"Uhm... Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Napakamot ako sa sarili sa hiya. Pamilyar ang pakiramdam ko sa kaniya, na para bang matagal ko na siyang kakilala.
"I'm Evangeline,"
Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng tunog ng ringtone ko. Magkasalubong ang kilay kong inabot 'yon at padabog na sinagot ang tawag.
"Hello?!" Galit kong tanong dahil sa umistorbo sa panaginip ko.
"Ano? Ikaw pa ang may ganang magalit?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang may atraso sa akin?!"
Napabangon ako ng di oras nang mapagtanto kung sino ang nasigawan ko. Napapikit ako nang nariin at napamura sa katangahan.
"Uh— sorry, hon. Hindi lang maganda ang gising ko. I'm sorry. Babawi talaga ako, promise!" Pikit mata kong paliwanag kay Aniel. Nakalimutan ko kasing monthsary namin kahapon, nagtampo siya at nagalit sa akin. Natural.
"Bahala ka sa buhay mo!" Galit na aniya, saka pinatay ang tawag. Matunog akong napabuntong hininga at muling humilata na nakatitig sa kisame.
"I'm Evangeline."
Nagbalik sa alaala ko ang pangalan na iyon. Napakunot ang noo ko. Ang sabi ng marami, madalas nakakalimutan ang mga bagay sa panaginip. Pero bakit hanggang ngayon ay naaalala ko ang pangalan ng babaeng nakilala ko ro'n? Ang mukha niya lang ang tanging hindi ko maalala.
"For the girl I love the most." Sabay abot ko kay Aniel ng isang bungkos ng pulang rosas. Sa una ay sinamaan niya ako nang tingin ngunit nang tanggapin niya iyon ay hindi niya naitago ang ngiti.
"Alam na alam mo talagang madadala mo ako sa ganito eh!" Umikot ang mga mata niya at niyakap ako. Nakangiti ko iyong tinugon.
"Pangako, hindi na ako makakalimot." Malambing kong suyo.
"Dapat lang! Makakatikim ka talaga sa akin 'pag inulit mo pa!" Banta niya.
Kumain kami matapos iyon, kwento siya ng kwento tungkol sa mga bagay na hindi man lang maagaw ang atensyon ko. Okupado ang isip ko ng babaeng nagngangalang Evangeline na hindi mawala sa utak ko. Sa tuwing matatahimik o matutulala ako ay iyon ang naiisip ko, para bang ibinubulong iyon sa akin. Sa tuwing babanggitin ko ang pangalan niya ay para bang gusto ko ulit siyang makita.
Hindi naman siguro ito matatawag na pangchi-cheat dahil lang sa babaeng nakilala ko sa panaginip, hindi ba?
Sa hindi ko malamang dahilan, nanabik akong matulog kinagabihan. Bukod kay Aniel, ang misteryosong babae sa panaginip ko ang tanging dahilan ng mga pagngiti ko.
Shit! This is wrong, right?
Napahinga na lang ako nang malalim. Kampante pa rin ako dahil hindi naman iyon ang realidad. Mahal ko si Aniel. Hindi ko siya kayang saktan. Dahil sa lubos na pag-iisip, hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
Dinadama ko ang sariwang hangin habang nakapikit. Narito na naman ako sa paborito kong lugar sa panaginip, sa isang malawak ngunit hindi patag na damuhan, may iba sa parteng ito ang nakaumbok. Nakapaligid dito ang malawak na lawa, mayroong isang malaking puno doon. Sa kaliwang banda ay natanaw ko ang mga kambing na kumakain ng damo. Napaka-payapa ng lugar na ito. Maganda ang sikat ng araw ngunit hindi iyon nakapapaso sa balat.
At ang pinakapaborito ko sa lahat, dito ko rin nakilala ang misteryosong babae na iyon. Si Evangeline. Napalinga-linga ako sa paligid para hanapin siya. Tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga ibon at pag-ihip ng hangin na sinasayaw ang mga dahon sa mga puno ang naririnig ko. Nadismaya ako nang mahindi ko siya masumpungan.
![](https://img.wattpad.com/cover/219190148-288-k441182.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT Love Stories
RomanceDifferent Kinds of Love Stories you'll surely love and hate. © All Rights Reserved 2020