'Kailan ba siya makakawala sa sumpang ito?'
Napakababaw man para sa iba ang mga dahilan at ang mga masamang gawa niya. Pero lahat ng iyon ay nagawa niya upang ilabas ang nararamdaman niya. Baka nga talaga nagkatotoo na ang mga sabi sabi sa kanya. Walang magmamahal sa kanyang buong pagkatao at tatanggapin ang mga pagkakamaling nagawa niya sa buhay niya.
Malungkot ang mga mata niya habang patuloy na tinitingnan ang dalawang tao sa loob ng bahay. Bukas ang bintana ng bahay at nakikita niya doon ang mga pangyayari sa loob. Ang mga paglalambing na ginagawa ng babae kay Adan na kailanman ay hindi kayang gawin ni Leviathan.
Mamayang gabi ay may magaganap na namang krimen na gaganapan niya. Para siyang nasa isang nakakatakot na palabas pero imbis na siya ang bida, siya ang gaganap na kontrabida at maghihiwalay sa dalawang taong nagmamahalan. Para siyang isang anay na sumisira sa kahoy. Dahil sa mundo niya, siya lang ang nandoon at wala nang iba pa.
Mabilis na lumipas ang oras at ang kalangitan ay madilim na. Ang pangalawang masamang balak ay isasagawa.
‘Hindi ako papayag na ako lang ang magdudusa’
Wala nang makakapagpabalik sa kanya, tuluyan na siyang nilamon ng inggit at ng kadiliman. Wala nang makakasagip sa kanya mula sa sakit na nararanasan niya.
Tulad ni Leviathan, ang mga pulis na patuloy na nag–iimbestiga ay kapwa mga hindi mapakali. Malakas ang kutob nilang may mangyayari ngayon.
Ang pulis na si Eric ay ang isa sa mga kasama sa pag–iimbestiga sa kasong ito. Siya rin ang pulis na muntikan nang makakita kay Leviathan.
Mag isa na lang siya sa buhay niya dahil iniwan na siya ng asawa at anak niya. Nabalitaan niya na lang na patay na ang asawa niya. Itinuon niya na lang ang atensyon niya sa trabaho niya at kapag may oras siya ay hinahanap niya pa rin ang anak niya.
Dahil sa galit na galit ang ama ng biktima, napilitan silang maghanap ng taong maaaring maging pansamantalang suspek, hinuli at ikinulong. Kahit na alam nilang mali ay wala na silang maisip na paraan. Mas malalagot sila kapag walang pinatunguhan ang kasong iyon. Medyo liblib kasi ang lugar nila at matatagalan ang mga magagaling na pulis at imbestigador na pumunta doon. Napilitan tuloy ang mag pulis na maging imbestigador din.
Matanda tanda na rin si Eric at matagal na siya sa bayang iyon. Naabutan niya pa nga ang panganganak ng ina ni Leviathan. Isa siya sa mga taong nagbibigay ng mga lumang damit sa dalaga o kaya’y nagbibigay ng pagkain.
Ngunit nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kilabot tuwing nakikita niya si Leviathan. Dumating na rin siya sa puntong pinaghihinalaan niyang ito ang pumatay.
‘Impossible naman na gawin niya iyon. Ano naman ang dahilan kung siya nga ang gumawa nun?’
Kahit anong isip ni Eric ay walang pumapasok sa isip niya. Isa sa mga napansin niya noong namatay ang dalagang dayo ay ang paraan ng pagkakapatay dito. May malaking sugat sa ulo, binalatan ang hita at braso, at ang bibig ay puno ng lupa at maliliit na bato.
‘Karumal dumal ang pagkakapatay’
Napailing siya sa naisip niya bago niya kinuha ang mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
Too Much Envy
Short Story❝Too much envy will lead you to create sin ❞ Bata pa lang ay halos isumpa na siya ng mga tao sa lugar nila. Kahit na lumaki siya ay parang lumala lang ang trato sa kanya. Para siyang nauupos na kandila na agad lalamunin ng dilim kapag napundi...