[11]: Guilt

491 34 1
                                    

CHAPTER 11
Guilt
~*~




HARRIET





TATLONG araw na ang nakakalipas simula ng umatake ang mga rebels sa academy. At tatlong araw na din ang nakakalipas simula ng maratay sila Yuan at Alexa dito sa infirmary.

Sinabi kasi ng doctor na masyadong nabigla ang katawan nila sa nangyaring pag-atake. Kami lang daw kasing tatlo ang mga freshmen na nakasama sa nangyaring pag-atake. Lahat kasi ng freshmen ay nailikas sa isang ligtas na lugar maliban sa amin. Nabigla pa nga ang doctor na umasikaso sa amin for the past days na kasi mabilis daw ang paggaling ko. Lahat daw kasi ng first time natamaan ng dark energy ay nahihimatay at ang iba ay tumatagal pa ng buwan ang paggaling.

Pinunasan ko naman ang luha na tumulo sa pisngi ko at ikinulong ang mukha ko sa mga palad ko. Pinigilan ko ang mapaiyak pero hindi ko kinaya. I can laugh hard and at the same time, I can cry… hard.

Naramdaman ko naman na may humimas sa balikat ko at nakita ko si Alexus na nakatitig sa kapatid niya na nakahiga sa kama. Nakaupo naman ang ilang Elites kasama ang magulang ni Alexa at Alexus na naghahanda ng makakain.

"I-I'm sorry Alexus, it's all my fault. Kung hindi ko la—"

"Ssshhh, it is not your fault. Kasalanan ito ng mga rebels na umatake and don't blame yourself about it." Sabi niya habang pinapatahan ako. Tumayo na ako sa upuan at pumunta sa CR ng kwarto dito sa infirmary. Naghilamos lang ako at saka pinunasan ang mukha ko. I've been like this simula ng malaman ko na nakaratay pa din ang mga kaibigan ko. I cry and cry habang walang pasok sa klase. Kapag nag-iisa sa dorm at kapag nag-iisa ako.

Lumabas na ako sa CR at nakita ko naman si Tita Alessandria at Tito Martin na papalabas sa pinto. Nang makita nila ako, agad silang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Hija, don't blame yourself about what happened. Walang may kasalanan sa inyo. It is all because of that stupid rebels, okay? Tahan na." Pag-aalo ni Tita sa akin. Mayamaya, umalis na din sila at saka naman ako umupo sa tabi ni Seven.

"Tama ang sinabi ni Tita, Harriet. You shouldn't think na ikaw ang may kasalanan. Blame it on those rebels at palakasin mo ang kakayahan mo. And then, gantihan mo 'yung letseng leader nila." Sabi ni Toffer sabay subo sa apple. Napatingin naman ako sa kaniya at binigyan siya ng nagtatakang tingin sabay tayo.

"What did you say?! Gantihan?! You mean, nakatakas siya?!" Galit na saad ko sa kaniya. Napatayo naman siya at hinawakan ang magkabila kong balikat tapos pinaupo ako.

"Chill… oo, nakatakas 'yung isang rebels na mukhang leader nila pero… he's not an ordinary rebels na nakalaban namin. Sa tingin ko ay mayroon pang mga kasamahan 'yon." Sabi niya sabay hawak sa chin niya.

"Toffer's right. 'Yung mga kasama sa pag-atake nila ay mukhang napo-possessed. Their eyes are all black…" ipinutol naman ni Draco ang sasabihin niya saka napatingin kay Clark.

"They are under the possession of the Dark Society." Pagpapatuloy ni Clark sa nais sabihin ni Draco. Napatango na lang sila at halata mong naiintindihan nila. Pero ako ay hindi.

"Wait! Wait! Wait! Ano 'yung Dark Society na 'yan?!" Tanong ko sa kanila pero nilapitan lang nila ako at tinakpan ang bibig ko.

"Ssshhh." Pagpapatahimik ni Seven sa akin. Nakarinig naman ako ng pag-uusap sa isip ko.

"Matagal na naming hinala 'to simula ng mangyaring pagsabog malapit sa building seniors, noong sa bazaar." Kilala ko 'tong boses na 'to! Si Harrison!

Luna Academy: School for Vampires and WerewolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon