Mabilis ang hakbang ko pababa ng eroplano. Bakit ba ako naeexcite? Eh wala namang bago dito sa Cebu. Pitong taon na nakalipas, takte ang init padin.
Pumasok ako ng airport at inabangan ang maleta ko. Inip akong nagantay at finally after 5 minutes dumating din. Kaagad kong hinawakan ang handle ng luggage bag ko at mabilis na naglakad palabas ng Mactan airport.
Sino ba kase ang nagsabe na magturtle neck ako at longsleeve. Ang init tuloy. Diretso ang lakad ko palabas ng mabunggo ko ang matangkad na lalaking mukhang pupunta ng korea sa outfit. Napangisi ako ng mapatigil siya.
"Sorry Miss". Saad niya.
"No problem!" Ani ko sabay kindat. Nagulat naman siya at napakurap. Tumawa lang ako at tuluyan ng naglakad palabas ng airpot.
Wala parin talagang pinagbago ang Cebu. Madami parin gwapo. Thanks God! Napailing nalang ako at natawa sa naisip kong boys hunting na balak kong gawin. Kaagad naman naagaw ang atensyon ko ng pamilyar na lalaki na nakatayo sa labas. Kumaway saken si Zach at naglakad palapit. Iniabot ko sa kanya ang maleta ko and instead of reaching it, niyakap niya ako. Ang clingy talaga ng kapatid kong 'to.
"Namiss kita Ate Alex!"
"Zach kumalas ka na nga, para kang bata." Saad ko pero di parin siya bumitaw.
"Ang init Zach, ano ba"
Kaagad naman siyang kumalas sa yakap. Nakahinga din ako ng maluwag sa wakas. Napalingon ako sa kanya ng ilagay niya ang maleta ko sa likod ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.
"Sino ba kase nagsabe na magturtle neck ka? Cebu to hindi London." Pangaasar niya pa.
"Ay hindi ba?" Sarcastic kong saad at natawa lang siya. Natawa nalang din ako. Ang dami niyang tanong saken. Naiinis nga ako at sunod sunod pa. Pero hinayaan ko nalang siya, alam ko naman na sobra niya akong namiss.
Mabilis ang naging byahe patungo sa San Carlos. Kaagad akong napabalikwas sa pagkakahiga sa upuan ng matanaw ko ang magandang dalampasigan. Punyeta mas maganda pa saken! Well tanggap ko naman, eversince naman maganda na talaga 'tong Binogawan beach. Mas lalong gumaganda lang pag nandun ako. Hahahaha
"Uy gusto na niyang magsurf." Napalingon ako kay Zach.
"Tara mamaya?" Pagkumbinsi ko sa kanya. Umiling naman siya.
"Di pwede, alam mong inaantay ka nila Mama sa bahay. Alam mo naman yun madaming itatanong sayo yun. Pupunta din sila Betlehem dun panigurado." Napailing siya bago nagpatuloy.
"Dami mo kayang utang na kwento sa mga yun." Saad pa niya.
"Tsismosa talaga mga pinsan mo no?" Sagot ko naman.
"Pinsan natin! loko." Natatawa pa siya.
"Ay pinsan ko ba yung mga yun? Di ako sure." Tumawa kami parehas.
"Sana wala pa sila dun ngayon." Napalingon ako sa kanya.
"Ay ugali oh."
"Ano kaba ate Alex, kung dati magulo na sila, pota walang sinabe ngayon. I'm sure tuluyan mo na talagang itatakwil yung mga yun." Pahabol niyang sambit. Di naman ako umimik dahil patuloy ako sa pagtingin sa dalampasigan sa labas ng bintana ng sasakyan. Napalingon lang ako nang magsalita siya ulit.
"Sabagay, kasing gulo mo nga pala sila." Agad ko siyang hinampas at natawa lang ang loko. Nakarating na kami ng bahay ng di ko namamalayan. Ang dami kasing kwento ni Zach tungkol sa mga pinsan namin. Jusko para naman intresado ako sa lovelife ng mga yun. Eh di naman nawawalan ng mga babae yung mga yun.
BINABASA MO ANG
Ready or Not
AdventureAlex the happy go lucky girl was living her carefree and wealthy life in Manila. But everything changed when she found out that she is dying. Alex decided to spend her remaining months with her family in Cebu. She accepted her fate. She's ready to d...