Seven's POV
I'm not disappointed or anything. I'm really not — it's just that. I thought when Lorenzo picked me up from my class a while ago and asked me, if we could go here at the Botanical Garden. I thought I could talk to him alone — don't get me wrong! I just want to talk to him so I could say sorry or something that we can clear what happened last Sunday.
But here I am, here we are — with my NSTP group mates, having a meeting for our upcoming Mangrove Planting this coming Sunday.
Pagdating namin ni Lorenzo ay nandito na silang lahat at kami nalang ang kulang. At dahil sampu kami sa grupo at isang lamesa lang ang gamit namin ay ang mga babae lang ang pinaupo namin.
But wait - kasama ako dapat sa mga lalaking nakatayo, pero bat nga ulit ako naka-upo katabi si Beau?
Ahh...... they offered it. Pagdating ko kasi ay agad nila akong pinaupo. Hindi naman ako nagreklamo, ayoko rin namang tumayo.
"We only need to bring two cars, and that would be my car and Drew's car. Again, don't forget. It's 6AM sharp at the Kafetea, okay? And Josh, please don't forget the mineral water, yung isang buong galon na para mas mura" Clarence said as our leader.
"Okay, no problem" Josh answered.
Actually, we already talked about these things in our group chat. Pina-finalize nalang namin ngayon so that we won't get any problem during the actual day.
Habang patuloy parin sila sa pag-uusap, ako naman na walang masyadong papel sa mga tasks, bukod sa pag-ambag ng pera — ay busy na ngayon sa pagkain ng egg sandwich at soya milk.
"Bat ngayon mo lang kinakain yan?"
Gumawi ang tingin ko kay Felix na nasa gilid ko.
"May klase kasi ako kanina," sagot ko habang ngumunguya.
Tumango naman si Felix, "So nag-usap na kayo nun?" tanong nya ulit at nginuso si Lorenzo, na ngayon ay nakatayo di kalayuan sa photocopy station na tanaw lang dito at may kausap sa cellphone.
Mga sampung minuto narin siguro ang lumipas mula nang umalis ito para sagutin ang tawag. At dahil medyo may kaingayan dito sa pwesto namin ay dumistansya ito.
Umiling ako ng bahagya, "hindi pa kami masyadong nakapag-usap. May sinabi ba sya sayo?" tanong ko kay Felix.
He slightly shrugs and said. "Wala naman, natanong ko lang. Di ba ilang araw din tayong di masyadong nakapag hangout"
I don't believe that's just the reason why he asked if me and Lorenzo already had a talk. He probably knows something about what happened last Sunday. But I don't want to talk about it with him, so I didn't asked any more questions.
"Okay," I simply said and continue eating the sandwich.
Hindi narin nagtanong pa si Felix dahil tinawag sya ni Clarence para ibigay ang listahan ng mga dapat nilang bilhin para sa activity.
Pagka-ubos ko sa kinakain ay tumayo ako para sana itapon ang basura pero bigla akong tinawag ni Clarence.
"Sev, pa-photocopy mo naman 'to please, mga limang copy siguro" pakisuyo nya sabay abot sakin ng isang handout na mukhang may kinalaman sa meeting namin ngayon.
Kinuha ko naman at dumeretso sa basurahan na nasa gilid para tuluyang itapon ang basura ko bago tumuloy sa photocopy station na nasa malapit.
Habang naglalakad papunta sa photocopy station ay di maalis ang mga mata ko kay Lorenzo— na mukhang wiling-wili sa kausap. Actually, mga ilang beses rin akong napapasulyap sa gawi nya kanina mula ng umalis ito sa meeting namin. At kanina ko parin napapansin na hindi maalis ang ngiti nya sa katawag.
BINABASA MO ANG
Boy, It's Love
RomanceSeven Agustin is a simple, moody, easily annoyed, slightly nerd and an anime fan -- freshman college student. You can say that his life in one word can describe as 'ordinary'. He maybe has a cute lesbian friend and a third generation heir best frien...