Nang matapos niyang makausap ang kaibigang si Cecil ay pilit na kinalma ni Yana ang sarili.
Dahil kung paiiralin niya ang galit ay magiging padalos dalos siya at walang buting maidudulot iyon sa kanyang kapatid. Tinawagan siya ng kaibigan upang ipaalam na nasa bahay ng mga ito ang kapatid na si Andy.Nasa grade 5 na ito sa edad na walong taon. Sa public school ito nag-aaral malapit lamang sa tahanan nila. Hindi na ito kailangan pang sumakay upang makapasok sa paaralan kaya naman panatag siya kahit na malayo siya rito ay nakakapasok ito sa paaralan.
Siya ang sumu suporta sa pagaaral nito. Ang ina nito ay ikalawang asawa nang kanyang yumaong ama. Dalawang taong gulang ito nang pumanaw ang kanilang ama. Subalit mula ng ipanganak ito ay siya na ang nagsilbing ina nito. Kahit na nuon ay nag aaral pa siya ay nagampanan parin niya ang hindi kayang gawin ng tunay nitong ina.
Si Rowena, na ang tanging gusto lamang ay magliwaliw at umastang tila ba hindi ito isa nang ina. Ayaw man niya sa ikalawang asawa ng kanyang ama subalit hindi niya ito pinigil sa kagutushan naring hayaan ito kung saan ito magiging masaya. Kaya naman ng dumating si Andy sa buhay nilang mag ama ay laking pagpa pasalamat narin niya.
Dahil sa responsibilidad na gina gampanan niya kay Andy nabaling ang dalamhati niya sa pagkawala ng kanilang ama. Namatay ito sa isang banggaan sa pagitan ng taxi na minamaneho nito at isang driver ng truck na kasabayan nitong nakalikuan. Naging maayos naman ang kaso ng ama dahil parehas na accidente ang dahilan ng nangyari.Marahil kaya binigay ng langit sa kanya ang kapatid ay upang hindi siya mapagisa sa buhay sa sandaling mawala ang kanyang ama. Kaya naman lubos ang pagmamahal niya sa bata. Si Andy ang pinaka mahalagang bagay na nangyari sa kanya. Kaya naman hindi niya mapigil ang galit sa kaalamang pinag buhatan ito ng sarili pa manding ina. Ni hindi nga niya padapuan ng lamok ang bata tapos bubug bugin lang ito ng ina.
Para sa kanya ay maraming uri ng pag didisiplina subalit kahit minsan ay hindi siya napag buhatan ng ama maging ng tunay na ina.
Kaya naman hindi niya lubos maisip kung ano ang napangyari upang mapag buhatin ito ng kamay ni Rowena.
Mabait at masunurin si Andy.
At hindi ugaling makipag barkada.
Mas kinahiligan nito ang pag d-drawing ng mga cartoon character na napapanuod nito kesa ang gumala sa kung saan saan.Alam niyang sa simula pa lamang ng ipag buntis ito ni Rowena ay galit na ang babae sa bata. Dahilan narin sa una palamang ay ayaw na nitong ituloy ang ipinagbubuntis na nuong si Andy. Subalit nag banta ang ama niya na hindi na ito patutungtungin ng bahay sakaling ipa laglag nito ang anak. Kaya naman napilitan ang babae na ipagpatuloy ang pagbubuntis.
Isa si Rowena sa mga babaeng nasa beerhouse nag ta trabaho na nakilala ng kanyang ama. Nagka gutushan ang mga ito at kalaunan ay ipinasyang magsama. Kaya naman ng hindi na siya tumutol pa ng itira ito ng ama sa bahay nila. Subalit kalaunan ay nagbago ang maganda nitong pakita sa kanya.
Kaya naman hindi siya kahit kalian man nagging malapit dito. Kaya naman ng mamatay ang kanyang ama ay di na niya ipinagtaka pa ng humanap agad ito ng bagong makakasama.
At dahil sa naiwan lahat sa kanya ang mga naipundar ng ama at bilang legal guardian ni Andy, minabuti narin niya ang makasama nito ang sariling ina, dahilan para sa bahay nila tumira ang mas bata sa edad nitong kinakasama.Dahil sa sitwasyon nila kaya binalak niyang sa bayan nalang nila Marita sila ni Andy manatili. Gusto niya ng lugar kung saan makakapamuhay ng maayos ang kapatid. Gusto niyang magkaruon ito ng pamilyang masaya. Maramdaman nito sa batang edad ang mag karuon ng magandang childhood experience na maari nitong maibahagi sa magiging pamilya nito sa hinaharap.
Subalit ang sitwasyon nila ay hindi ganuon kaya naman napagtibay niya ang desisyong manatili na lamang kayla Marita kasama si Andy. Mabait at maasikaso ang mga magulang nito. Batid niyang magugustuhan ng mga ito si Andy kaya nag sisikap siya maka dagdag ng ipon upang makapag simula silang magkapatid sa bayan ni Marita.
Hindi siya panatag na iwan ang kapatid lalo pat batid niya ang ugali ng ina nito. Kaya naman bago umalis ay binilhan niya ng cellphone ang kapatid upang makontak siya nito sa anumang emergency.
Batid na niya ngayon kung bakit hindi naga gawang tumawag ng kapatid.
Nang masulyapan niya ang oras sa hawak na cellphone ay agad na nagdial ng numero ni Cecil upang makausap ang kapatid.Naka hinga siya ng maluwag ng may sumagot agad.
“Hello…. Andy?..” mahinahong sabi niya.
Kahit na tila madudurog ang hawak na cellphone sa higpit ng hawak niya.“A-Ate....?!” sagot nito.
Paos ang tinig nito kaya batid niyang galing ito sapag iyak.Gusto na namang sumilakbo ng galit niya.
Kung nasa harap lang niya si Rowena malamang na nagka sagutan na naman sila.
BINABASA MO ANG
Dahil May Isang Ikaw
Romance"I become a whole person dahil sa isang ikaw. No endearment could surpass the meaning of your name in my life!".....Ambrose Araullo