CHAPTER 40
The Queen
~*~NAGSIDATINGAN na ang mga wizards na siyang mamumuno sa gagawing ritwal. Nariyan na rin ang mga matataas na miyembro ng mga Dark Kingdom kasama na si Lord Shin, Lord Blake (na siyang kanang-kamay at tagapayo ni Lord Shin), at ang mga matataas na delegado mula sa iba't ibang panig ng mundo na inaabangan ang pagsilang muli ng reyna.
Agad na pumaikot ang mga wizards sa malapad na bato at saka lumuhod. Sila'y magsisimula na sa ritwal na gagawin upang maisilang muli ang reyna.
Lumapit naman si Lord Shin sa bato at itinarak muli ang punyal sa tagiliran ni Harriet. Matapos no'n, agad na inalis niya rin ito upang dumaloy ang masaganang dugo sa batong pinaghihigaan nila. Napaliyad naman si Harriet dahil sa sakit. Sakit na hindi niya maipaliwanag mula nang masaksak siya ng kaparehong punyal.
Ang punyal na siyang isinaksak kay Harriet ay ang siyang punyal na ginagamit sa pagpatay sa mga mistikal na mga halimaw noon. Gawa ito sa purong ginto at sa hawakan nito ay puno ng mga makukulay na diyamante na siyang nagpapaganda sa punyal. Ngunit ang kahit na anong ganda ay may itinatago ring kamatayan. Sa bawat ganda ng isang bagay, hindi maitatago na nakamamatay rin ito. Maihahalintulad nito ang reyna ng mga rogues. Ang kaniyang ganda ay maihahalintulad sa anghel ngunit kapag nakita mo na ang tunay na katauhan nito, masasabi mo na siya'y anghel ng kadiliman o kamatayan.
Agad na naghawak-kamay ang mga salamangkerong gagawa ng ritwal. Nagsimula nang bumigkas sila ng mga salitang hindi pa napakikinggang ng kahit sino. Isang salitang itinatago pa mula sa kadiliman.
Halos bumulong lang sila habang nakapikit ang mga mata. Itinaas nila ang kanilang mga kamay senyales na nagsisimula na ang ritwal. Agad na humarang ang mga kawal sa maaring pasukan ng mga hindi bisita dahil siguradong maabala nito ang ritwal.
Nanonood lamang ang mga delegado mula sa itaas na palapag. Kitang-kita mula doon ang mga nangyayari at ang iba'y bakas na bakas sa mga mukha ang kasiyahan na makita muli ang reyna, ngunit ang iba'y seryoso lamang na nakatingin sa ginagawang ritwal. Dunadaloy na ang dugo ni Harriet sa bato at ang mga lengguwaheng nakasulat doon ay umiilaw na rin. Tanda na nagsisimula nang magising ang reyna na tinatawag mula sa kadiliman.
Samantala, ang sugat naman sa tagiliran ni Harriet ay humihilom na. Ngunit, nag-iiwan ito ng itim na bakas ng isang bulaklak na animo'y usok na kumakalat. Wala nang malay si Harriet ngayon samantala si Clark naman ay nakahiga lang din. Hindi niya maigalaw ang katawan ngunit rinig na rinig niya ang mga nangyayari sa paligid niya. Wari bang nasa loob siya ng isang boteng napakasikip na kahit pagmulat ng mata niya ay hindi niya kaya.
'Where's Harriet?' Tanong niya sa kaniyang isip. Pinilit niyang imulat ang mga mata ngunit hindi niya kaya.
Nagulat na lamang ang lahat nang biglang may sumabog sa labas. Napakalakas ng pagsabog na ito kung kaya't bahagyang lumindol pa sa loob ng chamber hall.
"Check on that. Hindi pwedeng maabala ang ritwal." Maawtoridad na wika ni Lord Shin. Agad namang sumunod ang mga kawal sa pamumuno ni Peter at ng iba.
Agad namang lumapit ang isang delegado na mula sa iba pang bansa. "Lord Shin, we don't want to meddle in your business to the Luna Academy. We just want to watch the ritual for the queen but maybe, we can meet her soon." Sabi ng isang matanda kay Lord Shin.
Agad namang nandilim ang paningin ni Lord Shin at tiningnan ng masama ang delegado.
"No one will be leaving." Matatag na utos nito sa matanda kung kaya napatango na lang ito.
BINABASA MO ANG
Luna Academy: School for Vampires and Werewolves
Fantasy"Welcome to Luna Academy! Where you can train and enhance your skills and abilities as a vampires and werewolves." *** Harriet Ysabelle Dixon, an orphan and a simple girl found herself that she is not normal. Instead of overreacting, she accept it w...