Chapter 16: That thing

77 3 0
                                    

Pagkatapos namin pumunta sa mall ni Vee, hapunan na'rin nung naka-uwi kami. Pgakadating namin ay nagmano na kami sa parents nya at kumain. Ang bilis ng araw bukas na pala ang balik namin sa Manila. Ako ang magliligpit ng mga pinggan ngayong gabi kaya sinabi kong ako na lang mag-isa ang gagawa tutal halatang mga pagod sila.

"Ma! nasaan yung flash light?" narinig kong sigaw ni Vee, napalingon naman ako nung maramdaman ko syang may kinukuha sa ilalim na cabinet sa kusina.

"Gotcha!" para pa'rin syang bata.

"aano ka?" I asked habang sinasabunan yung pinggan.

"Di ko alam,para kasing may gusto akong kunin sa basement" How come?

"Hintayin mo na ako, tatapusin ko lang to" Umupo naman sya at halatang may iniisip, inaalala nya siguro ang dapat nyang kuhanin. 

Pagkatapos kong maglligpit ay kinuha ko ang phone ko sa kwarto dahil may flashlight iyun. Inaya ko na sya sa basement at inalalayan sya pababa, wala panamang ilaw dito at mahihirapan syang hanapin ang kailangan nya.

Naghiwalay kami ng place, hinayaan ko na syang hanapin ang hahanapin nya tutal di ko na rin alam kung ano yun.

Itinapat ko agad ang light kay Vee ng marinig kong sumigaw sya, lumapit ako sa kanya , nakaupo na sya at nakatakip yung mga kamay nya sa  mukha nya.

"Ayos ka lang?"  she looked at me

"o-oo kaso may da-daga!" sigaw nya sabay takip ng mukha. Hbang yung isa ay nakaturo kung nasaan ang daga. Akala ko pa naman kung ano.

"Malamang may daga dito." I said tsaka sya tinulungan makatayo. Di na sana ako aalis sa tabi pero may nakita akong nagliwanag sa may gilid. Inaaninag ko kung ano yun at dahan-dahan lumapit dito.

Nakita ko ang isang white dress, pambata. Di ako nakaramdam ng takot o ano man. Bigla na lang sumakit ang ulo ko at di ko alam kung bakit bumabalik ang aksidenteng nangyari sa'kin noon.

"Ahhh" Ang sakit ng ulo ko.  Tinignan ko ulit si Vee and she's fine. Bakit ba ako nag-aalala?

Nakita ko ang lumiwanag kanina. Kinuha ko ito. 

Isang feather? 

Familliar ang bagay na 'to. Putol na feather ang hawak ko, nasaan ang kalahati. 

Kung hindi ako nagkakamali-- Hindi-- Impossible-- Pero pwede rin dahil hindi normal s---

"Basty , okay ka lang?" medyo nagulat ako ng magsalita si Vee sa likod ko humarap ako sa kanya at itinago sa likod ang nakita ko.

"Ano yan?" she asked at tinitignan kung anong hawak ko.

"W-wala, buntot ng daga nakita ko" 

"Ahhhhhh! yak! Ilayo mo sa'kin!" she said na takot na takot at lumayo.

"Itapon mo yan! Ihagis mo kung saan." utos nya.

Nilagay ko naman yung feather sa likod na bulsa ng pantalon ko.

"wala na" I said sabay pakit ng palad ko.

Napabuntong hininga naman sya , nakahawak pa sya sa puso nya.

"tara na, di ko alam kungbakit ako pumunta dito." sabay talikod nya. Sinundan ko sya palabas ng basement.

Di na ako nagsalita at dumiretso sa kwarto.

Bukas uuwi ako sa'min.

Umaga pa lang ay nagpaalam muna ako kila tita , Madaling araw pa lang naririnig ko na nagluluto sila.

Pagka-uwi ko naabutan ko si Tito na nakikipaglaro sa anak nyang baby sa sala. Ngumit lang ako at dumiretso sa kwarto ko.

Kinuha ko yung isang box sa drawer. Binuksan ko iyun at iba na ang pakiramdam ko. 

Kinuha ko ang laman ng box at ang feather na nasa bulsa ko, dahan-dahan kong pinagdikit ang dalawa. Sakto. 

Di kaya , nagkataon lang 'to? Maraming feather a mundo.

Nakuha ko ang feather na'to pagkatapos mangyari ng aksidente nung bata pa ako, I treasured it dahil iyun na lang ang ala-ala nila Daddy at ng kapatid ko. Pati na'rin sa taong nagligtas sa'kin. Naniniwala akong sa guardian angel ko galing yun, pero bakit nahati ito sa dalawa?

Tinitgan ko ang buong feather at unti-onti itong may lumalabas na liwanag, na parang glitters sa paligid, I  try not to close my eyes dahil baka may masaksihan akong di ko makita. 

"Hindi ka ba mags-stay dito?" pagkarinig ko pa lang ng boses ay agad kong tinago sa box ang feather at tumingin sa nagsalita, Si Tita , nasa pinto sya at nakahawak sa doorknob. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagalit sa hindi nya pagkatok.

"Kumatok ako" napansin nya siguro sa mga mata ko. Bakit hindi ko narinig ang katok nya, siguro masyado akong nag-focus sa bagay. Nababaliw na ako.

Tumayo ako hawak yung box at lumapit sa kanya.

"Napadaan lang po ako dito, babalik na akong Manila mamaya" Paliwanag ko at nagmano bago lumabas ng kwarto ko. Dire-diretso akong lumabas at ng makahanap na agad ng jeep ay sumakay ako.

Dapat hindi ako nagiisip ng kung anu-ano dahil malabong mangyari yun. Walang ganun sa totoong buhay. Baka nababaliw lang ako.

Binubuksan ko pa lang ang gate ng bahay nila Vee ay natawan ko na sya sa terries nila. Nkanuot ang noo. Lumapit ako sa kanya at tsaka pinisil ang cheeks nya.

"awww. Nangiiwan ka." sabay pout nya. Ang cute talaga ng babaeng 'to.

"What's that?" she asked while looking sa box na hawak ko.

"a- w-wala., Tara sa loob" aya ko at umakbay sa kanya.

Nag-ayos na ako ng gamit at quarte to 12 ay inilabas ko na ang bag ko sa sala. Halos magkasabay lang kami ni Vee dahil kalalabas lang din nya. Inaya na kaming kumain ng lunch bago umalis.

Pagkatos kumain ay nagpaalam na'rin agad kami.

Nag-jeep muna kami papunta sa terminal.

"Wuy! nahihiwagaan ako sayo ha, kanina ka pang ganyan" ako nga dapat mahiwagaan sayo.

I smiled at her. Para lang akong baliw. Sumakay na kami sa bus at sakto paalis na, buti nakaabot kami.

Di pa kami nakaka-layo y nakalagay na yung head nya sa shoulder ko. Wow head and shoulder. Tulog naman agad 'tong babaeng 'to.

"Vee" I paused.

"Wag mo akong iiwan ha." I whispered, alam kong tulog sya at di nya ako maririnig pero sinabi ko pa'rin.

"Pro-protektahan pa kita." dugtong ko.

Naramdaman ko ang paggalaw ng ulo nya. Tinignan ko sya kung nagising sya, buti hindi. Siguro kung narinig nya yun, iispin nyang nababaliw na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unknown Identity (Beyond Repair)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon