[8] Mark

1.8K 112 150
                                    

-ASH-

"Uhm?" Xavier manly groan as he keeps on avoiding my gaze.

Nag-aayos na siya ngayon ng mga gamit dahil pauwi na kami.

Ay hindi pa pala. Magkikita pa kami ni Marko dahil pupuntahan namin ang condo na lilipatan namin. Balak sumama ni Xavier kaya naman ngayon ay nag-aayos na kami paalis.

"I. love. you.," sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Napatigil siya sa ginagawa niya at tumingin siya sa akin.

"Stop doing that. And stop staring, please." Sabi niya at ipinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa.

I just smiled. Kanina pa naman ako tapos sa pag-aayos kaya naman ngayon ay malaya ko na siyang matititigan.

"Wala akong pake kung mag-commit ako ng napakalaking kasalanan ngayon. Gusto lang kitang titigan. I love you Xavier, I love you so much." Sabi ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa ginagawa niya.

"I love you, I love you, I love you. Gusto ko lang 'yang sabihin sa'yo dahil gusto ko 'yung ginawa mo kanina. I really felt awkward with him and you saved me from that. At kung nagselos ka man, I just wanna tell you that I love you." Sabi ko habang nakatitig pa rin ako sa kanya.

Muli ay napatigil siya sa ginagawa niya. Tinanggal niya ang kanyang suot na salamit at saka siya tumingin sa akin.

I smiled at him sweetly.

He sigh. Unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin.

At nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong pisngi at saka niya ako sinunggaban ng halik.

It was torrid, and I suddenly became lost. Halos sakupin ng labi niya ang mga labi ko. Ang sarap ng ginagawa niya. Halos halikan din niya ang pisngi ko, ang baba ko. Hanggang sa ibaba niya ang paghalik niya sa aking leeg. I can feel his warm breath. His beard slightly tickling my neck.

I'm obsessed.

I placed my hand on his chest, then I pulled him closer to me.

"Fuck, Ash. Nakakaadik ka," he whispered, slightly panting.

Hindi ako nakapagsalita. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghalik sa matatamis niyang labi. Iginapos ko ang dalawa kong braso sa kanyang batok. Hanggang sa mapayakap na rin siya sa akin. He pressed his body against mine.

Wala na rin akong ibang nagawa kundi magpakalunod sa kanyang halik dahil ako mismo ay naaadik na rin sa kanya.



~*~

"Pag magjowa ba talaga kailangan mabagal kumilos? Kanina pa ako rito," bungad sa amin ni Marko pagkalabas na pagkalabas namin ng kumpanya.

Nagkatinginan lang kami ni Xavier then we both smiled with each other.

"Sorry, late natapos 'yung report ko kay sir Lincoln. Let's go?" Sabi ko sa kanya.

Nagsimula na kaming maglakad at medyo nagtaka naman siya nang mapansin niyang kasabay namin si Xavier.

"Gusto rin daw niya makita 'yung condo." Sabi ko na lang kay Marko.

"Bakit, pinipigilan ka?" Mahinang sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "O-of course. Ok na ako sa kanya eh."

"Sus. Sabihin mo na lang na napipilitan ka." Sabi niya.

"Hindi ako napipilitan. Gagawin ko talaga 'to." Sabi ko sa kanya.

Napapikit naman ako sa isip ko.

Hindi napipilitan.

The Rule Breaker Boss 2 🔄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon