"Ay, putakti!" malakas na naibulalas ni Yana ng may malakas na pwersa na tumulak mula sa kanyang likuran.
Sanhi upang mawala ang kanyang balanse sa pagkakatanghod.Subalit bago pa mangudngod sa lupa ang mukha niya ay may mga brasong pumulupot sa kanyang baywang na nagpanatili sa kanyang pagkakatayo.
"Are you alright?..." came a baritone voice behind her.
Sa kabila ng eratikong tibok ng puso niya ay nagawa parin niyang tingalain ang taong halos nakayakap na sa kanya.
Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago nakalma ang sarili at nang rumehistro sa isip niya ang mukha nito ay mabilis na kumawala siya sa mga bisig nito. Dahilan upang tuluyan siyang mapaupo sa lupa.
Nagtatakang nakatingin ito sa kanya. Na tila ba sinisino nito kung nagkakilala na ba sila dahilan upang mapalunok siya.
"Po?!.." naiilang na sabi niya sabay tayo at pagpag ng alikabok na kumapit sa maluwang na pantalong maong na suot niya.
"Tina tanong kita kung ayos ka lang ba?" matiim ang pagka katitig ni Ross sa babae. Wala siyang nata tandaang nakaharap na niya ito. Lahat ng mga anak ng tauhan niya sa farm ay kilala niya maging yaong mga nasa Maynila na nag sisipag aral. At ang babaeng ito ay hindi.
"Opo. Salamat po. Excuse me po." sabay sabay na nabigkas ni Yana. Sadya niyang iniwasan na mahagip ng tingin ang lalaking batid niyang matiim ang pag kakatitig sa kanya. Nag mamadali siyang tumalikod at lumakad palayo rito.
Aktong pi pigilan ni Ross ang babae ng siya namang pag tunong ng cellularphone na nasa likod ng bulsa ng pantalon niya. Nang mabasa kung sino ang tuma tawag ay mabilis na sinagot iyon habang hatid tanaw ang pa palayong babae.
"That's bullshit, Tito Fernando!" nanga ngalit ang bagang na sabi niya sabay bagsak ng mga dokumentong hawak sa ibabaw ng mahogany desk sa library ng bahay ng kaibigang matalik ng kanyang Ina. Ironically ito rin ang tuma tayong legal counsel nang kanyang biological father. He is almost a father to him bukod sa talagang malapit ito sa kanyang yumaong Ina. Ipinag tataka niyang labis na naging kaibigan nito ang father niya.
Pinigil niyang umalpas ang galit na matagal ng nama mahay sa dibdib niya.
Nani niwala siyang dapat pairalin ang diplomasya sa anumang pagka kataon. He prided himself for having a control over his emotions subalit ang mga naka saad sa dokumentong nabasa niya ay sapat upang kumawala ang galit niya."I know its not fair for your father to do this, but somehow I could understand his predicament." malumanay na pahayag ni Fernando. Maging siya ay tutol sa naka saad sa mga dokumento subalit ng makita niya ang konsekwensya ng desisyon maaaring gawin ng mga ka Anak ni Ross sa bahagi ng Ama nito ay napag tibay niyang may basehan si Emilio, ang Ama nito upang gawin ang huling habilin.
Lalong nag igting ang mga bagang ni Ross sa pigil na galit. Akmang magsa salita siya ng unahan siya nito.
"Hindi sa kung ano pa man. Hindi gagawin ng Ama mo ang bagay na ito kung alam niyang walang magandang kahihinatnan." tinungo nito ang pinto at binuksan.
Subalit huminto ito bago tuluyang lumabas at nilingon siya.
Matiim na pinaka titigan." You are a good boy Ross. He maybe many things to you, but he loves you in his own way." Bumuntong hininga ito
" He said you are responsible at a young age, and definitely will grow as an honorable man and sadly, will never be in need of him. He believes so much in you. And so do I." at tuluyan ng lumabas ng pinto.
Wala sa loob na napa upo siya sapo ng magka bilang kamay ang kanyang ulo. Marahas niyang nahigit ang hininga at mariing ipinikit ang mga mata.
He fealt cheated.
Defeated.
BINABASA MO ANG
Dahil May Isang Ikaw
Romansa"I become a whole person dahil sa isang ikaw. No endearment could surpass the meaning of your name in my life!".....Ambrose Araullo