-------------------------Wendy's POV
This is it. Napag desisyunan ko kasi last week na sa araw na ng sabado ko sasabihin kila Mama ang tungkol sa sakit ko. At ngayong araw na iyon. Ang araw ng sabado. Ngayon ko na sasabihin sa kanila na mayroon akong Leukemia.
Tinawagan ko muna si Grace at tinanong kung na saan na sya. Sinabi nya naman na malapit na daw sya sa bahay kaya naman nag ayos na ako ng sarili ko bago bumaba.
Sinabi kasi sa akin ni Grace na sasamahan nya daw ako sa araw na sasabihin ko na sa pamilya ko ang tungkol sa sakit ko. At tinupad naman nya iyon, dahil on the way na sya papunta dito sa bahay.
Pagbaba ko ay naabutan kong nanonood ng tv ang kambal. Tinanong ko naman sila kung na saan si Mama at sinabi nilang na sa kusina daw at nagluluto ng meryenda.
Nagpunta naman ako sa kusina at yumakap sa likod ni Mama. "Oh, ano naman ang kailangan mo?" tanong niya sa akin.
"Wala naman po."
"Eh, bakit parang ang sweet mo yata ngayon?"
"Bawal po ba akong mag lambing sa napakaganda kong Mama?" napatawa naman sya atsaka humarap sa akin.
"Ewan ko sayong bata ka. Ilang araw ko ng napapansin yang pagiging malambing mo sa akin, ah. Nako! Kapag talaga may ginawa kang kalokohan, kukurutin ko yang singit mo." ngumuso naman ako at yumakap ulit sa kanya.
"Wala naman po akong ginawang kung ano, eh. Gusto ko lang talaga maglambing sayo." napailing na lang si Mama at pinagpatuloy na ang pagluto ng turon habang ako naman ay nakayakap pa din sa likod nya.
"Umalis ka na nga muna dito. Ako'y naiistorbo mo." pagtataboy nya sa akin.
"Mama naman, eh!"
"Aba! Doon ka na lang muna sa sala at hintayin mo na si Grace. Hindi ba at pupunta pa sya dito." wala naman na akong nagawa kundi sundin ang utos ni Mama. "Huwag mo akong simangutang, bata ka!" narinig kong sigaw nya galing sa kusina.
"Hindi naman po ako nakasibangot!" sigaw ko para marinig nya dahil na sa kusina pa din sya at ako naman ay na sa sala. Nakita ko namang lumabas si Mama ng kusina habang nakapamewang.
"Sinisigawan mo ba ako?" nakataas pa ang isang kilay nya habang nakatingin sa akin ng masama. Nakarinig naman ako ng mahinang mga tawa sa gilid ko at nakitang pinagtatawanan pala ako ng kambal.
"Mama hindi naman po kita sinisigawan, eh."
"Bahala kayo dyan." sabi nya bago bumalik sa kusina. Na upo na lang ako sa tabi ni Dylan at hinintay na dumating si Grace.
Sabay-sabay kaming tatlo napalingon ng malakas na bumukas ang pinto ng bahay namin. "Hi everyone!" malakas na sigaw ni Grace. Lumapit naman sa kanya si Dylan at yumakap.
"Hi, Ate Grace." bati nya habang nakangiti. Kinurot naman ni Grace ang pisngi ni Dylan at binigay sa kanya ang dala-dala nyang box ng donuts. "Wow, donut!" dinala naman ni Dylan ang box sa kusina bago magpasalamat kay Grace.
"Kanina pa kita hinihintay. Bakit ngayon ka lang?" bulong ko sa kanya.
"Sorry naman po. Atsaka huwag ka nga kabahan dyan. Hindi ka pa mamamatay, Bess." itatanggi ko pa sana na hindi naman ako kinakabahan ng lumapit sa amin si Mama para batiin si Grace. "Hi po, Tita." tumayo naman sya at humalik sa pisngi ni Mama atsaka nagmano.
"Pansin ko lang na mas lalo ka pa yatang gumaganda, ah." puri sa kanya ni Mama. Inipit naman ni Grace ang buhok nya sa likod ng tenga nya at pabirong hinampas si Mama sa braso.
BINABASA MO ANG
Until the End
RomanceAng istorya'ng ito ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao na nagkabungguan sa unang araw ng pasukan. O di kaya ng dalawang tao na pinilit lamang magpa kasal dahil sa negosyo. Hindi din ito tungkol sa pagtataksil ng isang lalaki sa kanya...