PROLOGUE
"Resignation?" Her boss scanned the papers she've submitted. "Why so sudden?"
Napabuntong-hininga ang dalaga sa katanungang iyon. Gusto man niyang sabihin ang dahilan ng kanyang biglaang pag-resign pero naisip niyang dapat lamang na walang makaalam ng papasukin niya.
"Is this about your grandfather, Em?"
Napakislot si JM sa biglaang tanong ni Hefner. Nag-iwas siya ng tingin. "Ipinangako ni lolo na ibibigay niya sa'kin si mommy. Kailangan kong sundin ang gusto ni lolo, boss Hef. K-Kailangan."
Tumayo si Hefner at marahang tinapik ang balikat ng dalaga. "Well then, I hope you won't regret your decisions, Em. Me and my father tried everything to keep you away from the Beltrans but this matter is completely up to you."
Tinagpo ng dalaga ang mata ng butihing boss. Nginitian na lamang niya ito bilang pagtugon- ngiting may halong pait at tila napipilitan.
"Gagamitin ka niya, JM. Alam mo 'yan."
His warning almost made her knees tremble. Bihira lang magtaas ng boses ang boss niya kaya alam niyang labis itong nag-aalala para sa kanya.
But she doesn't have a choice. Time is of the essence. Hindi niya kakayanin na umupo na lang sa tabi at antaying tuluyan nang gawin ng lolo niya ang mga gusto nitong gawin.
Kaagad niyang kinuha ang shoulder bag na nakapatong sa kanyang desk, kapagkuwa'y sinuri ang laman no'n kung kumpleto. "Pakisabi po kay Evan na sundin ang schedule na ibinigay ko sa kanya. Pakisabi po kay Ma'am Eve na madalas ko siyang k-ku-kumustahin." ang tinutukoy ni JM ay ang asawa't anak ng boss niya na itinuring na niyang pamilya.
Niyakap siya ni Hefner nang mahigpit at bahagyang tinapik ang kanyang likod. "Mag-iingat ka palagi, JM. Nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong."
Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ng dalaga. Mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap kay Hefner. Heaven knows how thankful she is to have met the Waverlys. Dahil sa tulong ng mga ito kaya niya nagawang makapagtago sa loob ng mahabang panahon.
BINABASA MO ANG
Isla De Fuego Series 1: Deception (EROTIC-ROMANCE)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT INSIDE | EROTIC-ROMANCE | R-18 A decade-long revenge plan has never been this exciting. Iyon ang nasa isip ni Alexander. As soon as his enemy's daughter landed on his nest, he knew he's in for a treat. There's nothing he woul...