Seven's POV
Mabigat ang pakiramdam ko mula sa pag-gising kanina hanggang sa pag-pasok ko ngayon sa school. Ramdam na ramdam ko yung "monday sickness" na tinatawag. Buti nga't nakatulog pa ako kagabi. Sa dami at gulo ng isip ko, ay siguro napagod nalang ang utak ko kaya ako nakatulog.
Mabigat ang mga paa akong naglalakad ngayon sa hallway ng college namin.
Monday's really suck — plus, my first class is my most hated subject. Buti nalang puro lecture lang kami.
Napahinto ako sa paglakad ng may taong humila sa bag ko mula sa likod.
"Putek!" mura ko sa pagka-bigla.
Lumingon ako agad para kumprontahin ang bastos na humila sakin.
"Yow! Good morning!" bati ni Clarence na may pa-wave pa.
Mumurahin ko pa sana sya, kaso di ko natuloy dahil may tinapat syang dalawang paper bag — na kabisadong-kabisado ko na ang amoy at laman.
Napapikit nalang ako sa frustration at feeling guilty rin — na ewan.
Even though hindi naman kami nag-away ni Lorenzo, pero for the fact na nag walkout ako sa kanya kahapon, feeling ko talaga — were not in good terms.
"Can't you just give it back to him?" matamlay kong wika.
Inalis naman kagad ni Clarence sa tapat ko ang paper bag. Tumagilid rin ang ulo nya na pormang naguguluhan sa sinasabi ko.
"Kanino? Sa cashier kanina? O sakin? Ako bumili neto" he said, may pa-turo pa sa sarili nya.
Okay, feeling ko napahiya ako dun. Akala ko talaga — wait.
"Gago ka, lokohin mo lelang mo!" I hissed before walking away from him.
"Oy! Wait lang! Hahaha — Oo na ! Kay Edge nga galing," habol sakin ni Clarence at punta sa harapan ko, kaya napahinto ako.
Sinamaan ko lang sya ng tingin.
"Oh" abot nya sakin sa paper bags. "Kunin mo na, kanina ko pa dala 'to e," ani nya na medyo seryoso na.
"Do you know something about him?" tanong ko't di parin kinukuha ang inaabot.
Pakiramdam ko ay may hindi sinasabi sakin ang dalawa — kahit si Beau, na natural lang na hindi madaldal.
Kanina — pag-gising na pag-gising ko, ay tsinek ko kagad ang cellphone ko para tingnan kung ano ng nangyari sa kanila kagabi — Dahil sure ako na babalitaan ako ng dalawa kong kaibigan — But to my surprise, the only message they send is to ask, if I did gone home safely.
"What do you mean by that Seven? May nangyari ba sa inyo ni Edge kahapon? Umuwi ka nga ng di nagpapa-alam ng personal samin ni Beau — nag-away ba kayong dalawa?" Clarence asked habang nanliliit ang mata.
"Wala ba syang sinabi?"
Clarence shrugged his shoulder. "Wala naman. Sabi nya, 'you said your goodbye to us' daw. Well, akala namin ni Beau napagod ka dun sa marathon kahapon kaya di na namin masyadong napag-usapan — and oh! Your MacBook is in my car, kunin mo nalang mamaya pag pauwi ka na"
The whole time na nag-sasalita si Clarence ay naka-kunot lang ang noo ko. But when I heard about the MacBook ay napatango ako. At least, hindi ko kelangan mismo kunin kay Lorenzo. Because, I don't think I can face him right now. Feeling ko talaga kasi may mali akong ginawa.
Tinuloy nalang namin ang usapan ni Clarence habang sabay na naglakad papuntang classroom. Kiniwento nya ang mga nangyari sa kanya kahapon. Mula sa pag-alis nya para hanapin ang partner nya — na hindi nya nakita, hanggang sa pag-uwi at pagsalubong sa kanya ng mga tuta ni Marie Curie. Wala syang binanggit na kung ano pa man na pwedeng masama ang pangalan namin ni Lorenzo. Kahit na medyo nakakaduda, hindi ko na pinansin, ayoko rin namang pag-usapan.
BINABASA MO ANG
Boy, It's Love
عاطفيةSeven Agustin is a simple, moody, easily annoyed, slightly nerd and an anime fan -- freshman college student. You can say that his life in one word can describe as 'ordinary'. He maybe has a cute lesbian friend and a third generation heir best frien...