Dahan dahan ang ginawang pagbukas ni Yana sa pinto. Hindi naka lock ang pintuan kaya hindi siya nahirapang pihitin ang seradura ng nito. Sabi ni Manang Mirriam nasa study room ng Villa ang “Amo” nila. Subalit nang pumasok siya sa loob niyon ay wala naman ang ina asahan niyang tao ruon. Kaya ipinasya niyang tunguhin mismo ang silid nito. Hindi mahirap hanapin dahil sa da dalawa lamang ang silid sa itaas ng malaking bahay na iyon. At naha hati lamang sa master bedroom at study o library room. Ang mga guestroom na maituturing ay nasa ibabang palapag na bahagi ng tahanan.
Kung siya ang ta tanungin napa kaganda o ideal ang ganuong istilo ng bahay. Maluwang ang ibabang bahagi na siya mismong nagsi silbing receiving room o living room. Sa palibot niyon ay apat na pinto na siyang guest room na may kanya kanyang comfort room sa bawat silid. Sa kanang bahagi ay ang daan kung nasaan ang main dining area at kitchen area. Sa kaliwang bahagi ang mahogany staircase ay ang paakyat sa masters bedroom na siyang pinaka malaking bahagi ng bahay. Batid niya iyon dahil minsan na siyang tumulong na maglinis ruon katuwang si Marita. Sa likod na bahagi ng bahay may ilang metro ang layo ay ang servants quarter na bakante.
Dahil may mga pamilya ang mga tauhan ay minabuti ng pinaka “may-ari” na huwag mag patuloy ng mga kasambahay sa likod ng Villa. Sa ka dahilanang ang amo ay nag iisa at binata pa. Hindi na minabuting kumuha ng kasambahay ng binata lalo pa at dalaga. Tanging nag pupunta lamang ang mga anak ng mga tauhan lalo na yaong mga dalaga kung may ruong okasyon o selebrasyon na gina ganap sa farm. Karaniwan na ang pag hahanda bilang pasa salamat sa magandang ani o fiesta ng bayan. Galante at bukas palad na maitu turing si Ross ng mga na sasakupan nito. Kaya naman hindi na nakapag tatakang halos dito na nag sipag tanda ang mga tauhan sa farm ng mga Araullo. Tanging ang ina lamang ni Marita ang nag sisilbing kasambahay nito. Sa umaga ay maghahanda ng pagkain at kada ikatlong araw lamang kung mag palinis ng tahanan si Sir Ross. Si Tatay Aldo ay susunduin ang asawa sa hapon mula sa pataniman upang sabay ng umuwi.
Sa kasamaang palad ay nag karuon ng emergency. Ang pinsan kasi ni Marita sa ama ay kabuwanan na at marahil ay ngayong gabi na manga nganak dahil sige ang paghilab ng tiyan. Kaya naman sinundo nila ang Inay Mirriam sa malaking bahay dahil may alam ito sa pag papa anak. Kasama si Marita ay tinungo ng mga ito ang bahay ng kamag anak. Ibinilin nito sa kanya ang mga dapat niyang gawin at sinabing ipapasundo nalang siya kay Timong. Gusto sana niyang tumutol sa nais nito subalit nahihiya siya. Isa pa hindi naman siya ang ka anak kaya ano ang maitutulong niya. Lihim niyang kinastigo ang sarili sa pag aasal bata niya. Isa pa nata tandaan naman niya ang daan pabalik sa tahanan nila Marita. Ang talagang problema niya ay kung pa paano paki harapan ang amo.
Minabuti niyang puntahan na ito at nang maka kain na ito upang sa gayon ay maka alis na siya. Nahinto ang akmang pag tawag niya sa pangalan ng amo ng matantong madilim ang loob ng silid. Baka naman umalis ito ng di nila alam at nag pahangin sa labas. Kaya marahil ay hindi nito marinig ang pagtawag niya.
Akmang isa sara nalang niya ang pinto ng silid ng may maulinigan siyang tunog na nagmumula sa isang bahagi ng silid. Tila ba iyon ungol o ano.
Bigla ang kabang naramdaman niya. She knows it is crazy to be afraid of ghost’s pero hindi niya mapigil ang sarili. Ang masama pa ay may katalasan pa ang pakiramdam niya. Madalas niyang asarin ang sarili to compensate for her mere blindedness, medyo malabo kase ang paningin niya. And she hates wearing eye glasses.
Training herself to be more attuned to the noise, para lamang malamang panaghoy iyon kesa sa ungol. Bigla ang pagsagi ng amo sa isipan niya. Isa pa sa hindi niya ipang kakapuri sa sarili ay ang mabilis na daloy ng kanyang kaisipan. Malikot ang imahinasyon niya.
And before she was aware of it ay narating na niya ang balcony ng malaking silid.
BINABASA MO ANG
Dahil May Isang Ikaw
Romance"I become a whole person dahil sa isang ikaw. No endearment could surpass the meaning of your name in my life!".....Ambrose Araullo
