Chapter Twenty-Four: Revelation

8.6K 314 7
                                    

Chapter Twenty-Four: Revelation


IT HAS been a week since JM left the island.

Para kay Lex, bangungot ang isang linggong lumipas. There are no days that he stopped searching for JM in the island's vicinity. Balita niiya sa security department ng isla kahapon lang na mukhang isinama si JM ng mga tauhan ni Walter paalis ng isla ayon sa records ng CCTV footage sa pier.

"I told you she's a hustler. Look at you. You didn't shave and you reek of alcohol. Apparently, you got hustled."

Kung pwede niya lang suntukin si Logan ay ginawa na niya. Nagtimpi na lamang si Lex at pabagsak na umupo sa sofa hawak ang isang bote ng vodka.

"I can't wait to see the look of hopelessness in your face when someone hustled her way to your perfectionist dick."

Logan fixed his reading glasses before averting his attention to the book he's reading. "Not gonna happen. I have standards, Lex."

"Boss Nick, mauna po muna ako."

Napalingon si NIck na nasa tabi ni Lex sa taga-linis ng HQ nila na si Niezel. Tila nagmamadali ito at nag-aalala.

"Bakit, Niezel? Maaga pa. Pwede ka ritong maghapunan."

"May sakit po ang kapatid ko. Naglalasing na naman daw po si tatay kaya kailangan kong umuwi. Hindi pa po pala sila nakakakain ng tanghalian."

Lex is thankful that responsible woman like Niezel exists in that kind of household. Napaka-suwerte ng mgakapatid ng babae rito. She somewhat reminded Lex of her ate Alessa.

Itinuro ni Nick ang ref. "May mga leftover pa sa ref. Kunin mo na lahat at dalhin mo sa mga kapatid mo. Masasayang lang rin naman ang mga iyon."

"Nakakahiya naman po sa inyo, boss."

"I knew you would say that, Niezel. How about you clean the garden tomorrow as a payment?"

Biglang nagliwanag ang napaka-amo nitong mukha. "Salamat po, bossing." Sumaludo pa ito at nagbalik sa kusina. Sa gilid ng mata ni Lex ay napansin niyang nag-angat ng tingin si Logan at sinundan ng makahulugang tingin si Niezel. Weird.

Ibinaling na lamang ni Lex and atensyon sa vodka. It seems like his friends are giving him space. Hindi ito nagtanong sa nangyaring pag-alis ni JM. He'll bet that Corinne's gonna ask him later about that. Sa ngayon ay pilit niya munang aalisin si JM sa isip niya.

He's a fool by keeping on denying about his feelings towards that Beltran. Ngayon ay sapat nang proweba ang lungkot na nararamdaman niya ngayon nang iwan siya ng dalaga. He didn't have the chance to even tell her——No, scratch that. He's a coward for not facing those rising emotions inside him whenever she's around.

Kung alam lang ni Lex na iyon na lamang ang huling beses na makikita niya si JM ay malamang inangkin na niya ang dalaga hanggang sa hindi na ito makalakad. He wasn't angry that she'd left him without bidding goodbye. Naiinis lang siya at nagkikimkim ng hinanakit rito. Why didn't she tell him her plans? Why did she ended everything so soon without considering what he would feel about this matter?

Dumating ang secretary niya na si Gary sa HQ at nilapitan siya. "Sorry, sir. Um-attend pa ako ng board meeting bago makasakay ng speedboat." Inabot nito sa kanya ang isang folder na naglalaman ng detalye ng kanyang bank account. "Jeanne Maurice Sanchez transferred a total sum of twenty million US dollars in your bank account, sir. Naghinala po ako na fraud kasi wala naman po akong ine-expect na papasok sa account mo."

He crumpled the paper in his clenching fist. "We're going to Manila first thing in the morning, Gary."

.

.

.

JM embraced her mother as soon as her grandfather signed the papers about her mother's custody. Tulak-tulak ng kanyang ama ang wheelchair ng mommy niya. Her mother was clueless about what's going on.

"Isasama na kita, mommy. Ipapasyal kita kung saan mo gusto." Napuno ng hindi-maipaliwanag na kasiyahan ang puso ni JM nang mayakap ang ina. This time, she'll do everything just to keep her mother away from her grandfather.

"Sino ka bang bata ka? Bakit mo ako niyayakap."

Natawa na lamang si JM sa tanong ng ina. Her mother's alzheimer's disease was worse. Her mother wakes up everyday thinking that it was June 22nd of 1990. Kung bibilangin ang edad ng kanyang ina mula sa petsa ng kapanganakan hanggang sa petsang naaalala nito ay bumalik ito sa edad kung saan mid-twenties pa lamang ito. So, apparently, it was the year she was born kaya malamang ay hindi siya nito maalala.

"Ako po si Jeanne Maurice. Mauri? JM? Em em?"

"Hindi kita maintindihan."

Bugnutin ang kanyang mommy dahil na rin sa sakit nito. Nakakapaglakad ito pero pinili nilang i-wheelchair na lamang si Janice dahil madalas raw itong mawala sa pasilidad kung saan ito naka-confine.

"Aalis na ako. Isasama ko na si mommy. Ayaw ko nang makarinig ng kung anong utos mula sa'yo."

"Suit yourself, Mauri. Basta't huwag mong kalimutan ang kasunduan natin. Am I clear?"

She nodded with full of bitterness written all over her face. Itinulak na niya palabas ng study ang wheelchair ng kanyang ina.

"Bakit mo ako inilayo sa asawa ko?"

"Mommy, walang kwentang tao si daddy. HIndi ka niya inintindi noong mga panahong kinuha ka ni lolo."

"Magkikita pa ba kami ni Marino? Makikita ko ba ulit ang asawa ko?"

JM froze the moment she heard that form her mother.Nanlaki ang kanyang mga mata at dahan-dahanginikot ang wheelchair ni Janice para makaharap niya ito.

"A—Asawa mo si lolo Marino?"

"Ilang taon na kaming kasal." Nginitian siya ng kanyang ina. "Sayang nga eh. Guwapo pa naman sana ang daddy mo kaso kasal na ako. Kaya hindi pwedeng ako ang mommy mo. Magka-edad lang ata tayo, eh."

Isla De Fuego Series 1: Deception (EROTIC-ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon