Kabanata 4

13 3 0
                                    

Hindi masyadong nagtagal ang byahe, hindi katulad sa inaasahan namin ni Mardo. Ala syete narin kase kaya wala na masyadong traffic. Tumunog ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Cresilda. Nasa may parking lot na daw sila inaantay kami. Natanaw naman namin ang sasakyan ni Ella sa ilalim ng mga niyog. Bumusina si Mardo pagkatapos ay nagpark di kalayuan sa sasakyan ni Ella. Bumaba naman kami ng sasakyan at sinalubong kami nila Ella.

"Dang ang ganda natin!" Saad ni Ella, nagtitili naman si Cresilda. Kumuha muna kami ng litrato bago naglakad papasok ng resort. Nakashort si Ella at naka tube na may strap, agaw atensyon ang belt bag niyang Gucci, mukha siyang mataray dahil sa maiksi niyang buhok at fierce niyang makeup.

Si Cresilda naman ay nakaskirt at naka itim na handkerchief tube, mas Lalo tuloy siyang pumuti, sakbit niya rin ang lv na bag. Mukhang anghel tong si Cresilda, mahaba at straight ang buhok, ang puti pa niya. Habang si Mardo naman ay nakashort at brallete bra. Maputi din si Mardo maalon ang lagpas balikat na buhok, mapangakit ang mga mapupungay niyang mata. Buti nalang at hindi ako lalaki, kundi nako.

Pumasok na kami ng resort at mas lalong lumakas ang musika na hindi masyadong dinig sa labas. Madami kasing puno ng niyog dito kaya kahit papaano hindi ganon kaingay. Ang daming tao, di ko akalain na ganito karami ang nagpaparty dito sa Cebu. Naglakad kami papalit sa mga taong abala sa paginom ng beer at pagsasayaw. Binati naman nila sila Mardo ng mapansin nila ito. Ang daming lumapit kela Mardo at Ella, mga bumabati sa kanila. Pinapakilala naman nila ako sa mga yun.

Nagugulat lang ako sa mga nagiging reaskyon ng mga lalaking kakilala nila sa tuwing ipapakilala nila ako. Di nila ako kinakamayan o binebeso! My god. Gentleman ba sila? Nakakaasar naman, feeling ko tuloy sobrang ganda ko. Hahahaha Kumuha kami ng red cup at nagsalin ng beer. Nagplay ang kanta ni Dua Lipa na Don't Show Up kaya naman nagpuntahan sa gitna ang mga tao at nag sayawan.

Samantalang naiwan kami nila Mardo sa lamesa, nakatayo habang naghahanap ng mabibiktima. Si Ella at Cresilda ay parehas abala a cellphone nila, may kinocontact pa ata. Dahil di ko rin mapigilang di mapasayaw, niyaya ko na si Mardo sumayaw. Syempre di siya tumanggi.

Di na kami lumayo at sa may gilid lang kami sumayaw. Nagbubulungan kami habang sumasayaw, at may kinalaman yun sa mga gwapong lalaki sa paligid namin. Patuloy lang kami sa pagsayaw habang hawak hawak ang cup. Natuwa ako ng may makabunggo saken sa likod. Lumingon ako at nginitian siya, nagulat naman ang lalaki sa harap ko at tumalikod. Pisti na yun. Tumalikod ako at sumimangot ng makitang may kasayaw na si Mardo. Buti pa siya.

Ano bang meron? Di naman ako panget ngayon ah. Sumayaw nalang ako malapit kayla Mardo, kininditan niya lang ako at tinawanan siya. Nagpatuloy narin ako sa pagsayaw, di rin naman boring sumayaw magisa no. Nilagok ko ang beer at nagsimulang maglakad patungo sa table namin. Sinenyasan ko naman si Mardo at tumango lang siya.

Di pa ako nakakalapit sa table ay natanaw ko na si Ivan kasama ang mga kaibgan niya at sila Ella sa table. Lumapit ako sa kanila. Pinasadahan naman ako ng tingin ni Ivan bago nagsalita.

"Di ka ba nilalamig diyan?"

"Hindi ang init nga eh?" Sagot ko at nagsalin ng beer. Nagsalita naman si Ella.

"Wala ka paring nabingwit?" Umirap lang ako sa kawalan at bumuntong hininga. Tiningnan ko ang katabi ni Ivan na kung di ako nagkakamali ay si Kirby.

"Tara sayaw tayo" Saad ko sa kanya, napatingin naman silang lahat kay Kirby at saken. Samantalang nagulat si Ivan at Kirby sa sinabe ko.

"Tara na sayaw lang naman." Dagdag ko pa.

"Si Benjamin nalang." Saabe ni Kirby na napalunok pa.

"Ang conservative naman ng mga tao dito nakakaasar." Saad ko at uminom ng beer. Umiling naman si Ivan at may binulong kay Kirby. Hindi ko alam kung ano pero lumapit saken si Kirby at hinigit ko siya para sumayaw. Sa totoo lang wala na talaga akong balak harutin tong si Kirby, gusto ko lang talaga may kasayaw. Sumayaw ako sa harap niya at ganon din siya, pero alam kong naiilang siya. Maaga pa Alex wag kang mainip, saad ko nalang sa isip ko. Nagsalita siya pero di ko siya narinig kaya lumapit ako sa kanya.

Ready or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon