Chapter 19: Best Friend

81 14 8
                                    

-------------------------

Wendy's POV

“Ayos na toh.” sabi ko sa mga ka grupo ko ng matapos namin ang group research namin sa English. Nandito din kami sa bahay nila Grace dahil dito namin napagpasyahan na gawin itong research namin, dahil sa libreng wifi at kumpletong mga gamit.

Ng natapos naming iligpit ang mga ginamit namin kanina ay sabay-sabay na kaming bumaba. Pagdating namin sa baba ay nakasalubong namin ang Mommy ni Grace at niyaya muna kaming kumakain ng hapunan bago umuwi.

Ginabi na kasi kami dahil sa medyo nahirapan pa kami sa pag tapos ng group research na yun.

Ang iba naming ka grupo ay tumanggi sa alok ni Tita Glenda—mommy ni Grace—dahil hinahanap na daw sila ng mga magulang nila. Mga hindi kasi nagpapaalam na gagabihin kami ngayon kaya panigurado akong galit na ang mga magulang nung iba kong ka grupo.

“Wala pa si Daddy, Mom?” tanong ni Grace kay Tita Glenda, nang makarating kami sa dinning room nila. Umiling naman si Tita Glen at sinabing na sa isang business trip pa din daw si Tito Hanz—yung Daddy ni Grace.

Naging malungkot naman ang ekspresyon ng mukha nya pero kahit na ganun ay pilit pa din syang ngumiti. “Let's eat na!” masiglang saad ni Tita Glen at nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang akong kumakain ng biglang nag vibrate yung phone ko. Naka receive ako ng text pero hindi ko na lang ito pinansin dahil alam ko na naman kung kanino ito galing.

Tuloy lang ako sa pagkain ng nag vibrate na naman ang cellphone ko. Hindi ko na lang ulit ito pinansin at tinuon na lang ulit ang atensyon sa pagkain na na sa harap ko.

Ilang minuto ding nanahimik at tumigil sa pag vibrate ang cellphone ko ng bigla naman itong tumunog. “Bess, may natawag ata sayo.” mahinang bulong ni Grace na na sa tabi ko.

Hindi naman kami napapansin ng mga kasama namin sa lamesa dahil busy silang magkwentuhan, maliban sa amin ni Grace. “Hayaan mo yan. Kanina pa nga nangungulit yan, eh.” iritableng sagot ko.

“Eh, sino ba kasi yang tawag ng tawag sayo?”

“Si Carl.”

“Bakit di mo sagutin? Natatakot ka bang sabihin nya sayo na sila na ulit ni Eunice?” hindi na lamang ako umimik pagkatapos nyang sabihin iyon. Kahit kailan talaga panira itong kaibigan ko.

Mabilis namang natapos ang hapunan namin at umalis na din kaagad ang mga natitira pa naming mga kaklase. Ako naman ay pinagpaalam na ni Tita Glen kay Mama na dito na lamang matutulog, pinayagan naman ako ni Mama kaya heto ako, katabing matulog ang isa sa mga maiingay na nilalang. Ang best friend kong nag ngangalang Grace Villanueva.

Mabuti na lang at may mga iniwan ako noon na mga damit ko dito sa bahay nila, dahil mahilig kaming mag sleep over nitong si Grace. Tapos papahiramin na lang daw nya ako ng extra uniform tutal halos magkasing size lang naman kami. Medyo ma payat nga lang ako ng kaunti sa kanya.

“Bess, kailan next check up mo?” tanong ni Grace habang nanonood kami ng The Loud House—favorite cartoons naming dalawa—sa tv.

“Next week na. Bakit mo naman natanong?”

“Wala lang.” sagot nya. Napansin ko naman na parang may gusto pa syang sabihin  itanong sa akin dahil kanina pa bumubuka yung bibig nya tapos isasara din naman nya ito kaagad.

Until the EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon