Chapter 10: Second time

113 6 1
                                    

“Yesss! Sembreak na!” sigaw ni Kurt habang papalapit sa’min sa park ng school. Then umupo sya sa tabi ng aso, I mean ni jake.

“Maligayang-maligaya ka ah” sabi ni Adrian

“Syempre! At least sa sandaling panahon di ko makikita yangpagmumukha nyo!” sagot nya habang tinignan kami isa-isa.

“Well same to you Kurt” pagtataray ni Cassy. Minsan lang ganyan yan, Pagbigyan hehe

At gaya ng dati, may kanya-kanya na naman kaming mundo.

“Vee, how are you?” seryosong tanong ni Cassy , napatingin si Jake sa’min.

“Ahh Okay lang , bakit?” tanong ko

“nothing, these past few days  , nagkasakit ka raw ei” Nagtaka naman ako, kung paano nyo nalaman yun? Ah maybe syempre kaibigan nila ako ha-ha.

“Paano nyo---?” di ba natapos ang itatanong ko ay sumagot si jake

“Pumunta kami sa dorm mo, may sakit ka raw sabi ng ka blockmate mo”

“ahhh ganun ba”-Vee

Nag-aya naman si Adrian na punta muna akaming coffee shop bago umuwi and we did.

Sumabay ako kay Adrian at Kurt dahil maagang natapos yung klase namin, Si Cassy at Jake, magkasabay na lang. In-order narin namin yung dalawa, habnag hinihintay nagpaalam muna akong lumabas para picturan yung ulap, Nakita ko kanina ang ganda kasi.

Habang naghahanap ako ng angle ay may nakita akong dalwang pamilyar na tao mula sa malayo, pinaliit ko ang anking mata para mas lalong Makita kung sila nga iyon? Yun! Yung babaeng na nabangga ko pati yung lalaking makapanghila sa’kin wagas, tama! Sila nga yun. Papalapit na ako sa kanila ng nagkatinginan kami sa isa’t-isa, Pinagmasdan nila ang kanilang buong katawan at nagmata ang mga mata nila na parang nag-uusap, Sinimulan na muling ihakbang ang mga ulo ko, jk. Ang mga paa ko papalapit sa kanila pero hinawakan ng lalaki yung kamay ng babae at tumakbo.

“Waittt!!” sigaw ko , di nila ako nililingon at ang bilis ng  takbo nila.

AY! KABAYONG PALAKA!

Napahinto ako sa pagtakbo dahil nartalisod ako, tinignan ko ang buong paligid at wala namang bato dun? Ahh Ang shunga ko talaga. Di agad ako nakatakbo dahil sa hingal ant bilis ng tibak ng puso ko, tinignan ko ang buong paligid at ang ganda nito tsaka hinahanap ko kaya sila.

Paghakbang ko ay

“vee, where are you going?”na-excite ako ng margining ko yung boses ng babae, sya na kaya iyun?, But I’m wrong Si cassy lang pala di ko namalayan nasa harap ko na pala sila ni jake.

Ti-nap ni Jake yung likod ko dahil hingal pa’rin ako.

“Ahh wait lang, Kasi may---“ di pa ako nakakatapos ay hinatak na ako ng dalawang mokong .

“let’s go, they’re waiting for us” aya ni Jake.

Kaya sumunod na lang din ako sa kanila, Lumingon ulit ako sa likod para Makita yung dalawa, Hayy wala na talaga. Pagharap ko ay nakatingin si cassy at jake sa’kin.

I smiled.

Then we walk until we reach the coffee shop.

Siguro Guardian Angels ko yung dalawang nakita ko dati pati kanina.

[A/N] Heyy there XD I'm happy he-he , Nakaabot pa'to ng 10 chapters hehe konti lang update ei sarreh, La kasing sembreak :3 Saranghea!

Unknown Identity (Beyond Repair)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon