"Her Side"

12 1 0
                                    

[In My Dreams Part 2]

Salubong na ang mga kilay ko habang nakahalukipkip na naghihintay sa isang restaurant na napag-usapan namin. Muli akong sumulyap sa suot kong relo, isa't kalahating oras na siyang late!

"Sorry I'm late." Sa wakas ay dumating din siya. Umupo siya sa kaharap kong silya habang seryoso ang tingin ko sa kaniya.

Pinagmasdan ko lang siyang tulala na naman na tila laging malalim ang iniisip. Minsa'y nahuhuli ko siyang bigla na lang napapangiti habang tulala sa kawalan. Mag-iisang buwan ko na siyang napapansing ganoon, lalo na sa tuwing nagkukuwento ako sa kaniya kahit alam kong wala ng kwenta ang sinasabi ko madalas. Ginagawa ko iyon para makumpirma ko kung interesado pa ba siyang makinig sa akin o sa madaling salita, kung interesado pa ba siya sa akin. Kung titignan niya pa ba ako na puno ng pagmamahal tulad noon.

Ngunit unti-unti, napapatunayan ko nang naglalaho na iyon. Dahil alam kong hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Hindi na ako ang dahilan ng pagkislap ng mga mata niya. Hindi na ako ang laman ng puso niya...

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" Seryoso tanong ko, pilit na itinatago ang sakit na nararamdaman ko at ang pagsikip ng dibdib ko.

Natauhan siya mula sa malalim na pag-iisip at nagbaling ng tingin sa akin. Pinanood ko siya habang nag-iisip muli, sa pagkakataong iyon ay lalong nanikip ang dibdib ko. Nakalimutan niya. Nakalimutan na niya. Ang sabi niya ay babawi siya. Hindi ko inaasahang ganito pala ang pagbawing tinutukoy niya. Pinigil ko ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko, nanatili akong seryoso sa harapan niya.

"H-happy monthsary, hon." Nag-aalangang bati niya. Nang hindi ako sumagot ay napansin ko ang bahagyang pagkabalisa niya.

"Let's break up." Diretsong wika ko. Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon nang hindi nababasag ang boses ko. Bahagya siyang nagulat dahil sa winika ko ngunit ang mas lalong humukay ng sakit sa puso ko ay ang nabasa kong kislap sa kaniyang mga mata dahil sa kaalamang nakikipag-hiwalay na ako.

'Bakit? Bakit, Harry?'

"Aniel..." Hindi ko mawari ang itsura niya, ang sigurado ko lang, ako lang sa aming dalawa ang higit na nasasaktan.

"I'm not dumb, Harry! Nagiging malamig ka na sa akin! I don't like it! I can't take it! I don't deserve it!" Hindi ko na napigilan pa, sumabog na ako. Sumabog na ang nararamdaman kong matagal ko ng ikinukubli at ipinagsasawalang-bahala.

Napayuko siya dahilan para hindi niya makita ang unang luhang pinahid ko nang dahil sa kaniya. Ngunit agad ko iyong pinigilan, ayokong ipakita sa kaniya kung gaano ako nasasaktan ngayon. Dahil sa oras na bumigay ako, ako ang talo. Ako ang mas magmumukhang dehado, kaawa-awa.

"Ayokong nang magtanong kung may iba na, eh sa'n pa ba pupunta 'di ba?! Let's end this."

'Please, No. Fight for me, Harry... 'Wag mo 'kong iwan...'

Taliwas ang sinasabi ng bibig ko sa sinasabi ng puso ko. Hinihintay ko lamang siyang kumontra, gusto kong pigilan niya ako, gusto kong humingi pa siya ng isa pang pagkakataon para sa aming dalawa, gusto kong tignan niya muli ako na may pagmamahal... O kahit wala na. Kahit awa na lang, humingi lang siyang muli nang pagkakataon para sa aming dalawa. Tatanggapin ko ulit siya. Ganoon ko siya kamahal. 'Ganoon ako katanga.'

"I'm sorry..." Nakayuko pa ring aniya. Madiing napakuyom ang kamao ko, hindi ang mga salitang iyon ang gusto kong marinig ngayon. Tila mga palasong magkakasunod na tumatama iyon sa dibdib ko. Sobrang sakit. T*nginⓐ!

"Goodbye, Harry." Hindi ko na kinaya. Gumaralgal na ang boses ko. Hindi man lang niya ako nagawang tignang muli. Pagtayo ko ay agad na nanlambot ang mga tuhod ko, agad akong napakapit sa silyang nasa tabi ko at natutop ang bibig ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon