“Nakalimutan ko.” bagot na sabi ni Ross sabay sandal ng ulo sa upuan ng sofa at mariing ipinikit ang mga mata.
Marami siyang trabahong kinailangang tapusin and having a headache is the last on the list.Napapangiting dinampot ng kaibigan slash accountant niya ang mga papeles na tapos na niyang pirmahan at asikasuhin. Mga benepisyo at pasahod ng mga tao ng farm. Matapos suriin ay ipinasok na ni Samuel ang mga iyon sa dalang mailmans bag. Napailing iling ito. Hindi niya magawang sisihin si Ross kung makalimutan man nitong pagtuunan ng pansin ang social life nito. Ang trabaho sa farm ay hindi biro. Kaya naman matagal na niyang iminungkahi sa kaibigan ang pagkuha ng makaka tuwang nito dangan nga lang at babae ang karaniwang aplikante na siyang tinu tutulan nito.
Mas abala ito sa pakiki pag transaksyon sa negosyo kesa pag tuunan ng pansin ang imbitasyon ni Helena, ang anak ng isa sa mga kaibigan ng yumaong ina nito. Helena was both their childhood friend. At hindi lingid sa kaalamanan ng mga nasasakupan ni Ross ang mithiin ng dalaga na maging bahagi ng Araullo farm bilang may bahay nito. Lamang ay alam ni Ross ang lihim niyang pagtingin sa dalaga marahil iyon ang dahilan kaya ni minsan ay hindi pinansin ni Ross ang mga pasaring nito.
Naka sentro ang buong atensyon nito sapag papalago pa lalo ng lupaing minana sa ina. Alam din niyang pinaha halagahang lubos ni Ross ang mga tapat na tauhan ng yumaong ina kaya naman nag pupursige ito ng husto upang umunlad pa lalo ang kabuhayan na panama ng ina.
Isa siya sa huma hanga ng lubos sa kaibigan sa pagpa payaman ng kabuhayang marami ang umaasa.
Bilang accountant nito hindi lamang ang farm ang tanging kabuhayan nito. May mga negosyo rin ito na labas sa agrikultura. Bilib siya rito dahil gaya na lamang ng pag aari nitong resort karamihan na ay ang mga tauhan nito ay siya ring mga kaanak ng mga tauhan sa farm nito. May hardware store din itong pag aari pero ang lahat ng negosyong iyon ay napa pangasiwaan nito ng maayos.“Da daan ako sa kanya mamaya pagkatapos kong asikasuhin ito. Gusto mo bang daan kita dito?”
Nagmulat ito ng mga mata sa sinabi niya. Ini unat ang katawan mula sa pagkaka sandal sa sofa. Dinampot at isinuot ang eyeglasses hudyat ng pag babalik atensyon nito sa mga papeles na nasa mesa, pagkuway tinitigan siya ng matiim.
“Bat ba ayaw mo pang pakasalan yang “mahal” mo at nang maitali mo na siya sa tadyang mo. Nang sa ganun naman ay matahimik tayo pare-pareho.” seryosong sabi ni Ross
“Ouch!.. Ha..haha!!” kunway sapo niya sa dibdib “Alam mo naman na ikaw lang ang gusto—este mahal ng babaeng yun”
“Mahal??..my ass!” nakakalokong sabi ni Ross
“Sssshh… wag mo ilakas..!” natatawang sabi ni Samuel.
Sabay kindat sa kaibigan at natatawang tuluyan ng lumabas ng study room.
*****
Kalalabas lamang ni Samuel ng tumunog ang telepono na nasa malaking mahogany able sa gitna ng study room niya.
This is one of those times he wish he has a secretary in the house. Kapag ganitong sa mismong bahay niya tumatawag ay malamang pam pamilyang bagay ang sadya. Tina tamad na tinungo niya ang desk at inabot ang landline.
“Hello?..” his answer was nothing but polite.
“Ross?.. si Tita Sonia mo ito.” Ito ang panganay na kapatid ng Ama niya.
I Bet! Inaasahan na niya ang pagtawag nito. She’s fast compared to his father’s other siblings. Marahil nagawa nitong malaman ang nilalaman ng testamento ng ama niya. He could give her credit for that.
Anyway, money has a strong driving force. Forcing people to be greedy.
Ang malaking salaping iyon ay may katumbas na malaking responsibilidad. At nais niyang marinig ang panig ng tiyahin.
“I guess, nalaman nyo na agad ang nakasaad sa last will ni Renato?” kung patuya man ang pagka kasabi niya ay wala siyang pakialam.
“Y-es. Ahhh…..” atleast she has the grace to be embarrassed.
Nagpatuloy ito at hindi na nag paliguy ligoy pa.
“Mauunawaan ko kung tatangihan mo ang bagay na ito Iho, and no one can blame you.”Na tila ba nau unawaan nitong lubos ang sitwasyon niya.
He fought the urge to laugh and slammed the phone down at the same time.
“Binata ka at masyadong abala sa lupaing pag aari mo. Gusto kong malaman mo na handa ako akuin ang resposibilidad sa batang yon.” Tila pa nagma malaking sabi nito
Batang yon?!
Hah!
Ni hindi nito mabigkas ang pangalan nang anak ng ama sa legal nitong asawa. Na tila ba ibang tao ang pinag uusapan nila at hindi ang welfare ng pamangkin nito.
As if deliberately referring to the child as a thing that could easily be disposed of!
And frankly this conversation is getting to his nerves!
“Tita Sonia, at this point I have’nt yet had the opportunity to ponder the stipulations written in the documents.”
“Pero Iho, hindi mo na kailangan pang pag isipan ito. You are a bachelor, magiging abala lamang sa iyo ang bata.” Naiiritang sabi ng nasa kabilang linya.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito.
“All I can tell you right now is that, I’ll let you know once I made my decision.” Mahinahong paliwanag niya.
Hindi niya gusto maging bastos kahit na nga ba maituturing na kabastusang ang panghihimasok nito sa habilin ni Renato.
Kung sino man ang nagbigay ng impormasyon ukol sa mga dokumentong naiwan ng ama ay natitiyak niyang hindi galing kay Tito Fernando na siyang nag sisilbing legal counsel ng ama.
“And Tita, please save the others to trouble themselves in calling me about this. As I’ve said, once I made my decision and rest assured it’ll be final!”… pagdidiin niya upang maiparating ditto ang mensaheng ibig tukuyin.
“I will let you All know, and you Tita Sonia will be the first on the list! Good bye!” sabay lapag ng telepono sa cradle nito.
Mariin siyang napa pikit.
Kasabay ng mariing pagpisil sa batok.
“Mother, if you love me still you’ll send an angel for me to rely on.”
BINABASA MO ANG
Dahil May Isang Ikaw
Romance"I become a whole person dahil sa isang ikaw. No endearment could surpass the meaning of your name in my life!".....Ambrose Araullo