Matatakutin siya, alam ni Eric iyon ngunit sa gabing iyon, pinilit niyang tatagan ang loob niya. Para rin ito sa kaligtasan ng tao sa bayan nila at ng mga taong bibisita pa doon.
Sa kabilang dako, madilim na nang makauwi si Adan at naabutan niya pa si Leviathan na nagluluto. Nakangiti niyang binati ang dalaga bago siya dumiretso sa kama upang matulog na. Malamang ay busog si Adan at mahimbing ang tulog nito ngayon.
Inantay muna ni Leviathan na makatulog si Adan bago siya lumabas ng bahay. Nakatago sa bulsa niya ang isang maliit na patalim pati na rin ang halos isang dosenang pandikit ng sapatos.
Kahit madilim ay tama pa rin ang tinatahak na daan ni Leviathan kaya't mabilis siyang nakarating doon. Sa mukha ni Adan noong umuwi siya ay para bang pumayag na ang dalaga na maging magkasintahan sila.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago niya narating ang bahay na iyon. Ngunit hindi siya makapasok dahil nakasarado ang pinto. Mas maingay naman kapag binato niya ang bintana para mabuksan. Patay na ang mga ilaw at walang maririnig na ingay sa loob.
'Mukhang sasablay pa ata ako'
Nahirapan siyang gumawa ng paraan upang makapasok sa loob. Ngunit nang kalikutin niya ang seradura ng pinto ay may narinig siyang tunog. Bukas na ang pinto!
Dahan dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at mahinang itinulak ito. Kaagad itong bumukas kaya't pumasok siya doon at naghanap hanap kung saan natutulog ang dalaga. Nakarating siya sa kusina at nakita niya ang mga kutsara at tinidor.
May ideyang pumasok sa isip niya nang makita niya ito. Dinampot niya ang isang tinidor na nakalagay sa lababo. Pagkatapos niyang masiguro na nasa bulsa niya na lahat ng gagamitin niya ay ipinapagtuloy niya ang paghahanap sa kwarto.
"Sinong nandyan?"
Nanlaki ang mata ni Leviathan nang mapagtanto niya na may nagising na tao. Mabuti na lang at may dagang dumaan malapit sa kanila kayaʼt nakita nilang dalawa ito.
Hindi umalis si Leviathan sa pwesto niya. Hindi siya nakatago ngunit hindi rin naman siya makikita agad doon. Inaalala ni Leviathan kung nabanggit ba ni Adan sa kanya ang pangalan ng kaibigan nito.
'Grace' ang pangalan na naalala niya na laging sinasambit ni Adan noon.
"Bwiset namang itong daga! Istorbo. Akala ko may magnanakaw nang nakapasok"
Napa–irap si Leviathan sa kawalan sa inasta ng dalaga. Ang kamay niya ay ipinasok niya sa bulsa ng suot niya at kinuha ang tinidor. Gusto niyang itusok ito sa puso ni Grace kapag tinanggal niya ang laman loob ng dalaga. Pero mas maganda ata kung sa mata niya ito itatarak.
Sinaktuhan niya na nakatalikod si Grace at sinubukan na patulugin ang dalaga. Nang magtagumpay siya sa plano niya ay kinuha niya ang pandikit.
'Tutal, gusto mo namang dumikit ng dumikit, bakit hindi na lang kita idikit ng permanente?'
Ang walang malay na si Grace ay idinikit ni Leviathan sa sementadong lapag gamit ang pandikit sa sapatos. Linagyan niya rin ang labi ng dalaga upang makasiguro na hindi ito mag–iingay mamaya.
Aantayin niyang gumising si Grace upang pahirapan ito. Ngunit nagulat siya nang makarinig siya ng katok sa pinto. Napatigil siya sa ginagawa niyang paglalagay ng pandikit sa kamay ng dalaga.
"Tao po!"
BINABASA MO ANG
Too Much Envy
Short Story❝Too much envy will lead you to create sin ❞ Bata pa lang ay halos isumpa na siya ng mga tao sa lugar nila. Kahit na lumaki siya ay parang lumala lang ang trato sa kanya. Para siyang nauupos na kandila na agad lalamunin ng dilim kapag napundi...