-------------------------Wendy's POV
“Anak...” katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko. “Nagluto ako ng adobo. Kain ka na muna. Mag a-alas dos na, oh. Tapos hindi ka pa kumakain.” nakangiti nyang sambit habang inaayos ang mga pagkain na dala nya.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at si Mama naman ay hinahandaan ako ng pananghalian. “Nakaka miss pumasok, ma.” mahina kong saad. Ilang araw na din kasi ang nakalipas mag mula nung pinatigil ako sa pagaaral ni Mama.
Hindi dahil wala na kaming pang bayad—dahil scholar ako. Dahil mas lalo ng nanghihina ang katawan ko. Kaya sinabihan na muna kami ng doktor na kung maaari daw, ay huminto na muna ako sa pagpasok at magpahinga na lamang sa bahay para mas lalo pa akong lumakas.
“Makakabalik ka din, anak. Basta magpagaling ka na at huwag kang susuko.” bilin ni Mama na kinatango ko. “Nagpaalam nga pala sa akin si Carl kanina, susunduin ka daw nya mamayang alas-cingco ng gabi.”
“Pumunta po sya dito?”
“Hindi.” sagot ni Mama. “Nag text lang sya sa akin.”
“Saan daw po kami pupunta?” nagkibit balikat naman si Mama at sinabing hindi nya daw alam dahil wala din namang nabanggit sa kanya si Carl. “Ako na, Ma.” sambit ko habang kinukuha ang kutsara na hawak nya.
“Sigurado ka?” tumango naman ako at bigyan sya ng isang ngiti.
“Mama, hindi po ako baldado.” natatawa kong paalala sa kanya.
“Ikaw talagang bata ka. Sige na, baba na muna ako.” tumayo naman sya bago humarap sa akin. “Ubusin mo yan, ha. Para naman magkalaman na yang katawan mo, anak. Okey?”
“Opo.” sagot ko bago sya lumabas. Sinunod ko naman ang sinabi ni Mama at inubos ko ang pagkain na inihanda nya para sa akin.
Halos apat na oras din akong nakahiga lamang at hinihintay na mag alas-quatro, tsaka ako nag ayos dahil susunduin nga daw ako ni Carl. At dahil gabi ang magiging lakad namin ni Carl ay nagsuot na lamang ako ng pantalon at sweatshirt tsaka rubber shoes para hindi ako lamigin.
Kinuha ko na din yung bucket hat na binili nya sa akin nung nag date kami sa mall at sinuot na ito bago bumaba para doon na lang sya hintayin.
“Aalis ka po?” tanong ni Daniel bago tumabi sa akin sa sofa. Tumango naman ako bilang sagot sa tanong nya. “Kasama mo po si, Kuya Carl?”
“Oo. Bakit, may problema ka ba?” mahinhin kong tanong. Umiling naman sya bago tumungo. “Daniel...” mahinang tawag ko sa kapatid ko.
Nag angat naman sya ng tingin at tinignan ako sa mata. “Bakit po, ate?” tanong nya.
“Galit ka ba kay Kuya Carl mo?” takhang tanong ko sa kanya. “Napansin ko kasi na medyo ilang ka pa din sa kanya. Atsaka hindi mo din sya nilalapitan tulad ni Dylan.” mahabang saad ko atsaka tinuro ang kambal nya na si Dylan na naglalaro sa gilid ng hagdan.
“Hindi naman po...” nakatungo nyang bulong. “... Ayoko lang po kasi sa kanya, kasi baka paiyakin ka po nya ulit.” nagtakha naman ako sa sinabi nya.
“Huh?” naguguluhang tanong ko.
“Nakikita po kasi kita noon na palaging umiiyak sa kwarto mo. Tapos palagi nyo pong binabanggit yung pangalan ni Kuya Carl. Sorry po, ate. Ayoko lang po kasi na masaktan ka nya ulit.” mahabang lintaya nya. Bakit ba napakadaming alam ng batang ito?
“Ayos lang, baby. Naintindihan ko. Salamat sa pagaalala mo kay ate, ha. I love you.” malambing na saad ko tsaka sya hinalikan sa noo.
“Kuya!” sigaw ni Dylan sabay takbo papuntang pintuan. Napatayo naman ako at nakita si Carl na buhat-buhat si Dylan.
BINABASA MO ANG
Until the End
RomanceAng istorya'ng ito ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao na nagkabungguan sa unang araw ng pasukan. O di kaya ng dalawang tao na pinilit lamang magpa kasal dahil sa negosyo. Hindi din ito tungkol sa pagtataksil ng isang lalaki sa kanya...