-------------------------Wendy's POV
From: Carl
Be ready.
I'm on my way, Love.
I love you.
Text ni Carl sa akin. Kaagad naman akong nag reply at sinabing mag ingat sya sa pagmamaneho. Pagkatapos ko syang replyan ay sa hindi mabilang na pagkakataon ay tinignan ko na naman ang sarili ko sa salamin.
Niyaya kasi akong lumabas ni Carl. Pumayag naman ako tutal sabado na naman. Hindi nya din naman sinabi sa akin kung saan kami pupunta ngayon. At ang tangi nya lang sinabi sa akin ay, "Just wear comfortable clothes." kaya naman nagsuot na lang ako ng pantalon at simpleng t-shirt, pinaresan ko din ito ng itim na rubber shoes at yung nagiisa kong sling bag.
"Ate! Nandito na si Kuya Carl!" pagkarinig ko nun ay mabilis kong kinuha sa ibabaw ng kama ko yung sumbrero ko at isinuot na ito bago bumaba.
"Why the hell are you wearing that?" bungad na tanong ni Carl habang nakaturo sa suot kong sumbrero.
"Nakakahiya, kasi may mga lugar na wala nang buhok. Tapos ang pangit tignan." nakayuko kong paliwanag. Narinig ko namang napabuntong hininga sya bago magpaalam kila Mama at sa kambal.
"Bye, Kuya Carl!" sigaw ni Dylan. Aba, ako yung ate tapos kay Carl lang nag bye-bye. May favoritism na talaga yang si Dylan.
"Saan ba tayo pupunta?" takhang tanong ko kay Carl habang na sa loob kami ng kotse nya.
"Sa mall lang." tumango naman ako sa naging sagot nya. "Okey lang kung sa mall lang muna tayo?"
"Oo naman! Bakit naman hindi?" nagkibit balikat na lang sya at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
Pagdating namin sa mall ay nagpunta muna kami sa isang shop at binilhan ako ni Carl ng bucket hat na kulay puti. "There. Much better." nakangiti nyang sambit habang tinitignan ako.
"Thank you." saad ko at nginitian sya pabalik.
"Tara..." sabi nya sabay hila sa akin palabas ng shop.
"Saan tayo?"
"We'll watch movie, Love." pagdating namin sa may sinehan ay bumili na sya ng dalawang ticket para sa amin. Sinabi ko naman sa kanya na ako na ang bibili ng snacks namin pero pinigilan nya ako. Sya daw kasi ang nagyaya kaya sya na lang daw ang magbabayad.
"Anong movie pala papanoodin natin?" tanong ko sa kanya.
"Tangled." maikling sagot nya.
"Totoo?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman sya at hinintay pa ang susunod kong sasabihin. "Meron pa pala nun ngayon."
"Let's go, Love. Baka mag start na." nagpatuloy naman kami sa paglalakad hanggang sa pumasok kami sa isang malaking pintuan. Pagdating sa loob ay medyo madilim na at tanging mga blue na ilaw na na sa gilid lamang ang halos makikita mo.
Nang tuluyan na kaming makapasok ay, hahanapin ko na sana ang seat number na na sa tickets namin nang mapansin kong kami lamang ang tao sa loob. Binalingan ko nang nagtatakang tingin si Carl—na naka upo na pala sa unahan—bago ma upo sa tabi nya.
"What?" inosenteng tanong nya sa akin.
"Anong, what? Ano na naman ba itong pakulo mo, Carl?" kumamot naman sya sa batok nya at nahihiya akong tinignan.
"I rented this whole cinema, Love. Para naman ma solo kita."
"Eh, bakit may pabili-bili ka pa ng ticket sa labas?!"
"Para pag pasok mo, ay ma surprise ka." nahihiya nyang sambit. Bumuntong hininga na muna ako bago sumandal at tinuon na lang sa malaking screen ang atensyon ko. Habang nanonood kami ng Tangled ay may naalala akong itanong sa kanya.
"Bakit pala Tangled yung napili mong movie?" puno nang pagtataka kong tanong sa kanya.
"Because it's your favorite disney movie." simpleng sagot nya. Ibinalik ko na lang ulit sa pinapanood namin ang atensyon ko at seryosong nanood.
Ilang minuto din ang nakalipas at yung favorite scene ko na ang na sa screen.
"All those days, watching from the windows.
All those years, outside looking in.
All that time, never even knowing, just how blind I've been.
Now I'm here, blinking in the starlight.
Now I'm here, suddenly I see.
Standing here, it's all so clear.
I'm where I'm meant to be..."
Pagkanta ni Rapunzel habang nanonood nang pag lipad ng napakadaming lanterns.
"And at last, I see the light. And it's like, the fog has lifted. And at last, I see the light. And it's like, the sky is new. And it's warm and real and bright. And the world has somehow shifted. All at once, everything looks different. Now that I see you." pagsabay ko sa pagkanta nya.
"All those days, chasing down a daydream.
All those years, living in a blur.
All that time, never truly seeing.
Things, the way they were.
Now she's here, shining in the starlight.
Now she's here, suddenly I know.
If she's here, it's crystal clear.
I'm where I'm meant to go..."
Kasabay ng part ni Flynn sa pagkanta ay may sinabi sa akin si Carl na ikinapukaw ng atensyon ko. "It's your dream, right?" seryosong tanong nya habang nakatitig sa malaking screen na na sa harap namin.
"Ano?" mahinang tanong ko. Hinarap nya naman ako atsaka nginitian.
"That's your biggest dream. I still remember the day when you told me about that dream of yours." sabi nya ng hindi man lang nawala ang malapad na ngiti sa kanyang labi.
"Naalala mo pa talaga, huh?"
"Of course. Pangarap yun ng mahal ko, eh." napaiwas na lamang ako nang tingin upang hindi nya mapansin ang namumula kong pisngi.
"And at last, I see the light.
And it's like, the fog has lifted.
And at last, I see the light.
And it's like, the sky is new.
And it's warm and real and bright.
And the world has somehow shifted.
All at once, everything is different.
Now that I see you...
Now that I see you."
"Thanks for remembering, Carl." mahina kong bulong.
End of Chapter Twenty Five...
-------------------------
A/N: OMG! Four Chapters left before we proceed to Epilogue! Malapit na mag ending!!!
By the way, Sobrang ikli lang po nito pero sana po nagustuhan nyo pa din. Stay safe and love lots~
BINABASA MO ANG
Until the End
RomanceAng istorya'ng ito ay hindi lamang tungkol sa pag-ibig ng dalawang tao na nagkabungguan sa unang araw ng pasukan. O di kaya ng dalawang tao na pinilit lamang magpa kasal dahil sa negosyo. Hindi din ito tungkol sa pagtataksil ng isang lalaki sa kanya...