-ASH-
Nakatitig lang ako sa gwapong pagmumukha ni Xavier habang nandito siya sa loob ng kwarto ko at pareho kaming naka-indian sit.
Pangiti-ngiti lamang siya. Para bang hindi siya guilty sa ginawa niya.
Bumuntong-hininga ako.
"Ako naman ang mayayari niyan ni Sarud panigurado." Sabi ko sa kanya.
Muli ay ngumiti lamang siya. "Ash, sinabi ko na sa'yo. I already informed him na mamayang hapon na ang virtual meeting dahil may mahalaga akong aasikasuhin." Sabi nya.
"Eh kasi naman, siya mismo nag-inform sa akin na 5am siya available which is 10am dito. Kung 3pm dito, 10am sa kanila. Baka busy na 'yon dahil diba, may sinabi siya regarding the deal sa Grandberry." Sabi ko.
He just raised his eyebrows, "Sabi naman nya 'that's completely fine dear, az long az itz yu'," he said, implying Arabian accent.
Pinanliitan ko siya ng mata, "Sinabi nya 'yun?"
He just chuckled. Napabuntong-hininga na lang uli ako.
"Well, gusto ko lang siguraduhin na safe kang makakapunta sa unit nyo. And also, baka marami kang dadalhin. I want to help you." Sabi nya.
"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan mo akong tulungan, o kailangan magkasama tayo. Look, I'm your secretary. Ikaw ang boss ko." I told him, at pinili ko na ang mga damit na dadalhin ko mula sa aking durabox.
Binuksan naman niya ang aking backpack na medyo malaki at ibinigay ito sa akin. Tinulungan din niya ako sa pagpili ng damit.
"That's part of your work. And this is part of my work as your boss. I have to be with you as much as all the time," he said.
"At kailan pa nag-exist ang ganyang rule?" I asked him.
"Matagal na. Sa isip ko." Sabi niya, then he winked at me.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Gusto ko sana siyang irapan pero ayoko, baka isipin nya ang childish ko.
Pero 'yung totoo, kinikilig ako sa sinasabi nya. At aminin ko man o hindi, gusto ko rin na palagi siyang nasa tabi ko. Gusto ko na palagi ko siyang nakikita.
Hay naku, Xavier. Para kang drugs na inuunti-unti ko ang paggamit. Konting-konti na lang maaadik na ako sa'yo.
No no no no. Adik na ako sa'yo, matagal na. Yiiiieeeee.
Napangiti naman ako dahil sa naiisip ko. Ano ba 'yan. Sa inaakto ko ngayon para akong literal na nakadrugs.
"Kilig?" Bigla niyang tanong.
Saglit ko siyang tiningnan, at agad ko rin naman itong iniiwas.
"Ewan ko sa'yo, Xavier. Isara mo na lang 'tong bag. Ang hirap eh," sabi ko sa kanya at ibinigay ko 'yung malaking bag na ang hirap isarado dahil masyado itong maraming laman.
"Labas lang ako. Kunin ko toothbrush ko pati 'yung iba kong hygiene." Sabi ko sa kanya. He just smiled.
Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Marko na topless, at kakatapos lang makaligo.
"Di ka pa tapos? Baka naman nagkantutan pa kayo ng boss mo?" Sabi niya habang nagtutuyo ng kanyang buhok gamit ang isang maliit na tuwalya.
"Gusto mong bayagan kita?" Banta ko sa kanya.
"Ano? Gusto mo bayag ko?" Pang-aasar niya.
"Tangina mo, hayop." Sabi ko na lang at hindi ko na siya pinansin. Nilagpasan ko na siya ng lakad dahil baka kung ano pang magawa ko kapag hindi siya tumigil sa pang-aasar.
BINABASA MO ANG
The Rule Breaker Boss 2 🔄
Romansa[BXB] 🔴 The Rule Breaker Boss 2 Formerly known as Dominance My life is just like watching a television series. Sa bawat pinanonood kong teleserye o pelikula, may mga partikular na senaryo akong gustong balik-balikan at ulit-ulitin. But the bestest...