Chapter 6

21 4 0
                                    

“Uy, bakit ganyan ang itsura mo?” ani ni Marita.

Tapik sa balikat ang nagpa tingala sa kanya. Wala sa loob na inabot ang isang tangkay ng tubo mula rito. Sabay ibinulsa ang hawak na cellphone.

“Ang pasaway ko kasing madrasta sinumpong na naman ng sakit.” Nagngi ngitngit na sabi niya sabay kagat sa tubong hawak.

“Naka! Sinaniban na naman yang mangkukulam na si Rowena? Eh teka si Andy asan?!” nag aalalang sabi nito.

Ang atakeng tinutukoy nito ay siyang pananakit ni Rowena kay Andy tuwing nalalasing ito.

“Okay naman si Andy ngayon, ayun at nag punta kayla Cecil. Sabi ko duon muna siya tumigil.” Malungkot na sabi niya.
Nagalala parin siya para kasing hindi lahat sinabi ni Andy ang totoong dahilan kung bakit ito napilitang pumunta kayla Cecil.
Nagngi ngitngit na sinakal niya ang tubong hawak. Ini imagine na leeg iyon ni Rowena.

Napatingin naman ito sa ginagawa niya. “Sipsipin mo saying ang katas.”

“Mas mainam na nanduon siya kayla Cecil, di siya pababayaan ni friendship.”

Matagal na silang magka kaibigang tatlo. Sila ni Cecil ang napadpad sa maynila samantalang si Marita ay gusto ang buhay probinsya. At hindi niya masisisi ang kaibigan. Kung ganito kaganda ang pamumuhay sa Araullo farm malamang naisin din niya rito nalang manatili.

“Yans, ipa salvage nalang kaya natin yang madrasta mo?” seryosong baling nito sa kanya.

“Oh, kaya naman ipa kidnap for ransom mo?!” napapitik pang sabi nito.

“Tse! Eh di ako pa nag tubos dun!”

“Wala namang pera yun noh!” nagmamaktol na sabi niya. Malakas silang nagka tawanan.

“Haaaayyy naku friend, pasasaan ba at maiuuwi mo narin dito yang kapatid mo.” Hinagod nito ang likod niya sabay pisil sa balikat niya

“Pag andito na si Andy paka mamahalin yan ng mga Itay at Inay, baka nga ma spoil nayan eh.

“Alam mo naman. Sabik sa apo ang mga parentis naten….hahaha!!!”
“Tara lets, uwi na tayo!” hila nito sa kanya.

******

Malapit na sila sa bakuran ng mapuna niya ang Strada na naka himpil sa gilid ng bakuran ng mga ito.

“Oh, bakit ka nahinto?”takang tanong ni Marita Napansin din pala nito ang sasakyang nakahinto.

“Kanino yan, Mars?” alanganing tanong niya. Nakadama siya ng kaba. Parang may ideya na siya kung kanino iyon.

“Kay Sir Ross yan, rough road kase rito kaya yan ang dala pag nagawi dito sa amin.” Patuloy nito sabay bukas ng gate na kawayan

”Tatlo ang sasakyan ni Sir, kung nakaikot ka sa Villa nasa likod lahat naka parada. Yung isa nakita muna. May isa naman nakalimutan ko ang tawag pero pag naluwas lang sa city si Sir ay yun ang gamit.”paliwanag pa nito bago tuluyang pumasok sa bahay.

Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob. Bakit ba kase bigla siyang kinabahan. Sigurado naming hindi siya ang sadya ng amo nila.

Nadatnan niyang nasa kalagitnaan ng paguusap ang amo nila at si Mang Aldo. Iniiwas na mapatutok ang tingin sa among naka upo sa pang apatang kawayang sofa sa gitnan ng sala nila Marita.

“Magandang hapon po Sir, ..” atas ng kagandahang asal ay bumati siya sabay lapit kay Mang Aldo at nagmano sa matanda.

Akmang tutunguhin na niya ang papuntang kusina ng banggitin ni Tatay Aldo ang pangalan niya. Lihim tuloy siyang napangiwi.

Dahil May Isang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon