mo pala gustong simulan ang pagt-therapy? Kailangan mo na kasi mag pa chemotherapy eh."
"H-hindi ko po sigurado, dok. Pero kapag po may sapat na akong pera." pinilit ko namang ngumiti habang sinasabi ang mga salitang yun. Binilan lang ulit ako ni doktora ng mga dapat kong gawin.
"Maraming salamat po dok!" Sabi ko bago lumabas ng office nya. Nagpasalamat din ako sa secretary nya na si Ate Dale bago umalis. Weekly check up ko kasi ngayon kaya ako na sa ospital.
Friday ngayon at halos madilim na din ng matapos ang check up ko kaya dumeretso na ako sa flower shop. "Good evening po Miss Lily." magalang na bati ko.
"Kamusta? Ang laki ng pinayat mo ah!" puna nya. Minsan na lang din kasi kami magkita dahil bihira na lang ako pumasok dito.
"Ayos lang naman po." Sabi ko at nag simula ng mag trabaho. "Good evening po Ma'am and Sir. Welcome to Lily's of the Valley!" bati ko sa mga panibagong costumers na pumasok.
Pagkatapos ng trabaho ko ay dumaan muna ako ng tindahan para bumili ng pain reliever patch. Sumasakit kasi yung likod ko eh. Ng nakabili na ako ay sumakay na akong Jeep pa uwi. "Manong para po!!" sigaw ko. Bumaba naman ako sa Jeep at tumawid na papunta sa bahay namin.
Na sa malayo pa lang ako pero may natanaw ako isang bulto ng bata na nakatayo sa labas ng bahay namin. Ng lapitan ko toh ay laking gulat ko ng makita ang isang kapatid ko. "Daniel, bakit ka umiiyak?! Na saan sila Mama? Bakit ka na sa labas? May masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ko.
"A-ate si M-mama po, k-kanina pa po sya i-iyak ng iyak! K-kanina ka pa p-po namin h-hinihitay ni D-Dylan, A-ate!"
"Shhh... Huwag ka ng umiyak. Halika na sa loob. Puntahan na natin si Mama." nagmamadali akong pumasok at naabutan ko naman si Dylan na yakap yakap si Mama habang si Mama naman ay naka upo sa lapag habang umiiyak. "Ma! Ano bang nangyayari sa inyo?! Tumayo nga po kayo dyan!" sigaw ko. Bigla naman syang umiyak at panay bulong lang ng paulit ulit.
"Sorry..." bulong ni Mama habang umiiyak. "... Sorry" inalalayan ko naman syang makatayo at pinaupo sa sofa. Pinakuha ko din ng tubig si Dylan.
"Ma, ano po ba talaga ang nangyari?" Uminom muna sya ng tubig bago sya nagsalita.
"B-b-buntis ako." bulong nya na hindi ko narinig.
"Ano po? Ma, lakasan nyo naman po ng kaunti para marinig ko."
"B-buntis a-ako, anak. Buntis a-ako." mas malakas na sabi nya. Napantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi ni Mama.
"A-ano? P-paano?" puno ng pagtataka kong tanong.
"Ate..." narinig kong bulong ni Daniel.
"T-tumaas na muna kayong dalawa! Magu-usap lang k-kami ni M-mama." Sabi ko sa kanilang dalawa. Sinunod naman nila ang utos ko at walang reklamong nagpunta sa kwarto nila sa taas. "Sino po?" tanong ko ng masigurong wala na sila Dylan at Daniel.
Wala akong natanggap na sagot kay Mama kaya inulit ko ang tanong ko. "Ma, sinong tatay?!" nauubos na ang pasensya ko. Pinipigilan ko lang magalit at mag mura dahil baka makasama lang yun kay Mama. "Ma! Sagutin nyo naman po ako! Sinong ama nyan. Si Andrei ba?!" sunod sunod na tango ang sinagot nya sa akin.
"O-oo. Si A-andrei..." pinipigilan kong umiyak habang nakikinig sa kanya.
"Sinabi mo na sa kanya? Alam nya na ba na buntis ka?" mahinahon na tanong ko.
"N-nasabi ko na k-kanina..."
"Anong sabi nya sayo? Pananagutan ka ba nya?"
"Na-nagalit sya sa akin, anak. Pinaalis nya ako k-kanina. N-nalaman ko d-din na m-may pamilya na pala s-sya." napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa inis. "S-sinabi nya din sa akin na i-ipalaglag ko na lang daw yung b-bata!" iyak lang sya ng iyak habang nagsasalita.
"Mama naman! Ano ba tong pinasok mong gulo?!" naiinis na talaga ako. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang sya napigilan sa napag sabihan. "Asan sya? Pupuntahan ko yang Gago na yan!" umiling naman si Mama at hinawakan ang kamay ko.
"Bumalik a-ako sa b-bahay n-nya kanina, a-anak. Sabi nung isang k-katulong nila, u-umalis na daw si A-Andrei papunta sa i-ibang bansa kasama yung p-pamilya nya." niyakap ko naman si Mama ng mahigpit at hinagod ang likod nya.
"Huwag ka ng umiyak, ma. Masama yan para kay Baby. Huwag kang magalala Mama. Tutulungan kitang alagan yung bago nating baby. Okey?" tumango naman sya at tumigil na din sa pag iyak. "Hindi din natin sya ipapa-abort. Bubuhayin natin yan." naramdaman ko namang humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Mama.
"T-thank you..." bulong nya. "Salamat talaga anak. Salamat." paulit ulit na pag thank you nya.
Pagkatapos namin mag usap ay nag paalam na akong tumaas para mag bihis. Pagkasarang pagkasara ng pinto ko ay tuloy tuloy na bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napa upo na lang ako sa lapag at niyakap ang tuhod. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa mapagod ako at humiga na sa Kama.
Nakatitig lang ako sa kisame habang tuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko. "Hindi pa nga po ako nakaka get over nung nalaman ko na may sakit ako, tapos ngayon ito naman. Nabuntis naman si Mama. Hirap na hirap na nga po ako sa sakit ko tapos, tapos madadagdagan pa..."
End of Chapter Twelve...
-------------------------
BINABASA MO ANG
Until the End
RomanceAng istorya'ng ito ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao na nagkabungguan sa unang araw ng pasukan. O di kaya ng dalawang tao na pinilit lamang magpa kasal dahil sa negosyo. Hindi din ito tungkol sa pagtataksil ng isang lalaki sa kanya...