Nakatulala si Leviathan sa kawalan at patuloy na iniisip ang mga hakbang na dapat niyang gawin. Wala siya sa bahay niya, kundi siya ay nasa taas ng puno. Kanina pa kasi nag–iimbestiga ang mga pulis dahil namatay ang isang mayamang dayo.
Napakagat siya sa kuko ng daliri niya at masamang nakatingin sa isang pulis na napadaan malapit sa punong kinakalagyan niya. Mabuti na lang at gabi na at madilim sa pwesto niya.
‘Buti pa yung Bea yun, kahit namatay na siya, may mga taong nagmamahal pa rin sa kanya. Di katulad ko na, iniwan na nga ng magulang ko, wala pang nagbibigay importansya sa akin’
Napalakas ang kagat niya sa kuko ng daliri niya at nasira ito. May umagos na ring dugo sa kamay niya.
‘Tsk! Bwisit’
Malas talaga! Kailangan niya nang bumaba, kanina pa siya nakakaramdam ng tawag ni Inang Kalikasan. Ngunit kanina pa hindi umaalis sa pwesto ang pulis na iyon.
“Sino naman kasing nasa tamang katinuan ang papatay sa anak ng mayor?”
Napabuntong hininga ang pulis at magpapatuloy na sana sa paghahanap ng kung ano pa mang ebidensya, pero nakarinig siya ng kalukos. Nagmumula iyon sa may likuran niya.
Alerto siyang lumingon subalit wala na siyang nakitang tao o hayop. Ang mga halaman ay nasira at ang mga naggagandahang bulaklak kanina ay may bakas na ng tapak.
Kanina pa siya may kasama ngunit hindi niya man lang ito napansin. Binalot siya ng takot at kaba. Nanlamig ang buong katawan niya. Masyado siyang nagpakampante sa kakahuyan. Kailangan niya ng bumalik at i–ulat lahat ng ito.
Dumako naman tayo sa kasalukuyang tumatakbong si Leviathan. Ang damit niya ay mas nagutay gutay dahil sa mga nakausling sanga ng mababang puno. Ang braso at hita niya ay napuno ng maliliit na sugat ngunit hindi siya natigil sa pagtakbo.
‘Kainis! Kainis!’
Napahinto lamang siya sa pagtakbo noong napatid siya sa ugat ng isang puno. Nagkaroon ng gasgas ang tuhod niya, ang mga sugat niya ay nanatiling dumudugo. Sa kabila nun, hindi niya ramdam ang sakit ng sugat niya. Mas nasasaktan siya noong maisip niyang talagang nag iisa na lang siya.
Habang tahimik na tumutulo ang luha niya ay may narinig siyang ingay sa may bandang kaliwa niya.
“Sinong nandyan?”
Nanlilisik na napatingin siya sa direksyon na iyon. Namumula pa naman ang mata niya dahil kakaiyak niya pa lang. Ngunit katahimikan ang sumagot sa tanong niya.
“LUMABAS KA! LABAS!”
Hindi na niya napigilan ang sumigaw. Marahil ay isang hayop lang iyon at hindi naiintindihan ang sinasabi niya. Pero hindi mapanatag ang kalooban niya kapag hindi niya nakita ng mismong dalawang mata niya na hayop nga ang gumawa ng ingay.
Mabilis na naglaro ang imahinasyon niya. Isa ba ito sa mga pulis na naghahanap sa kanya at humahanap lang ng tiyempo? O isa ba ito sa mga hayop na gusto siyang lapain.
‘Patayin niyo na lang ako’
Tuluyan ng sumuko si Leviathan. Wala na rin namang patutunguhan ang buhay niya kaya’t ipinikit niya ang mata niya at nagpalamon na sa antok.
Kumaluskos ulit ang halaman at doon mabagal na lumabas ang mga insektong kanina pa nakatago. Ang mababalahibong malalaking gagamba, ang maliliit na lintq at ang mga may kalakihang daga ang lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Too Much Envy
Short Story❝Too much envy will lead you to create sin ❞ Bata pa lang ay halos isumpa na siya ng mga tao sa lugar nila. Kahit na lumaki siya ay parang lumala lang ang trato sa kanya. Para siyang nauupos na kandila na agad lalamunin ng dilim kapag napundi...