Neneng Bitter

669 37 40
                                    


Love is the greatest feeling that anyone could ever feel.

Love is unpredictable and unconditional.

Love conquers all.

Love is blind.

Love sees no boundaries.

Love is when you see that person and your heart skips a beat.

Love is a many splendord thing.

Love is like a rosary full of mysteries.

Love is like a bubble gum kung mupilit makabuang.

Love is...

Love is...

Love is...

Nagbabasa ako ngayon ng mga quotes about love.

Ang dami! Nakakalula!

Pero mas nalulula ako dahil sa kakornihan ng lahat ng ito.

Kaloka! Eksaherada!! OVEEEER!!!

Ang dami ko na nga'ng nabasa eh. Ang dami ko na ring nabasang romantic stories at kahit romantic movies pinatulan ko na rin.

'Yan daw kasi yung cure sa sakit ko.

Sakit ba talaga?

'Yan ang advice sa akin ng mga kaibigan ko para magamot yung sakit ko. Para daw bang therapy. Unti-untiin ko raw para masanay ako.

Pero...

Bakit ganun?

Ilang daang story na ang nabasa ko.

Ilang movies na ang napanood ko.

Ilang daang quotes na ang ini-GM ko.
Ilang pick up lines na ang ini-status ko sa FaceBook.

At ilang chocolates na ang kinain ko,

Para lang matubuan ako ng SWEET BONES sa katawan.

Ginawa ko naman lahat ng suggestions nila.

Pero...  

Bakit ganun?

Bakit  nasusuka parin ako habang  nagbabasa ng romantic stories?

Bakit nandidiri parin ako sa mga love songs, mapa-english man o mapatagalog.

At bakit inaantok parin ako kapag nanonood ng romantic movies?

At meron pa ..

Alam niyo yun? Yung pakiramdam na napapataas ang kilay mo dahil sa mga banat na nakakakilig 'kuno' pero para namang nanggagago lang.

Ikaw ba naman ang tanungin ng, "Pustiso ka ba?" Like, duh! Malamang hindi! Kailan kaya siya nakakita ng pustiso na halos limang talampakan ang taas, may ilong, mata, bibig,  tenga at nagsasalita. Tas, susundan niya pa ng, "Kasi, I can't smile without you." Like duh, ulit?! Yun LANG pala yun?! G*ago rin eh! Ba't di nalang sabihin agad na, "Alam mo, napapangiti mo ako." Ganun! Hindi yung nandadamay pa ng pustiso! Respeto naman tol! Hindi lahat ng tao matibay ang ngipin! Pa'no kung yung tinanong mo ng ganyan, nakapostiso pala, edi patay ka!

Ta's may pahabol pang isa na,  "Tumangkad ka ba?!" Ang gago lang diba? Pa'no kung maliit talaga by nature yung taong sinabihan niya? Ano yun?! Harap-harapang insulto, ganun? At kung totopakin nga naman, dudugtungan niya pa ng " Kahapon kasi, nasa isip lang kita. Ngayon, pati puso ko naabot mo na." Ay tanga! Tanga talaga! Ano yun? Galing sa isip tas biglang baba sa puso? Na-gets ko na eh. Na-gets ko na yung connection. Pero ang hindi ko maintindihan, dre... bakit ganun yung pick-up line? Mula isip papuntang puso? Ano yun? Yung pagtubo mula taas pababa? Pwede ba yun? Over! Ganyan tayo eh! Kahit hindi pwede, pinipilit. Bahala nang mali-mali basta mailusot lang. Tss.

At meron pa...

Sabi nga nung isang kaibigan ko minsan.

"Girl... alam mo ba? Ngayon lang ako naging ganito kasaya eh! Alam mo yun...nung nakilala ko siya at naging magboyfriend kami, parang... parang wala nang kahit isang araw na malungkot ako. Parang nasa cloud nine lang ko palagi." Nangisay-ngisay pa siya dun at halos tumirik na ang mata dahil sa ang saya niya nga, sabi niya.

Alam mo kung anong sinagot ko sa kanya? Eto oh,

"Ako nga rin eh. Simula nung nagdownload ako ng APP na puro jokes ang laman, palagi na rin akong masaya. Sobrang tawa ko nga palagi eh. Ang sakit sa panga grabeh! AT SINGLE PA AKO NIYAN HA! Hahahaha! Nakakatawa talaga eh! Tingnan mo, ang saya ko diba?! Hahahaha! Gusto mo pasa ko sa'yo yung app? Pramis. Matatawa ka. MAS MAGIGING MASAYA KA PA! HAHAHAHAHAHAHAHA!!"

At yung kaibigan ko,

"Malala ka na talaga." Umiiling na sabi niya.

"Oh. Bakit na naman?" Malala raw?

"Ano ba namang sagot yun? Hindi dapat ganun yung sagot mo eh! Dapat ang sinagot mo, talaga girl? Waaah! Sana ako rin magkaboyfriend na noh?! Gusto ko'ng maging masaya katulad mo girl! Waaaah! Asan na ba kasi yang soulmate ko! I want to meet him na emergerd!"

Halos masuka ako sa mga sinabi njya. Isabay mo pa ang itsura niya.

Inirapan ko lang siya nun. Yuck! Ako?! Sasabihin yun? No way! Never!

"Bakit ko naman sasabihin yun noh?! Alam mo, hindi ko naman kailangan ng boyfriend para maging masaya. Nasa tao 'yan eh. Choice mo 'yan. Ikaw, pinili mong maging masaya diyan sa boyfriend mo. Ako solve na ako dito sa jokes app. Ba't ko naman kakailanganin ang lalaki para lang maging masaya ako? Bakit? Clown na ba ang mga lalaki ngayon?  Dito nalang ako sa app. Libre na, masaya na, wala pang hassel at hindi pa nakakasakit ng puso. Oh san ka pa?"

"Neneng Bitter ka talaga." Ayan! Yan ang palaging sinasabi nila kapag kinokontra ko ang mga hirit nila.

Bitter agad-agad. Bitter talaga?

Bakit? Hindi ba pwedeng nagpapakatotoo lang?

Kasi ako... nagpapakatotoo lang talaga. Walang halong joke. Kahit pustahan pa.

Ano, naniniwala ka ba?

Neneng Bitter (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon