Envy 4

15 1 0
                                    

      Wala nang lakas si Leviathan sa mga oras na iyon kaya’t nanatiling nakahilata siya sa lupa. Nang makalapit ang mga insekto sa kanya, may biglang lumabas na lalaki sa mga damuhan.

       Binugaw niya ang mga insekto sa katawan ni Leviathan at ang iba ay pinatay niya. Kahit madumi ang dalagang nakahiga, binuhat niya ito at dinala sa bahay niya.

     Nakakubli sa mga kakahuyan ang bahay ng binatang nagligtas. Sa malayo ay parang kubo lang ito ngunit ay iba ang nasa loob nito. Ang labas ay kahoy ngunit ang loob ay sementado.

     Nang makapasok sila sa bahay ay inilapag ng binata si Leviathan sa isang higaan. Kinuha niya ang lagayan niya ng gamot at ginamot ang mga sugat sa katawan ng dalaga.

    ‘Bakit kaya siya nasa kakahuyan?’

     Hindi naman naimporma ang lalaki na mayroong namatay sa bayan nila. Lumayas kasi siya sa bahay nila at doon na nanirahan sa kakahuyan. Hindi siya nagsususpetsya at nangangamba na baka masamang tao ang niligtas niya. Sa pangangatwan kasi ni Leviathan, mukhang mahina ito at hindi kayang gumawa ng masama. Tumayo ang binata at lumabas ng bahay upang maghanap ng makakain.

     Tattlong oras ang nakalipas bago nagising si Leviathan. Nakaramdam siya ng kaba at mabilis na sinuri ang paligid niya.

    Nahuli ba ako? Sinong nagligtas sa akin?’

    Napansin niya ang mga pagkakabenda ng mga sugat niya. Tinangka niyang tumayo pero napaupo siya dahil nanghihina pa ang katawan niya. Huminga siya ng malalim at pinakinggan ang tunog na nanggagaling sa labas.

     ‘May paparating!’

     Tatayo ulit sana siya ngunit biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na may dalang prutas at gulay. Agad siyang nakita ng lalaki na balak niyang tumayo kaya’t ibinaba ng lalaki ang dala niya at pinaupo si Leviathan.

    “Gising ka na pala. Hindi pa magaling ang mga sugat mo”

     Kahit na nakailang salita na ang lalaki, hindi pa rin nagsalita si Leviathan. Wala talaga siyang balak kausapin ang binata.

    “Kung nagtataka ka kung sino ako. Ako si Adan, ang may ari ng bahay na ito”

    Blangko lang ang mukha ng kausap niya kahit nagpakilala na siya. Aakalain na nga sana ni Adan na walang kakayahan si Leviathan na magsalita. Nagulat na lang siya ng may binigkas ito.

    “Leviathan”

     Nagtaka si Adan dahil hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito.

    ‘Pangalan niya ba ito?’

     Dahil nagpakilala siya kanina, mukhang nagpakilala rin ang dalaga sa kanya. Sana nga at hindi siya nagkamali ng hula.

     Ngitian ni Adan si Leviathan at sinabing magluluto muna siya dahil alam niyang gutom na ang dalaga. Simple lang ang linuto ni Adan kaya’t mabilis siyang natapos.

   Gumawa rin siya ng lugaw at ipinakain ito kay Leviathan. Mas mabuti nang ito muna ang kainin ng dalaga lalo pa’t mukhang kanina pa siya nahimatay. Upang hindi mabigla ang tiyan niya.

    “Pagaling ka muna at ihahatid kita sa bahay mo kapag magaling ka na”

    Nakangiti si Adan kay Leviathan habang sinasabi niya ito. Kahit na mag–isa man si Adan sa bahay at minsan lang makisalamuha sa iba. Ayos lang sa kanya na mamalagi muna doon ang dalaga upang may makausap man lang siya.

     At doon nagsimulang makaramdam ng kakaiba si Leviathan.

Too Much EnvyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon