Kabanata 5

9 4 0
                                    

Napapikit nalang ako sa inis ng marinig ang pangalan ni Sean. Tumalikod nalang ako at nilisan ang parking lot. Wala ng silbi tong gabe na 'to. Naglakad ako putungo sa table namin ng makasalubong si Ivan na dala dala ang bag ko.

"Ayos kalang?" Nagaalala niyang tanong. Tumango naman ako.

"Kaagad kitang hinanap nung nagblack out. San ka galing?" Tanong pa niya.

"Dun lang." Matipid kong sagot. Naramadaman naman niya na hindi na ako komportable.

"Tara na hatid na kita." Tumango nalang ako. Naglakad kami patungo sa  parking lot ng magsalita siya.

"Gusto mo ng tubig?"

"Sige." Tugon ko. Tinitigan niya ako at hinawakan ang nanginginig kong kamay. Pinisil niya ito at ngumiti.

"Wag ka ng matakot." Napangiti ako ng bahagya sa sinabe niya. Kumalma narin ang malakas na pagtibok ng puso ko kanina.

Papalapit na kami sa saksakyan niya ng makita ko si Sean pati yung Uno na barkada niya. Naalala ko naman yung nangyari kanina. Napairap lang ako ng maalalang para siyang bato kanina. Sinamaan ko naman ng tingin ang kapatid ko na katabi niya.

"Ang aga pa ah, uwi kana?" Pangaasar pa niya. Iniisip ko tuloy kung alam niya ang nangyari samin kanina ng kaibigan niya. Sana di na sabihin nung Uno.

Sinamaan ko pa lalo siya ng tingin. Di naman niya ako pinansin at ibinaling ang tingin sa katabi ko na si Ivan. Nagigting ang mga panga niya. Nagsalita ako bago siya talikuran.

"Sana masaya ka sa mga trip mo leche ka."

Tuluyan na akong naglakad patungo sa nakaparadang sasakyan ni Ivan. Sumakay na kami at nagsimula na siyang magmaneho. Inabot niya saken ang mineral bottle at agad ko naman itong ininom.

"Babalik kapa dun diba?" Tanong ko.

"Oo nandun pa sila Kirby eh."

"Ikaw nalang magpaliwanag kayla Ella." Saad ko naman.

"Ako na bahala. Magpahinga ka nalang paguwi mo."

"Salamat." Kaagad naman tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Mardo, agad ko naman itong sinagot.

"Nasan ka George!? Okay kalang ba? Pls sabihin mong okay kalang? Saan ka? Puntahan kita dyan!" Sabe niya sa nagaalalang boses.

"Mard kalma. Okay lang ako. Pauwi narin ako ngayon. Kasama ko si Ivan."

"Thanks God! Sigesige ingat kayo. Uwi narin ako." Agad ko naman siyang sinagot.

"Oa mo! Wag ka ng umuwi. Nandyan pa sila Ella at Cres. Sulitin mo na yan."  Saad ko pa.

"Ang corny naman, wala ka dito!"

"Leche ka. Eh di rin naman tayo magkikita ngayon kung nandyan ako." Saad ko na nagpatawa sa kanya.

"Sige na ipagpatuloy mo na yang ginagawa mo, ayos lang ako." Dagdag ko pa.

"Sure ka ha? Kwento ako tom." Natatawa pa siya.

"Oo na Hahaha" Saad ko naman. Nagpaalam na siya at pinatay na ang tawag. Napalingon naman ako kay Ivan ng magsalita siya.

"San daw siya?"

"Nasa tabi tabi lang yun." Tugon ko naman.

"Tss di ko alam kung bat kayo ganyan ni Mardo." Naningkit ang mga mata ko sa sinabe niya.

"Di ko nga rin alam bat ganto tayo." Tugon ko naman. Natawa naman siya.

"Anong tayo? Hoy kayo lang ang ganyan ni Mardo no! Good boy ako." Depensa pa niya.

Ready or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon